Love Hurts

12 1 0
                                    

"Pwede bang wag ngayon",sabi sakin ni Blue ng tanungin ko kung gusto niyang pagusapan yung sa kanilang dalawa ni Alexie...Hindi ko alam bakit sa apat na salita ang bigat ng dating sakin..Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko...

"Sige matutulog na ko",yun nalang nasabi ko..Yung Blue na kasama ko maghapon na masaya,sweet at palabiro biglang nagbago,biglang nanlamig.,biglang nalungkot..Gusto ko man siyang yakapin hindi ko magawa..Alam ko yung feeling kasi parehas kami ng sitwasyon siguro nga hindi sila sanay na ishare ang nararamdaman nila..Hanggang sa makatulog ako..

Paggising ko hindi ko naabutan si Blue,hinanap ko siya pero wala siya...Dumaan ang maghapon ng hindi siya nagpaparamdam..Ewan ko bakit sobra ang pagaalala ko sa kanya...Nawalan na ko ng pagasa na uuwi siya, kaya nagdesisyon na kong matulog...Peor isang malakas na kalabog ng narinig ko,,Pagbukas ko ng pinto si Blue..Lasing na lasing...Halos hindi siya makatayo at makalakad ng diretso..Hinila ko siya,..Hanggang madala ko siya sa kwarto,kahit antik na antok,inasikaso ko muna siya...Pinaltan ko ang suot niyang damit at pinunasan.Natulog lamang ako ng makita kong mahimbing na siyang natutulog...

Naulit ng ilang mga araw ang mga tagpong yun..Aalis siya ng maagang maaga at uuwi ng lasing na lasing...Ayoko na sanang umuwi sa condo niya pero inaalala ko na baka hindi siya makatulog ng maayos kaya kahit umaalis ako ng umaga dahil alam kong hindi siya uuwi bumabalik ako sa gabi...

Hindi ko alam bakit ganito ako ka apektado..Sinisira niya ba ulit ang sarili niya tulad ng nakwento niya..Dahil sa simpleng sorry ni Alexie halos gumuho na naman ang mundo niya,,Siguro ayoko lang makita ang sarili ko sa kanya kung paano halos masira ang buhay ko ng iwan ako ni Drew..Ayokong makita siyang ganun kasi mabuti siyang tao..Mabait siya..,He deserve to be loved..

Hanggang sa hindi ko na kinaya...Hindi talaga ko natulog para mabantayan siya at makausap...
"Aalis ka na naman",nagulat siya sakin...
"Problema ko to",tabig niya sakin sabay bukas ng pinto...
Pero hinabol ko siya at hinila papasok...
"Hind ka lalabas ng pinto ng hindi natin to naayos,,,nang hindi ka nagiging maayos...Ano bang problema mo??",sabi ko sa kanya...
"Hindi mo problema to,hayaan mo ko.."
"Ano hahayaan kitang sirain muli ang buhay mo at magpakalunod sa alak ..."sigaw ko sa kanya...
"Oo dahil hind mo alam yung nararamdaman ko"...
"Hindi ko alam, baka gusto mong ipaalala sayo na parehas tau ng sitwasyon.,parehas tayong iniwan..parehas tayong niloko..Akala mo ba ikaw lang,ikaw lang yung binabalikan ng lecheng ex mo,ako din.,,Ayoko lang iapakita sayo dahil ayokong gayahin mo ko pero ang sakit sakit din..,Halos bumalik lahat..pero pinipilit kong kalimutan kasi ayoko na ulit mamatay..ayoko na ulit masaktan...Bakit gusto mong bumalik sa kanya at sabihing ok na lahat at nakalimutan mo na lahat pagkatapos niyang magsorry??,sige puntahan mo siya at magpakagago ka ulit,magpaloko ka ulit,magpakamartir ka ulit..Kung gsuto mong bumalik sa dati gawin mo,wag kang titigil sa kakainom hanggang hindi ka nagkakasakit..,,"
"Hindi mo alam Ayannah",

"Alin ang hindi ko alam, alam ko lahat kasi nakikita ko yung sarili ko sayo, nakikita ko yung buong buong ako sa tuwing nakikita kong sinisira ang buhay mo,..Naskatan din ako,naloko din ako,pero pinipigilan ko ang satili kong bumalik sa dati baka hindi ko na makaya..baka magpagmakamatay na ko..Alam mo ba yun...Blue may pinagsamahan tayo,at sa saglit nayun,hindi ako papayag na sirain mo ulit ang sarili mo kasi alam kong mabuti kang tao..alam kong nagmahal ka lang...Kaya ayokong makita kang ganyan..pero kung sa tingin mo na tama ko,bahala ka na sa buhay mo", sabi ko sa kanya sabay alis..

Iniwan ko si Blue, pumunta ako kay mama..Niyakap ko siya...Umiyak ako sa kanya,,,wala akong sinabi sa kanya kung di umiyak lang ako..At ang sabi lang niya...handa daw siya ng makinig kapag ready ko ng sabihin lahat,,,Doon ako ako naging emotional..Yung tipong kahit anong mangyari andyan si Mama hi di ako iiwan na tama nga ko,kami lang ni mama ang magkakampi.,si mama lang ang alam kong magmamahal sakin at hinding hindi ako sasaktan ...

#BLUE'S POV
Para akong nagising sa mga salitang binitawan ni Ayannah..Tama siya bakit hahayaan kong saktan ulit ako ni Alexie..Bakit nagpapaapekto ako sa kanya...dahil ba mahal ko pa siya o dahil ipinipilit ko lang sarili ko na wala akong nararamdaman sa kanya na hindi ko na siya mahal..

Ano bang nagyayari sayo Blue..Anong problema mo nakamove on ka na diba..Eh bakit nagpapakamatay ka..Tama si Ayannah hindi ko dapat sirain ulit ang buhay ko dahil lang bumalik si Alexie.Tama siya..Pero anong ginawa ko hinayaan kong sirain ulit ako ng nakaraan namin...Ngayon lang pumasok sa utak ko lahat ng binitawan niya at lalong lalo na yung sinabi niya na hindi siya papayag na sirain ko ang buhay ko dahil mabuti akong tao..

Sinubukan kong habulin si Ayannah pero hindi ko na siya nahabol...
"Blue lets talk"..si Alexie ang nakita ko
"Pwede ba Alexie tapos na tayo,at hindi ako papayag na saktan mo ulit ako,please lang pwede bang lumayo kana.,Hindi na kita mahal...Okay na ko..Nakakalimutan na kita kaya pwede wag ka nang magulo..Tinigilan mo na to,maawa ka sa sarili mo!!!!!".

Iniwan ko si Alexie matapos ko sabihin ang lahat ng yun.Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin..Hindi ko alam kung paano ko siya makikita..

#AYANNAH'S POV
Ilang araw akong hindi umuwi at nagpakita kay Blue..Nakakabwisit kais yung lalakeng yun nakakapanginet ng ulo..Kung anong babaero niya eh titiklop din pala .Syang lang yung mga linya ko para mapagselos at mapatigil yung ex niya....Kahit naman ganito ako na galit sa mga lalake..Ayoko namang may tumulad pa sakin na napakamartir..Hindi ako papayag na maskatan pa si Blue..kasi alam kong parehas kami ng pinagdadaanan..Naging biktima lang kami..Kung katulad niya ko,baka lalo lang ako masaktan..Kapag kasi pinatawad mo sila,binibigyan mo ulit sila ng pagkakataon na saktan ka ulit.Kapag sinaktan ka at niloko ka wag mo ng hayaang maulit pa..at kung nasaktan ka at sinaktan ka niya , siguradong mauulit pa yun.

"Ayannah",..

Alam kong si Blue yun kaya hindi na ko lumingon,dumiretso na ko sa elevator,,,Pero pagmalas nga nakaabot siya...
"Ayannah", pero hindi ko siya pinapansin.,Bahala siya..Pumunta siya dun sa lecheng ex niya magsama sila...kahit anong kausap niya hindi ko siya kinakausap...Hanggang sa makalabas kami ng elevator...

"Si Drew", nasabi ko ng makita ko siya,
Bigla akong napatingin kay Blue...
"Queen, magusap ulit tayo", pakiusap ni Drew...
"Wala na tayong paguusapan",matigas na sabi ko sa kanya...
"Please...give me a chance..".
"A chance?para ano? Para saktan ulit ako?,para lokohin ulit ako..Tama na Drew, minsan na kitang minahal at minsan na kong nasaktan ...Tama na..."..

Nagulat ako sa sunod na nangyari.Niyakap niya ko.Umiyak siya...
"Mahal kita...Sorry kung natakot ako,mahal na mahal kita .Gagawin ko lahat para sayo hayaan mo lang ulit akong pumasok sa buhay mo".

Hindi ko napansin na napaluha ako sa mga sinabi niya..Pigilan ko man peor kusang tumutulo pero yung isip ko alam niya ang sagot na tama na...
Lumayo ako sa kanya ...Pero pinipilit pa din niya ko..
"Hindi mo ba siya narinig,ayaw na niya", nagulat ako ng magsalit si Blue..
"Wag kang makielam hindi ka kasali dito".
"Bakit hindi ako makikialam, girlfriend ko yang ginugulo mo", sabi ni Blue..Napatingin sakin si Drew ng marinig yung sinasabi niya...
"Wala akong pakielam", sabi ni Drew sabay sapok kay Blue...
"Hindi kita papatulan, umalis ka ankang ,masaya na kami..Ayaw na niya sayo", sigaw ni Blue..Pero parang walang narinig si Drew, Nilapitan padin niya ko at pinipilit na magusap kami at sumama ako sa kanya...Hinila ni Blue si Drew at sinuntok sa mukha.Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko.Nagsusuntukan silang dalawa ...

"Tama na",sigaw ko sa kanila,.."Drew please umalis ka na!!",
"Hindi ako titigil hanggang hidni mo ko napapatawad",
"Mapapagod ka lang..",sabi ko kay Drew habang tinatayo si Blue."Tsaka na tayo magusap pag hindi kana nakainom!!!."

Pagpasok namin sa loob ,umupo ako sa sofa..Pinagtatapon ko yung mga unan..Napasigaw ako...Lecheng buhay to...Ayoko na!!! Napaiyak na ko..Hindi ko na napigilan...Hanggang sa yakapin na lang ako ni Blue at iniyak ko sa kanya ang lahat....

Let's play a love game :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon