Pandora 21

5.1K 134 2
                                    

"Her feelings..."

(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)(+-+)

ANDREW'S POV

mukhang nagulat si Fyn dahil napatayo ito sa kinauupuan nya pano ko nalaman na sya yun? dahil kilala ko ang postura nya at mask nya na may design na pulang bulaklak hindi ko alam kung anong klase ng bulaklak, dahil mukhang ang Lolo ni Rence ang pinakamataas na elder sa UGW napatawag nya ang lahat ng reapers

"Don Felix... alam mo na delikado ang Pagpasok dito..." hindi ko kilala yun Pero nasa kanan ito ni Fyn

"pasok sila sa problemang to.... Gun..." napansin ko sa kaliwa ni Fyn si Shadow na nakatingin pala sakin ng seryoso mukhang gustOng itanong kung bakit kami nandito

"..... Gun... sa ilalim ni Don Felix sila pumasok wala tayong magagawa... saka... sila naman ang 1st sa UGW rankings..." si Shadow na ang nagsalita habang si Fyn na natiling tahimik

"basta hindi sila magiging pabigat satin..." kilala ko ang mask na yan... kung hindi ako nagkakamali Yang design ng mask na yan ay si Flare....

iba-iba kasi ang design ng mask nila at sa pagkakaalam kO si Shadow ang mask nya may black na nakacross sa mukha na nakapoker... si Flare may fire design tapos nakangiti yung mask nya at yung Gun na nagsalita parang may crack yung mask nya tapos malungkot na mukha... yung iba hindi ko na alam

".... do whatever you want... will do ours..." kita kO ang pagdaan ng tingin nI Fyn samin... nauna syang lubas sa 13 reapers at nang nakalabas na nga sya... hindi ko naman sya pwedeng habulin, hindi pa nga alam nila Aizer na sya si Eye ang commander ng reapers eh

"woah... ibang iba ang reapers talaga..." reaksyon ni Howen nang nakalabas na nga yung mga reapers...

"problema mo Drew?" napaiwas na ako ng tingin sa pinto na nilàbasan nila at napatingin kay Aizer na syang nagtanong

"wala..." napatingin naman ako kay Don Felix nakatingin lang sya sakin ng seryoso... tatlong bagay lang ang sigurado ko sa matandang to... una Lolo sya ni Rence, pangalawa sya si Don Felix ang highest elder ng UGW at kilala nya si Fyn bilang Eye...

..... Fyn....






FYN'S POV

.....

"were done here..." napalingon ako kay Jigsaw mula sa mini laptop ko saka tumango....

"that will be our qouta for tonight... Si Don felix na ang kikilos..." tumango naman sila... kanina pa kami lumalaban sa pitong sunod-sunod na lugar... naglilinis lang kami ng kalat sa UGW at sila Shadow sa Tres tech...

.... sila A--Dark... kikilos ngayong madaling araw para sugudin ang HQ ng Pilgrimage Mafia... alam kong galit na galit si Don Felix at alam ko kung gaano kasama ang bagay na yun... he is the most merciless man I know of...

the next two days ganito ang gagawin namin... at... 4 days nalang bago ang Christmas eve at mukhang hindi na naman magiging maganda ang Pasko namin...

"we will be area 22 tomorrow..." sabi ko habang inaayos ang gamit ko...

"Roger that Eye..." nang nakaayos na ang lahat umalis na rin kami at may maglilinis na naman nyan... ang sweepers ng UGW na ibang grupo samin, minsan lang silang makikita sa UGW O sa ibang lugar... isa pang grupo na napakamisteryoso at walang pagkakakilanlan ang mga kasapi dito maliban na lagi sila nakablack mask at white suit...

nakilala ko ang ilan sa kanila Pero agad nila akong binantaan na manahimik nung hindi nila alam na ako si Eye... then rest is history nang nakilala ko ang head in command...

PandoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon