Pandora 70

2.8K 80 9
                                    

"Kryssah vs Glaze"

(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)(*-*)
.. ON ANDREW'S POV

Nagsisimula na ang laban nila Ate Glaze at maldita I mean Kryssah, pinilit ni Fyn si Ate Glaze na gawin to, actually tinakot nya si Ate Glaze...

at ngayon naghuhugas sila ng pinggan akala ko nga nagluluto sila, bundok na pinggan ang huhugasan nila ngayon, habang yung iba Tawa ng tawa at kinukuhanan pa to ng video habang nagkokomento, pati sila Xera ganun ang ginagawa.

At Tong si Fyn naman na syang nagpalaro nito ay natutulog sa kandungan ko ngayon ayos rin tong babaeng to eh... ako nagbabasa lang dito hindi rin naman ako makakagalaw dito dahil natutulog si Fyn

Tapos yung si Andre yun nakatali at nakabitin sa baba nya ay... hindi ko alam kung Ano yun, mukha yung putik, sabi ni Fyn kada tapos ng game ay lalaglag sya sa kung ano-ano... in short gumaganti lang si Fyn...

"Hahahhaha pang-ilang pinggan na basag na yan Ate Glaze!!!" Pagtawa ni Aizer

"Oi! hugasan mo namang mabuti yan!" sigaw naman ng iba dun sa maldita

"Shut up!" inis na sabi nung maldita, si Ate Glaze naman kada may nababasag nagso-sorry... sinabi kasi ni Fyn kung magkano ang kada Plato dito, talagang binibigyan nya ng pressure yung dalawa pero mukhang si Ate Glaze lang ang na pressure sa paghawak ng mamahaling pinggan

"Fyn... Fyn..." paggising ko dito

"hmmm...." hindi sya ginising at umayos lang ng pagkakahiga...

"Malapit nang maglunch anong plano natin?" pagtatanong ko this time minulat nya na ang mata nya... she's really cute... at hindi na sya gumagamit ng contacts so ang sarap titignan ng mga mata nya, dalawa silang may gray na mata dito... si Calv at sya, Si Clair hindi daw namana yun...

"ummm...." tila nag-iisip nito at pumikit pa habang napacross arms Pero nakahiga parin sya... hay tinatamad na naman to, kaya ang ginawa ko "!!!" napamulat sya ng Mata dahil sa ginawa ko dahil hinalikan ko lang naman sya, sinamaan nya naman ako ng tingin at nginitian ko lang sya at nagbalik sa pagbabasa...

"Okay..." bumangon na sya sa pagkakahiga...

"Fyn tapos na sila!" pagpunta samin ni Howen... yung mga babae tumatawa kasama si Ate Glaze habang nakasunod sa likod nila si Maldita I mean Kryssah nahahawa na ako kay Fyn sa kakatawag ng maldita

"Anong nangyari?" pagtatanong ni Fyn at nagsimula na naman silang tumawa

"mas magadang bilangin ang buo kaysa basag!" pagtawa ni Howen

Lumingon naman kami sa kinalalagyan ni Andre... habang unti-unti syang bumababa dun sa putik

"I'm saying Sophia that this is too much!" pag-angal ni Andre "Sophia!" pagsigaw nito habang ibinababa sa putik " Glaze help me!" hahhahhaa too bad bro you piss Fyn off of all people...

"Too bad Andre... sa tingin ko bagay na bagay sayo yan" ngisi ni Ate Glaze

nnapailing nalang ako... nakakatakot pag babae ang nagagalit sagad kung gumanti eh

"Okay let go to the next thing!"

"What?! I'm going home!" alburoto nI Maldita at tatalikod sana kay Fyn

"Subukan mo... tinignan natin kung saan ka dadalhin ng kamaldatihan mo... I'm not a kind person..." banta ni Fyn at napailing nalang ako dahil kita na natatakot ito kay Fyn

"....."

"okay!" masayang ngiti ni Fyn at humarap samin... "Let me introduce our chef for today... Chef Glaze and Chef Kryssah!" .....

PandoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon