CHAPTER 15: The Story Behind

104 7 1
                                    


>MAINE's POV:

Habang naglalakad ako pauwi,hindi ko parin maiwasang hindi isipin yung mga nangyare kanina.
Bakit parang kahit gusto ko ng tumayo kanina ay hindi ko magawa,hindi ko kaya, para akong naMagnet sakanya!
Ang bilis ng Pintig ng Puso ko kanina! OhNyGod! Hindi pwede to, Kay Vico lang dapat Ako nagkakaganito. Ayoko maging Two timer, Loyal ako sa Crush ko!
Tsaka bakit ko pa ba iniisip yung mga nangyare kanina? Eh si Unggoy nga nakalimutan na niya Agad Agad! So Meaning, baliwala lang sakanya lahat yun..
Napahinto ako sa paglalakad ng biglang....

"Arrfff! Arrfff!"

"Sheyt! Ikaw na namang Aso ka!
Paktay kang Bata ka! Ang sama ng tingin saken! Ano ba kasalanan ko sa asong to!
Naku kung di lang masamang Kumatay ng aso, ipapapulutan kita!"

"Rrrrr! Arfffff! Arrrffff"

"Hey! Joke lang! Langya naiintindihan ata niya ko!"
Dahan dahan akong umupo para tanggalin ang Tsinelas ko!
Binitbit ko nalang ito para mas mabilis akong makatakbo!
Ready na ko!
Isa......
Dalawa........
TAKBOOOO......
"LOLAAAAAAAA..........!"

Sobrang bilis ng Takbo ko! Level 101!
Wala kong maasahang iba! Lahat ng mga taong nadaanan ko pinagtinginan lang ako at pinagtatawanan!
Ng makarating na ko sa Kanto papasok sa Lugar namen napansin kong wala ng humahabol saken!

"Haaaaaay Salamat!"
Napaupo nalang ako sa Daan, sa sobrang pagod at hingal!

"H-ha! H-ha! H-ha!
Ayoko na! N-nakakapagod tumakbo! Ang kulit ng Asong yun!
Ako pa talaga ang napagtripan niya.
MayaMaya napansin ko yung Itsura ko!
Natawa nalang ako bigla, para kong nagbalik sa pagkabata! sobrang gulo ng buhok ko, ang dungis ko! Tapos yung tsinelas ko nasa magkabilang siko ko na! Hahahaha
Childhood Memories is ❤!

----
"La, andito na po ako!"

"Oh Meng! Bakit ganyan itsura mo?"(natatawang tanong ni Lola)

"Ahmmm. Hinabol po kase kame kanina ng Aso nung hinatid ko si Alden! Tapos pag uwi ko po hinabol ulit ako!"

"Hahahaha! Kawawa naman ang Apo ko! Hindi ka ba nasaktan?"

"Lola naman eh! Tatawa pa!
Opo La ayos lang ako, tara po sa Sala, pagod na pagod po ako!"

"Oh sige! Umupo ka na dun, kukuha lang ako ng inumin!"

Habang hinihintay ko si Lola, napansin ko sa Mesa yung Photo Album na dala ni Lola kanina!
Teka matignan nga! Sakto hindi ko pa nakikita to!

Habang tinitignan ko yung bawat picture hindi ko maiwasang mapangiti!
Totoo ba to? Parang hindi parin ako makapaniwala na yung Crush ko eh kababata ko pala! At yung lalaking labis kong kinakaasaran Kababata ko din!
Then sa Next Picture bigla kong natulala!

"Wow! Sino tong batang to? Ang ganda naman niya? "

Kinuha ko yung Picture at agad akong tumakbo papunta kay Lola para ipakita ito.

"La, sino po itong batang to? Ang ganda naman po niya! Para siyang Princess"(Manghang Manghang tanong ko kay Lola)

"Ano ka ba Menggay! Ikaw yan uy!"

"Wag nga kayo Lola! Malabong maging ako yan! Tingnan niyo nga ang Ganda niya! Ang layo sa itsura ko La!"

"Haaay naku! Ikaw nga yan! There's a story behind that Picture apo.
Halika maupo tayo sa sala at ikekwento ko sayo."

--

"Itong Picture na ito ay kuha noong 7th Birthday ni Alden! Costume Party kase yun.
Ang Plano ng Mama mo ay Gawin kang Princess, gusto niya ikaw daw ang maging pinakamaganda sa Party ni Alden!
Pinag aagawan ka nga ni Alden at Vico noon eh, May nakakatawang nangyare!
Alam mo bang ayaw maniwala ni Alden noon na ikaw yung Batang yun! Kase sabi niya Hindi mo daw kamukha, panget ka daw tapos yung Batang yun maganda!
Kahit anong paliwanag namen sakanya na ikaw yun ayaw niya talagang maniwala! Mangiyak ngiyak na nga siya nun eh!
At dahil birthday niya noon, wala na kameng nagawa kundi Sakyan nalang kung ano yung sinasabi niya! Gusto niya nung araw na yun ikaw lang kasama niya hanggang sa matapos yung Birthday niya!
As in hindi ka talaga niya mamukhaan!
Tawa kame ng tawa nung mga Panahon na yun! Ang Kulit ni Alden, pinipilit niya talagang hindi ikaw yun!
At alam mo ba may masama ding nangyare sa araw na yun mismo!"

On The Way To FOREVERWhere stories live. Discover now