ALDEN'S POV>
Patuloy parin sa pagkikwento si Louise, maya maya biglang tumunog yung phone ko.
"oh wait lang may tawag ako!"
Hindi ko man nakita kung sino yung tumatawag saken sa phone dahil biglang inagaw saken ni Louise yung phone ko tapos shinot down niya..
"Ohh bakit mo ginawa yun? baka importanteng tawag yun." (Medyo paasar kong sabi kay Louise)
"Hayaan mo na yung tumatawag sayo sigurado di naman importante yan eh, magkikwento nalang ako ulit. or ikaw naman ang magkwento"(Louise said)
haay nakakaasar talaga tong si Louise, sino kaya yung tumatawag saken?
dahil sa asar ko kay Louise hindi ko na pinansin ang mga kwento niya sahalip itinulog ko nalang ulit...
——— ——
MAINE'S POV>
Hindi ko namalayang umandar ng napakabilis ng oras habang nagbabasa ko ng libro, pagtingin ko sa relo ko..
"what the f***.. mage 11:00am na. mygod tatlong oras na pala kong nakaupo dito. nasan na ba si Alden?
matawagan nga!
Walangya bakit ayaw niyang sagutin!
tinawagan ko ulit siya pero unaattended na yung phone niya.
Ano kayang nangyare dun? bakit hindi niya sinasagot tawag ko tapos ngayon naman unAttended na yung phone niya. itext ko nga ang loko.
tinadtad ko siya ng text kung nasan na siya.
Nakakaasar siya! subukan niya lang indyanin ako. o sige bibbigyan ko nalang siya ng time pa. mag aantay pa ko dito. 10 minutes pa, baka natraffic lang yung lalaking yun.
*after 10 minutes*
wala parin si Alden. naku talaga! pag ako naasa. sige 10 minutes pa. pag wala pa siya uuwi na talaga ako!
*after 10 minutes*
Nilingon lingon ko ang buong paligid baka nandyan na siya, pero mapapaash*t ka nalang. WALA PADIN SIYAA!!
"Hmmm okay sige, maglalakad lakad nalang muna ko mag isa dito sa loob ng napakalaking Mall na ito, magwiWindow shopping muna ko! baka nasa daan na yun!" (Sabi ko sa sarili ko,kahit medyo naasar na ko)
——————
LOUISE POV>
Ang haba haba na ng kwento ko tulog na pala itong si Alden. Pero mabuti nalang napigilan ko siyang lumabas ng bahay ngayon. napigilan ko siyang makipagkita kung sino man ang dapat na imeMeet niya ngayon. Hahahaha ang galing ko talaga. effective yung plan ko na magsakit sakitan ng tiyan. Hindi parin talaga kumukupas ang acting skills ko, paniwalang paniwala parin tong si Alden.
YOU ARE READING
On The Way To FOREVER
RandomBy Axel Ray del Prado Fan Fiction Inspired by ALDUB LOVETEAM