"Fyn!!" sigaw ng Lalaki mula sa baba ng hagdan "Were going to be late for the wedding!"
"Sandali!" halos matipalok naman ang babae kamamadali pababa ng hagdan
FYN'S POV
Nakahinga na ako ng maluwag nang nakasakay na sa sasakyan
"You should have just cancel your meetings okay na naman ang lahat di ba?..." ako na kasi ang umaasikaso sa tatlong company pati pa sa UGW pero syempre maraming tumutulong sakin. Ilang buwan narin kaming graduates kaya minsan nalang kami magkita at etong wedding na to ay parang reunion na rin namin
"sorry naman..." sabi ko at hinalikan sya sa pisngi "Baka malay mo umulan nalang bigla..."
"It will not, saka San ka nakakita ng wedding na late ang maid of honor at best man?"
"hindi pa naman tayo late ah!" giit ko at napailing nalang sya
"Ahhh you look stunning..." Napangiti naman naman ako sa sinabi nya, he really likes complementing me
"And you look.... mmmm"
"what?" tila naiinip na sabi nito
"You look handsome...." ngiti ko sa kanya at Napangiti rin naman sya ng malawak....
"Of course I am" sus hangin talaga!!!
namarating kami sa wedding nandun na sila halos kumpleto na kulang nalang yung bride
"Oi kala ko hindi na kayo dadating!" pambungad ni Aizer na syang kasali sa groomsmen...
"Kala ko rin eh" Pagtawa ko
Ang mga groomsmen kasi kasama sila Aizer, Howen, Rence tapos ilang Kaibigan ni Andre na panay anak ng business man
tapos yung bridesmaids ay sila... syempre yung mga partner ng mga ugok na sinagot sila on the graduation na pinag-usapan pala nila... Si Xera, Claire, Rumi... tapos yung iba co-model ni Ate Glaze
Hindi nakarating si Calv dahil may inaasikaso... pero present si Monica...
"Nasan si Andre?" pagtatanong ni Andrew... oo nga hindi ko pa nakikita
"Nasa loob nagdadasal!" natatawang sabi ni Howen na binigyan namin ng seryosong tingin
"Are you serious?" tanong ni Claire na syang nakakaintindi na ng tagalog, pinag-aralan nya para kay Howen. Ang pag-ibig nga naman!
"Seryoso" Nakangiting sabi ni Howen
"Kinakabahan din pala yun" natatawang sabi ni Andrew
"Okay parating na ang bride magsimula na tayo!" sigaw nung organizer ng wedding
Agad na kaming pumwesto at agad na tumugtog ang theme song nila Andre at Ate Glaze in piano version...
agad na rin nagmarcha ang Ninang at ninong, bridesMaids at grooms men. Ako nasa labas iniintay si Ate Glaze tapos si Andrew nasa loob na... lumabas lang ako uli, busy ako tao para sa wedding nato eh
nang dumating na si Ate Glaze ay nakita kong kinakabahan sya kaya kinausap ko sya sandali dahil hindi pa naman tapos ang Pagpasok yung iba...
"Ate Glaze" Paglapit ko sa kanya
"F-Fyn"
"Ang ganda mo!" agad naman syang Napatawa at mabuti yun
"Compare to you I'm nothing" natatawa sabi nya at Napatawa ako
"Hindi yan totoo... you are beautiful... so go and own the stage that's for you to own... you are the star today..." sabi ko
"Thank you Fyn... alam kong busy ka tapos ikaw pa ang nag-organize ng lahat..." umiling ako... si Andre ang nagpagawa sakin ng lahat Baliw yun! kaya late ako ngayon dahil sa last touch ng wedding buti na nga lang kumuha ako ng wedding organiorganizer Pero ako parin ang nagsusupervise ng lahat...

BINABASA MO ANG
Pandora
Açãoshe wear masks to hide her identity numbers of identities you don't know she holds innocent? she can't be... because she's a living Pandora's box..