CHAPTER 26: That Guy

106 2 0
                                    

>MAINE's POV:

"BOOOOOOOGSSSSSSSH"

"ARAAAAAY!"

Naupo ako sa Sahig, Walangya ang sakit ng Pwet ko.
Sa dame dame ng Araw at Oras na may makakaSalubong ako bakit ngayon pang nageEmote ako..
Walangya kung sino man tong bumunggo saken masusuntok ko to..
Nagulat ako dahil Bigla siyang nagsalita.

"Are you okay Miss???
SORRY! SORRY! Hindi ko nakita. Hindi ko alam na........
Na bigla kang Lalabas dyan. Sorry talaga!"(the Guy said sabay abot ng Kamay)

OhMyGod! Yung Boses niya...
First time ko marinig.
Pagtingala ko sakanya......
(⊙o⊙) ←← Ganyan ang Reaction ko.
Walangya bakit may nakaPasok na Artista dito. Ang Pogi, ang Bango pa.-
Agad kong inabot yung kamay niya, nakakahiya naman kung tatanggihan ko tsaka para mahawakan ko na rin yung mga kamay niya. Hahahaha
Feeling ko SlowMo lahat ng galaw ko, nakatitig lang ako sa mala-Anghel niyang Mukha. Ang Linis ng itsura niya.

"Hey Miss, Okay ka lang???
Miss.........
Miss...........
Miss.............
Miss............... laway mo po"

"Ay Sorry!"

Shetness nakakahiya, Bakit napatulala ako sakanya. Ang Bango niya Grabe. Hihimatayin na ko!

"By The Way, Sorry pala sa pagkakabangga ko sayo!"(the Guy said)

"No, ako dapat magSorry, hende kese ke neketengen se denedeenen ke eh.."(Pabebe kong sabi)

"What?? Hindi ko naIntindihan!"

"Naku Naku! Wala Wala! Sabi ko Sorry ulit.
A-ano nga p-palang Name mo?? If you dont mind Asking."
Walangya nilakas ko na yung loob ko sa pagtatanong,sayang. Haha kahit name lang niya makuha ko.

"Ahmm.im Jake! And you are??"

"Maine.. im Maine Mendoza!"(pagmamadali kong Sabi. Nekekeleg eke)

"Very Nice name. Nice to meet You Maine."(sabay abot ng Kamay)

Shet inaabot niya na naman kamay niya, oxygen please.....

"Nice to meet you too Jake! :))
Hindi ka nagAaral dito no? Ngayon lang kase kita nakita eh.."

"Ahm Yup! Hindi ako nagAaral dito. May dadaanan lang ako sa Sister ko dito sa School niyo..
Sige i need to go na rin, may Klase rin kase ko ngayon eh.!
I Hope magMeet tayo ulit next time Miss Maine!"(Sabay Ngiti tsaka Umalis)

Sa pagdaan niya sa Harap ko, naiwan yung Amoy niya sa Hangin, langhap na langhap ko.
Langya nauUlol ako Hahaha. Bali na Leeg ko sa Kakatingin sakanya. Ang Bait pa.
Sana nga maMeet ko pa siya ulit...

---

Sa paglalakad ko papunta sa Cr, nakaSalubong ko si Alden.
Tamang tama makakapag paliwanag na ako sakanya kung bakit hindi na natuloy yung pagtratrabaho ko sakanila kase naman umepal si Ang Pamilya ni Cindy.

"Uyy Unggoy!"

Nilagpasan lang ako.

"Wow ah! Suplado talaga to sa Personal eh!"

Sinundan ko siya,hinila ko yung kamay niya at Humarap ako sakanya kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Uy May Problema ba?? Galit ka ba saken?? Bakit di ka namamansin? May nagawa ba ko? Ano ba magsalita ka! Wala ka na bang dila???
Kanina pa ko satsat ng satsat dito hindi ka naman sumasagot. "

"Try mo kayang Huminto sa pagsasalita para makasagot ako!"

"Ay.. sorry naman! Ang Suplado mo naman! Diba bati na tayo.
Ano bang Problema mo??"

"Wala akong Problema! Tsaka ayaw kong makipagUsap sayo. Galit ako sayo!"

"Hmmm.... hallah siya! Bakit ano ginawa ko?"

"Nag mamaang maangan ka pa!
Ewan ko sayo!"

"Hallah ano nga yun??"

"Gusto mo sabihin ko talaga kung ano yun....
NagHintay lang naman po ako sa Resto namen, dahil sabi mo po diba magpaPart time ka samen, tinulungan na nga kita eh para maipagpatuloy mo yung pag aaral mo.
Tapos tinitext pa kita at tinatawagan hindi ka man lang sumagot.. tapos maya maya makikita kita kasama mo pala si Vico.
Hindi sa nanunumbat ako pero ayaw ko kase sa lahat,yung para kong naReject. Sana man lang nagpasabi ka na ayaw mo pala sa inaalok ko!"

Hallah may pinagdadaanan ba tong lalaking to??! May Hugot eh!

"Teka! Hindi naman kita binalewala ah.
Hindi ko nasagot mga Tawag mo dahil Busy ako sa Paghahanap sayo, kung saan saan pa nga ko nakarating. Nagpunta pa ko sa Resto niyo pero wala ka dun.
Ayaw ko kaseng sabihin sayo sa Text or sa Calls lang, gusto sabihin sayo in Person. Tapos nung pagOpen ko ng Phone ko, dun ko palang nakita yung mga text and Missed calls mo. Tapos nagTry akong tawagan ka pero UnAttended ka na!"

"Hindi mo na talaga ko macoContact dahil ibinato ko na yung Phone ko...
Tsaka sabi mo Busy ka maghanap saken o Busy ka makipagLandian kay Vico!"

Nabigla ako sa mga lumabas sa Bibig niya. Hindi ko napigilan ang Sarili ko at Nasampal ko siya!
Hindi na rin nagpaPigil pa ang mga Luha ko kaya tuluyan ng bumagsak!

"How dare you! Sabihan mo na ko ng lahat ng mga panget na salita , siguro kaya ko pang Tanggapin yun Pero ang sabihan mo ako ng malandi.......
How dare you! Hindi ako nakikipaglandian kay Vico.
Nakita ko lang siya habang hinahanap kita, tinulungan niya kong maghanap sayo...
Alam mo hindi ko alam kung bakit ganyan nalang ang galit mo kay Vico pero sa Totoo lang, ANG LAYO NG UGALI NIYA SAYO!
Kung hindi ka naniniwala sa mga sinabi ko wala na kong pakiAlam dun, at wag mo na rin akong kakaUsapin.."

Pagkatapos kong mabitawan ang mga salitang yun, nagtatakbo na ko papasok ng CR. Hindi na rin kase mapigilan yung magTulo ng mga Luha ko. Ayaw ko ng mga nangyayare.
Pumasok ako sa CR at nagkulong ako dun..

---
*Uwian*

>MAINE's POV:

Wala ako sa Mood,mabuti nalang uwian na.
Maglalalad nalang ako...
PagLabas ko ng Campus nakaHinga na ko ng Maluwag kase hindi na Kontrolado ni Cindy ang bawat galaw ko. Kase ang usapan namen,hanggang dito lang sa School ang pagiging Alalay ko sa mga kamay niya.-
Habang naglalakad ako sa daan ng mag isa,natanaw ko sa hindi kalayuan ang mga BestFriends ko.

"Oo Sila nga yun! Sila Allan, Pia at Pauleen"

Agad akong nagtatakbo papalapit sakanila.

"Uy Mga Best. Kamusta kayo?"

"Teka!! Girls may naririnig ba kayo?? Ako kase parang may naririnig akong Bubuyog!"(Allan said)

"T-Teka! Girls may Problema ba kayo saken??"

Humarap sila saken, nagulat ako sa Suot na Salamin ni Pauleen. May Crack na siya tapos tinalian lang ng Rubber Band yung Suotan kase nabali ata sa pagkakaApak ko kanina.

"At talagang nagtanong ka pa! Hindi pa ba sapat yung ginawa mo sa Salamin ni Pauleen.
Oy Meng gumising ka, hindi porket Kasama mo ngayon yung mga mayayaman mong Kaibigan eh basta basta mo nalang kame kakalimutan! NakakaTampo ka!
ay hindi pala... NakakaASAR ka!"(Pia said)

"Teka Girls mageExplaine ako sainyo!"

"Ano namang Drama yang sasabihin mo?
Sasabihin mo bang Pakana na naman ni Cindy yan.Eh halata namang nageEnjoy ka ring kasama sila!
Alam mo kalimutan mo na kame, madali lang naman eh. Kunwari hindi mo kame kilala at Kunwari hindi ka na rin namen Kilala!
Tara na Girls!!"(Allan said)

Ano ba to!! Mawawala na ba saken lahat ng mga taong malalapit saken! Hindi ko naman ginusto to ah.
Bakit hindi nila ako maintindihan!!
Hindi ko namalayang Patuloy na pala sa pagbagsak ang mga Luha ko! Akala ko ubos na lahat kanina..

NagLakad ako ng nakaYuko, feeling ko nawala lang ng lakas ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Ayoko nang lumapit sa mga malalapit saken, bago pa sila mawala lahat saken..

Maya Maya nagulat ako dahil may Biglang Umakbay saken...

"Uyy"

Pagkalingon ko sakanya, napaTakbo ako ng mabilis habang sinisigaw ang mga salitang.....

"Wag Mo na akong Sundan. Gustoooo kong mapag-isaaaa!"

On The Way To FOREVERWhere stories live. Discover now