Pandora 17

6.1K 160 16
                                    

"Hurdles"

(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)

FYN'S POV

limang araw na simula nung sinabi ni Andrew yun at lagi nga kaming sabay Pero kasama ang barkada....

at ang daming nang babash sakin... na agad na binantaan ni Andrew, edi sya na protective...

sya rin ang naghahatid sakin sa bahay at ngayon nga... week end ngayon... at magpapaalam nga sya kay lolo, ngayon làng naman kasi naging available si Lolo...

"Anong sasabihin mo Fyn?" napatingin ako dito... magsisimula nang kumain wala pa si Andrew, yung lalaking yun talaga!

"hmmm pupunta po ngayon si Andrew... may sasabihin daw po..." Pagsagot ko nang hindi nakatingin sa kanya... eh ngayon lang naman may nagpaalam sa kamag-anak ko ng ganitong bagay noh! at hindi kO naman pinapaabot sa ligaw ang nanunuyo sakin datI eh!

"manliligaw na ba?" napaubo naman ako sa sinabi ni Lolo

"po?!" pataas ang tono ko as in... eh tamang tama ang sinabi ni Lolo eh!

"Mali ba?" pagtataka ni Lolo siguro dahil sa OA na reaksyon ko

"hi-hindi ko po alam sa lalaking yun..."

sfx: foot steps

"Good noon po... Sir" hay eto na

"... Sakto ang dating mo kakain na kami bakit hindi mo kami saluhan?" ngiting ngiting sabi ni Lolo... aist may alam na si Lolo yari na talaga sakin si Andre....

"..."nagngitian lang kami ni Andrew at naupo sya sa tapat ko bale sa kaliwa ni Lolo...

buong pagkain tahimik lang kami as in, tunog lang ng kutsara at pinggan ang maririnig hanggang sa matapos kami...

"... sir..." panimula ni Andrew, nakatingin lang ako sa dalawa... hindi ako magtataka kung hindi magugulat si Lolo dahil siguradong may alam.na sya, dahil kung wala syang alam agad syang magtatanong kung bakit nandito si Andrew... "gusto ko po sanang ligawan ang Apo nyo..." diretsyong sabi agad ni Andrew, kahit Kailan talaga.... walang reaksyon si Lolo at nakatingin lang kay Andrew... "nabalitaan na po namin ni Fyn ang inannounce nyo sa gathering... hindi ko po alam kung seryoso kayo na ipagkasundo kami... pero seryoso ako sa Apo nyo Sir..."

napalunok ako ng ilang beses sa naririnig ko ngayon... hindi ko alam kung nahihiya ako o kinakabahan...

"...." napaka seryoso ng paligid namin as in... si Lolo nakatingin lang sa kanya, kaya naman napatingin sya sakin kaya nagshrug lang ako ng balikat...

"si--"

"hahahhahahhahahahhahahhaha"

"?????" kaming dalawa ni Andrew... kasi ba naman bigla nalang tumawa si Lolo, alam nyo yun ang seryoso ng aatmosphere tapos bigla nalang may tatawa?

"Sorry... I knew what you would say... sinabi sakin ni Andre... at plano talaga ni Andre ang lahat, mula dun sa gathering.... na pag-umalis si Fyn sa Gathering... papayag ako na magkaroon ng kasunduan..." itotortur ko na talaga yun... ngumiti na si Lolo "to think na seryoso ka talaga sa Apo ko..."

"ah-eh- opo Sir..."

"at mukhang pumayag naman si Fyn..." agad akong yumuko, kasi naman nahiya ako na hindi ko muna nasabi sa kanya...

"salamat po Sir, hinding hindi ko po sasaktan si Fyn... at sya lang po talaga"

"hahaha parang ikakasal na kayo ah?" aist... ang korny ni Andrew...

"ka-kasi naman po... 5 years na po talaga..." napataas ang kilay ko kay Andrew, 5 years? eh nung first college lang kaming nagkakilala ni Andrew sa pagkakatanda ko... so it's 4 years... hindi kaya nagkamali to ng bilang?

PandoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon