SPIN 5: New found friends?

6.6K 211 38
                                    



SPIN 5

"Sorry, Adam, " hindi ko napigil ang pagdaloy ng luha ko. Sumama ako police station tapos inilagay nila si Adam sa selda. Kasama 'yung dalawa pa na nahabol ng mga pulisya, 'yung iba naman nasa ospital pero may ilan ngang hindi na nakaligtas isa na doon si Charles. Narinig ng mga police yung gunshot mula sa 'kin, sabi nila sino ang nagpaputok, sabi ni Adam siya at 'wag akong magsasalita. Natakot ako sa tingin niya kaya napipi ako.

"Wala pa ba ang susundo sa'yo?" tanong niya habang nakasandal sa rehas.Nakatalikod sidya sa 'kin habang ako naupo sa labas niyon, nakatalikod rin ako sa kanya.

"Tinawagan na nga nila, sasabihin ko na sa police na ---"

"Tumigil ka nga! 'Wag mo kong asarin, napipikon na 'ko sa'yo." Nilakipan niya ng diin ang mga salita niya.

"Pero –"

"Sanay na 'ko, hindi 'to ang una, tumigil ka na. Makakalabas rin ako dito," sagot niya.

"Sasamahan na lang kita," nilingon ko siya at sinalubong ko ang matalim na tingin niya. At totoong natatakot ako sa kanya kapag tinitignan niya 'ko ng masama.

"ADAM!" Naqbigla ako sa malakas na boses na papunta sa selda. Isang mataas na lalaking may edad iyon. Pero hindi naman pinansin ni Adam, tumayo ako at minasdan ang lalaki may pagkakahawig sila ni Adam at nakasuot pa siya ng corporal attire. " What did you do?! Dapat talaga matuto kang bata ka, hindi kita ilalabas diyan, bahala kang magpalipas ng taon diyan!" Nanggagalaiting sigaw ng lalaki kaya natakot ako na makukulong siya ng matagal.

" Adam," tawag ko sa kanya kaya nilingon rin ako ng lalaking 'yon. Siguro lolo ni Adam parehong matalim tumingin ang mga mata nila.

"Sino 'to?! Gag* ka talaga pati walang muwang na bata idinadamay mo!" Sigaw na naman ng lalaki, pero tinatawanan lang ni Adam.

"Soon-to-be ko 'yan grandpa, i-eengage na kasi dapat kami kaso kinidnap siya, alam mo na mala-pelikula," ani Adam na sinundan ng malakas na tawa kaya sinipa ng lolo niya iyong rehas at tinignan ako.

"Babae ka ba?" Tanong niya agad sa 'kin.

"Grandpa, 'wag mo ngang takutin," ani Adam.

Bigla na lang inilapat noong matanda ang kamay niya sa dibdib ko kaya napaatras ako.

"Lalaki 'to Adam! Hindi ako malilinlang ng pagigng cute ng batang 'to! Jusko, hindi ka pa ba uuwi? Hindi ka bagay dito, ang kulungan para lang kay Adam, " sabi noong matanda.

"Palayain n'yo na ho siya, kahit sa'min na lang siya tumira kung ayaw n'yo na sa kanya,"may pakiusap sa boses ko habang tinitignan ko siya.

"Napakaganda—este napakaguwapong bata, ang puti-puti, ang nipis ng katawan, "

"Grandpa," may babala sa boses ni Adam.

"Alam mo milky, si Adam hindi ka mabubuhay nito, wala ngang maipasang subject 'to, mamamatay ka lang sa gutom, kaya humanap ka na lang ng babae para ---"

"Grandpa!"

"Po?" Naguguluhang tanong ko. " Ako na lang po ang magpapakain sa kanya araw-araw, hindi naman po niya 'ko mapapakain kasi hindi naman siya marunong magluto," sagot ko.

"Bata pa kasi kayo, minsan talaga nagkakamali 'yang atrasksyon na 'yan, lalaki ---"

"Grandpa, dito ka talaga nagpapayo?" Natatawang buska ni Adam, mag-isa lang siya doon sa kulungan. Maayos din naman dahil may higaan at malinis kumpara doon sa nagsisiksikan na nadaanan namin at medyo hindi maganda ang amoy. Pero dito wala naman ganoon pero masyadong maliit para kay Adam tapos hindi pa kulay green ang wall, at mukhang matigas ang hihigaan niya wala pa syang kumot! Dapat ako talaga ang nandito. Isipin ko pa lang 'yon naiiyak na 'ko, ang babaw ng luha ko, ako rin ang dapat nasa loob at hindi dapat siya pinagagalitan.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon