CHAPTER 39: Wala nga ba?

99 3 1
                                    


>MAINE's POV:

Haaay Naku nakakaSira talaga ng araw yung Unggoy na yun, sobrang Feeling niya Grabe...
Haaay naku talaga!

Nagpunta ko sa may Garden ng University, napakaraming Halaman at bulaklak. Kung pwede lang sana pumitas eh. NakakaWala ng Stress.

Naglakad lakad ako hanggang sa makita ko yung isang malaking Puno ng Akasya, napaWow ako dahil naAmaze ako sa Ganda nung puno.
Lumapit ako sa Puno at umupo dun.

"Dito nalang muna ko tutal Vacant pa naman.
Sana naman kase makahanap na ko ng Kaibigan dito, nakakabanas kase wala kong makaKwentuhan."

"Ako Pwede!"(Mysterious Voice said)

"Teka sino yung nagsalita?? guni guni lang ba yun?
Oh my God Baka May Engkantong nakatira sa punong to!"

"Wag kang magugulat pero oo tama ka, Engkanto nga ako!"(Mysterious Voice said)

Nanlaki mata ko at tumayo ang mga balahibo ko nung may sumagot sa mga sinabi ko,
Nagtapang tapangan ako kase gusto ko tong ganto, Baka kase mamaya ipalabas ako sa 24 Oras kapag nalaman nilang may nakaUsap akong Engkanto , syempre habang iniinterview ako aacting ako,tapos dun na ko madidiscover syempre makikita ako ng mga iba't ibang director tapos tatawagan nila ko para gumawa ng Teleserye dahil nakitaan nila ko ng Potential tapos sisikat na ko!
Woooooahh!

"Hahahahaha!"(Mysterious Voice said)

"Teka bakit ka natawa??"

"Sisikat pala hah! Hahahaha!"(Mysterious Voice said)

Nagtaka na ko dahil parang nag iba na ng boses yung Engkanto. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tiningnan ko yung Likuran ng Puno,
Walangya si Jake pala yun, Tawa siya ng Tawa na halos mapahiga na siya sa Damuhan. Pero hindi ko siya magawang supladahan kase naman ang Cute niyang tumawa Haha. Yiieee landee.

"Uy Jake anong ginagawa mo dito?"

Hindi siya agad makapagsalita dahil nagpapahinga pa siya sa pagtawa niya.

"Teka lang, Hahaha.
Sorry sa Joke ah, ikaw kase eh Engkanto agad yung nasa isip mo kaya sinakyan ko nalang Hahahaha. Sorry talaga!"(Jake said)

"Ayos lang ano ka ba! Nakakahiya Grabe Hahaha!"

Bakit pag dating sakanya hindi ko magawang magsungit pag nagjojoke siya saken, bakit pag sa Unggoy na yun kumukulo dugo ko!

"Uy kunwari wala kang narinig ah, Erase Erase Erase."

"Oo sige Haha. Pero natawa talaga ko sa Engkantong yun! Hahaha!"(Jake said)

"Ay grabe siya Haha."

"Haha Halika na nga, tara sa Canteen Libre nalang kita, baka kase may lumitaw na Engkanto dito Hahaha!"(Jake said)

"Ay grabe talaga siya oh, hindi makaMove on? Hahaha
O sige tara na Libre mo ko ah!"

Naglakad na kame papunta sa Canteen, habang naglalakad kame bigla siyang may ipinarinig saken mula sa Phone niya!

"Maine pakinggan mo to!"(Jake said)

Napasigaw ako dahil naRecord niya pala yung mga sinabi ko kanina. OhMyGod.

"Hallah, aken na yung Phone mo, delete mo yan!"

"Wag! Ayoko!"(Jake said)

"Hallah bakit? Sige na burahin mo na yan Jake!"

"Dont Worry hindi ko naman ilalabas to eh, Papakinggan ko lang kapag nalulungkot ako panigurado mawawala yun kapag narinig ko to! Promise saken lang to!"(Jake said)

"Grabe siya! Pero Promise mo yan ah, wag mong ipaparinig sa iba baka pagkamalan akong Baliw niyan dahil sa ENGKENGKAY na yan??"

"What?? Engkengkay?? What does it Mean?"(Jake said)

"Ay sorry for the Word. ENGKANTO i mean Haha!"

"Anong klaseng Language yun?"(Jake said)

"Wala Lang. Naisip ko lang Hahaha!"

"Ganun haha ang Cute! Dahil dyan Kengkay na itatawag ko sayo! Hahaha!"(Jake said)

"Ganoin hahaha. Ikaw si Kengkoy, tutal magaling ka magpatawa haha!"

"Hahaha Looks like we are Couple for that Call sign!"(Jake said)

Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko akalaing sasabihin niya yun.

"Hah??
Halika na nga Kaen na tayo, libre mo ko hah!"

———

>ALDEN's POV:

Edi wow! Magsama kayong dalawa!

"Uyyyyy!"(Sam said)

"Langya ka bakit ba nang gugulat?
"Eh ikaw eh, mukhang malalim na naman iniisip mo!
Eh sino ba kase tinitignan mo dyan? Patingin nga rin?"(Sam said)

"Naku Tumigil ka nga dyan Sam!"

"Ah kaya naman pala, si Maine at yung Lalaking yun pala yung tinitignan mo!
Eheeeen Selos ka no? "(Sam said)

"Mukha mo! Bakit naman ako magseselos. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na Wala akong Gusto kay Bibi..!"

"Weh? WALA NGA BA? Eh bakit Bibi parin ang tawag mo sakanya?
Sabi kase nila kapag binigyan mo daw ng bansag or nickname ang isang tao, he or she means a lot to you. So ibig sabihin may Feelings ka pa kay Maine!"(Sam said)

"Hmm ganun ba yun?
Hindi ko alam eh, o sige simula ngayon hindi ko na siya tatawaging Bibi. At pag nagawa ko with in 2 Months saken na Kotse mo!"

"Hahaha Sure! Sige Deal ako dyan! Basta Dapat hindi ko maririnig yang word na "Bibi" ni isang beses! Pero pag ako ang nanalo aamin ka na ng Feelings mo Kay Maine!"(Sam said)

"Teka bakit parang hindi ka nagdalawang isip na mawawalan ka ng Kotse?"

"Eh kase sure akong mananalo ko sa deal naten! Wala ng bawian yan Paps hah! Deal is a Deal!(Sam said)

"Oh sige! Kung gusto hanggang sa pagGraduate naten hindi ko siya tatawaging Bibi. Baka kase naiiksian ka sa 2 Months eh!"

"Haha sure! Patay ka ngayon!
Pag nabanggit mo yang Bibi na yan, automatic magtatapat ka na agad sakanya hah!"(Sam said)

"Oo na nga eh, ang kulit neto!"

"Haha sorry Excited lang ako!"(Sam said)

"Excited saan??"

"Na maging kayo ni Maine!"(Sam said)

"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!"
(Sabay Alis)

Naglakad ako sa Hallway papunta ng Cr ng bigla kong natanaw si Maine at yung Lalaking laging nakabuntot sakanya!
Bigla kong inakbayan yung Babaeng naglalakad sa Tabi ko!

"Ano Babe saan tayo mamaya?"

Yun lang naisip kong paraan para hindi mapansin ni Maine na tinitignan ko sila! Pero mukhang hindi naman ako pinansin! Walangya parang wala lang talaga ko sakanya!

"Ayy Sa Bahay tayo memeye Bhabe! Ako lang mag isa!"

Nagulat ako ng biglang nagsalita yung inakbayan kong Girl, paglingon ko sakanya Walangya Bading pala!
Langya napatakbo ako!

"Uyy Bhabe saan ka pupunta!"

"Tse! Lumayo ka saken wag mo kong susundaaaan!
Saaaaaaam tuloooooong!"

On The Way To FOREVERWhere stories live. Discover now