CHAPTER 43: Bati na sila

56 2 0
                                    

"Si DenDen."(Louise said)

"Ahhh. Ang Cute naman mg Name niya. Base sa Pangalan niya siguro Mabait,Gentleman Sweet at Cute yang Prinsepe mo no? Yieee"

"You're Correct Bestie. Mabait talaga si DenDen. Dont you worry, maMeMeet mo din siya Soon."(Louise said)

———

Habang naglalakad ako sa Hallway ng mag isa. Bigla kong tinawag ng isang lalaki mula sa likuran ko.

"Maine!!"

Lumingon ako! NaShock ako ng konti dahil di ko inaasahang si Alden pala iyon.
Ano na naman kaya ang kailangan saken ng Mokong na to?! Pagtitripan na naman ba niya ko. Hindi na siya nagsawa.
Hmmmmft! Bahala siya sa buhay niya!
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na ko sa paglalakad.

PagkaHakbang ko, nagulat ako dahil nasa Harap ko na agad si Alden. Sa sobrang lapit namen sa isat isa muntik ng magDampi ang mga labi naming dalawa.
Walangya to muntik pang naka iskor.

"Ano ka ba?! Ano bang problema mong tukmol ka hah?"(pagalit na sabi ko)

"Ahmm Sorry. Gusto lang naman kita makausap Maine. Please. Pagbigyan mo na ko!"(Alden said)

"Haaay nako panigurado puro pambwibwisit na naman yang mga sasabihin mo!"

"Hindi yan! Sige na may sasabihin lang akong importante. Halika sumama ka saken!!"(Bigla niya hinawakan ang kamay ko tsaka nagmadaling naglakad)

"Ano ka ba Alden, saan moko dadalhin! Bitawan mo nga ko!"Nagpupumiglas kong sabi.

Maya maya bigla kameng nakarating sa Gymnasium. Walang katao tao kundi kame lang dalawa.

"Maine tumingin ka sa likuran mo!"(Alden said)

Lumingon naman ako at nanlaki ang mga mata ko sa Nakita ko.

"MAINE SORRY, BATI NA TAYO BESPREN"

Ayan ang nabasa ko, nakasulat sa isang malaking Makukulay na Papel.
nabigla ako sa ginawang ito ni Alden, nilingon ko siya sa pwesto niya pero laking gulat ko ng wala na siya. Nilibot ko ng tingin ang buong gymnasium habang sinisigaw ang panglan ni Alden.
Lokong yun saan kaya nagpunta.

Maya maya biglang may gumulong na isang bola ng Basketball papunta saken. Pagpulot ko neto may nakaSulat na "Sorry"
Pagtayo ko hindi ko parin makita si Alden.

"Oo na Alden, pinapatawad na kita! ikaw kase eh. Lage mo akong inaasar. Masyado ka pang mayabang.
Pero OO na bati na tayo kaya lumabas kana dyan!"

Pagtapos kong sabihin ang mga salitang yun, bigla siyang lumabas mula sa likod ng Pinto, nagtatatalon siya at nagsisisigaw ng "YES"

"Yahooo. Sabi mo yan ah Maine bati na tayo. Sorry na talaga. Hindi ko na uulitin yung mga pang aasar ko sayo"(Alden said)

Kitang kita ko sa Mukha ni Alden yung Senserity niya sa pag hingi ng sorry saken. Sobrang laki ng ngiti niya sa mukha. Ang Pogi niya tuloy Sheyt. May kasama pang Dimples MyGhaad!
Teka! Teka! Teka! Ano daw? Bat ako nagwaGwapuhan sakanya? Hindi pwede to. erase erase erase.

"Oo na. Basta ba Libre moko."

"Oh sige yun lang pala eh.
Tara na! dale"(Alden said)

"Teka saan tayo pupunta? Alam mo na ba kung ano ang gusto kong kainin?"

"Oo naman. Alam ko kung saan kita dadalhin. Kakaen tayo ng maraming ISAW. HAHAHA"(Alden said)

"Hahaha alam na alam ah. Lets Go Tukmol!" (Sabat takbo)

———

"Oy namiss ko to"(Alden said)

"Yung ano? Yung pagkaen ng Isaw?"

"Oo, atsaka namiss ko ding Gumala kasama ka."(Alden said)

Bigla akong namula sa mga sinabi niya. ewan ko ba bakit ang bilis ko ulit siyang nakagaanan ng loob pagtapos lahat ng ginawa niyang pantitrip saken.

"Ahmm. Gutom lang yan ano ka ba, kumae ka nalang"

"Ahmm Maine free ka ba tomorrow?"(Alden said)

"Ahh oo, free naman siguro ako. Pagtapos ng Klase. Why?"

"Ahmmm kase gusto sana kita yayain sa Mall. Manood tayo ng Sine. Libre ko!"(Alden said)

"Hallah wag na loko. Next time nalang. Or iba nalang yayain mo"(hindi ako makatingin ng maayos sakanya. Nabibigla ako sa mga sinasabi niya)

"Ay ganun. Sayang Showing pa naman bukas yung Unang Movie ng Idol na idol mong ALDUB."(Alden said)

"What? AlDub? Oo nga pala. Yung Imagine You & Me!
Sige Sige tara tara manood tayo. Idol na idol ko yung si Divina eh"(excited kong sabi)

"Hahaha kitams. AlDub lang pala ang makakapagpapayag sayo.
O sige sige Tomorrow pagtapos ng Klase mo dadaanan kita sa Classroom mo."(Alden said)

"Yey sige sige. Excited na kong panoorin yun"!

———

MAINE's POV:

@ our House

Ayaw tumigil ng isip ko, lageng si Alden yung tumatakbo sa isip ko. Ewan ko kung bakit. basta simula nung nagbati kame kanina di ko na siya makalimutan.

"haaay naku Menggay wag mong sabihing...

"Lababo!"(Lola Nidora said)

"Huh! Lola hindi po. Hindi po ako inlababo, hindi po ako inlove lola promise po."(Natataranta kong sabi)

"Hah? Ano bang pinasasasabi mong Bata ka!
Sabi ko kumaen ka na at pagkatapos yung mga pinagkainan mo ilagay mo nalang sa Lababo.
Ano ka bang bata ka, kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot kaya ako na ang lumapit sayo dito.
teka ano ba hang iniisip mo at parang wala ka sa sarili mo hah Menggay?"(Lola Nidora said)

"Naku Lola wala po ah.
Sige po kakaen na po ako!"

———

ALDEN's POV

Sa Wakas bati na kame ni Maine. Excited na ko para bukas.

"Manang.....
Manaaaang. PaPlantsa naman po nito, susuotin ko lang bukas"

"O sige Sir andyan na po"

Pag kakuha ni Manang ng mga damit ko, ibinaba niya ito at dun siya namalantsa.
Hihiga na sana ko nang biglang pumasok si Louise sa Kwarto ko.

"Hi DenDen"(Louise said)

"Ano ka ba. Hindi ka man lang kumatok!"

"Sorry na. (Sabay ngiti)"

"Oh bakit ano bang kailangan mo bakit ka nandito?"

"Ang sungit naman neto.
narinig ko kase kanina na pinapaPlantsa mo yung isusuot mo bukas. pwede ko ba malaman kung saan ka pupunta?"(Louise said)

"Hah! W—Wala W—Wala! kasama ko mga Barkada ko!"

"Hmmmft Kaya na siguro nila yun. Samahan mo nalang ako sa Mall bukas."(Louise said)

"Hah hindi pwede. NakapagOO na ko sakanila! Next time nalang."

"Hmm sige na DenDen Please. Sige ka iiyak ako dito!"(Louise said)

"Haaay nako Louise hindi sa lahat ng oras pwede kitang samahan. Kaya next time nalang talaga pwede?"

"Hmmmft OKAY!"
Pagalit niyang sabi sabay labas ng kwarto, Padabog niya ring isinara yung pinto ng kwarto ko.
Haaay para tuloy akong nagkaroon ng isang Batang Kapatid or What.

"makatulog na nga! Sana bukas maging Enjoy ang lakad nameng dalawa"

——
LOUISE POV:

Paglabas ko ng Kwarto ni Denden hindi muna ko umalis.
nandito lang ako sa may Pinto at pinapakinggan yung mga sinabi niya.

" whaaat?? dalawa? Akala ko ba kasama niya Friends niya. Bakit dalawa lang ang sabi niya? OhEmmmGeee hindi pwede to. Mukhang May ibang kasama si DenDen bukas. Kelangan gumawa ako ng paraan. Ako lang dapat ang Prinsesa niya. Hmmmft.
I Have a Plan!

On The Way To FOREVERWhere stories live. Discover now