CHAPTER 38: Indenial

80 3 0
                                    


>SAM's POV:

"Nasan naman kaya yung taong yun. Kanina kasabay ko lang yun tapos biglang nawala. Hindi pa siya pumasok ng First Subject, loko talaga yun, unang Araw palang ng Klase eh."

Naghanap hanap ako kung saan saan, iniwan ako ni Alden, ano na nama kayang drama ng Lokong to.

Pinasok ko lahat ng Facilities and Rooms sa Buong University. Naisip kong tignan sa May Roof top dahil naalala ko na mahilig siyang magtago sa Roof top. Kase nung Grade School palang kame, pag walang pasok lagi kame sa bahay tapos pagnaglalaro kame ng taguan dun lage sa Roof Top namen yung Paborito niyang taguan so ayun baka nandun nga siya ngayon. —
Nagpunta ko agad sa Roof top ng University. Pero hindi ako agad nakaakyat dahil nakita kong nandun ang dalawang Janitor. Mukhang nagpapahinga sila.
Patay paano ko makakaakyat dun.
Hmmmm. Aha may naisip ako!

"M-Manong!"

"Teka bakit nandito ka? Bawal ang studyante dito!"

"Ah Kase Manong pinapatawag kayo sa Baba, sobrang dame kaseng kalat dun."

"Sus eh kakagaling nga lang namen dun eh!"

"A—Ahh, bahala kayo kuya kung ayaw niyong maniwala, kayo din bahala kayo pag nakita ng mga Prof. Yung kalat dun mawawalan kayo ng Trabaho!"

"Ay oo nga, tara na Pare, ayaw kong mawalan ng Trabaho!
Sige Boy salamat ah, bumaba ka na rin!"

" oo sige Manong susunod na ko, isisintas ko lang tong sapatos ko!"

Alright, ang Talino ko talaga! Naisahan ko sila.
Nung makita kong wala na sila nagmadali akong umakyat sa Roof Top.
Nang makarating na ko sa Taas, naku Sobrang init dito, mukhang hindi naman kayang magtago nun dito.
Haaaay makababa na nga, sayang effort!
Baba na sana ko ng bigla kong may narinig na Isang Hilik!

Pinuntahan ko agad yung lugar kung saan nang gagaling yung Tunog.

"Aha sabi ko na nga ba eh! Langya Sarap ng tulog ng Loko!
Uyy Paps gising na!"

Inuga ko na siya't lahat lahat pero ayaw niyang magising. Walangya mahirap talagang gisingin to eh.

"Ahh Alam ko na kung paano ko magigising to!"

Kumuha ko ng isang hibla ng Buhok ko tsaka ko nilagay sa Loob ng Tenga niya para makiliti siya, Malakas kiliti sa Tenga neto eh.
At ayun nga, nagising ko rin sa wakas ang Sleeping Prince.

"Ayyy. Walangya ka Sam. Bakit ka ba nang iistorbo hah?!"(Alden said)

"Eh kase Paps kanina pa kita hinahanap, 12 Noon na kaya, hindi ka pa pumasok sa mga Klase kanina. Tara na kain na tayo!"

"Haaay mabuti pa nga, tara na! Libre mo ah!"(Alden said)

"Sure!"
———

Pagkatapos nameng kumaen, nagStay muna kame sa may Hallway, may mga Upuan dun kaya maraming nakatambay na Students. Andameng Girls na Nagpapakilala kay Alden pero hindi niya pinapansin. Masyadong Suplado.
Pero kanina ko pa napapansin na parang wala sa mood tong lokong to eh.

"Hey Paps kanina ko pa napapansin, wala ka ba sa Mood? O may Problema ba? "

"Haay naku Wala! Inaantok lang ako!"(Alden said)

"Sus parang di naman! Babae ba yan Paps?"

Pero teka, hindi naman nagkakaganito si Alden sa lahat ng Babae eh, pero maliban lang sa isa.......
Aha baka nga si Maine ang Problema nito.

"Teka siguro si Maine ang iniisip mo no!"

"Hah! Wag ka nga! Hindi siya no!"(Alden said)

"Weh? Wala kong maisip na ibang dahilan kundi si Maine lang, kaya umamin ka na Paps!"

"Oo na, siya nga! Nakita ko kase kanina siya dito, may kaHolding Hands na Mokong!!"(Alden said)

"Hah dito rin nag aaral si Maine? Wow! Pero teka baka si Vico naman yun?"

"Hindi si Vico yun, Ang yabang ng itsura!"(Alden said)

" Hayaan mo Paps iimbistigahan ko yan para sayo, Bakit kase hindi ka pa umamin sakanya. Yan tuloy ang dameng umaaligid sakanya, bahala ka ikaw din baka maunahan ka! Dali UMAMIN KA NA KAY MAINE!"

"HAH?? T—Teka, narinig ko yung pangalan ko!
Ano yung aaminin ni Alden saken?"(Maine said)

Nabigla kameng dalawa ni Alden nung biglang Dumaan si Maine, Narinig niya ata mga pinag usapan namen! Pero eto na ang time para masabi ni Alden, ako na ang gagawa ng Move.

"Eh kase may gustong aminin sayo si Alden, diba Paps?"

"Hah! W—Wala ah!"(Alden said)

"Hah ang gulo niyo, ano ba kase yun?"(Maine said)

"Ahhhh. Eh kase Maine, may Gusto sayo si Alden.."

"Hah! Anong pinagsasabi mo!
W—wala. W—ag kang maniwala D—dyan kay Sam. A—ako magkakagusto sayo! Haha no way! Ang dameng Girls dyan na magaganda! Kaya wag kang makikinig dito kay Sam, At wag ka rin mag Assume na may gusto ako sayo!"(Alden said)

Mukhang nagulat si Maine sa mga sinabi ni Alden, maski ako nagulat din eh.

"Edi Wow sayo Unggoy ka! For your information Sino ba nagsabing nagAssume ako, baka ikaw ang Assumero. Kahit kailan hindi hindi kita magugustuhan dahil ang Panget ng ugali mo, tsaka oo na Alam kong Panget ako kaya hindi mo na kailangang ipagsigawan Tanggap ko na sa Sarili ko yun.
Kaya kayong Dalawa, kung wala kayong magandang sasabihin saken pwede ba wag ako ang pagtripan niyo. "(Maine said sabay Alis)

"Hmmf tignan mo nga, bukod sa Torpe ka na, Maskit ka pa magsalita. Ayan tuloy, ako na nga ang Gumawa ng Paraan eh para umamin ka na sakanya! Ang gulo mo din minsan eh no!"

"Tse! Tigilan mo nga ko Sam,sino ba kase nagsabing Aamin ako sakanya, tsaka Wala akong aaminin sa babaeng yun kase Wala naman talaga akong aaminin, oo dati Crush ko siya pero Dati yun. Ngayon wala na! WALA NA!
Dyan ka na nga!"(Alden said sabay Walk out)

Ay langya naman oh, bandang huli ako pa ang naging Kontrabida, haaay napakaTorpe naman kase nitong kaibigan kong to eh,
Pero parang hindi ako naniniwalang wala na siyang Feelings kay Maine,
Mahuhuli rin kita Alden, papaAminin kita!
Readers tulungan niyo kong paAminin siya hah!

On The Way To FOREVERWhere stories live. Discover now