OFFICIALLY 9: Just forget

2.3K 147 20
                                    



OFFICIALLY 9: Just Forget



BLUE


I'm hurt. No, I'm badly broken –masakit ang nararamdaman ko. Hindi ako pumasok ngayon at hindi rin ako pumayag na samahan ako ni Jae sa bahay niya. I'm alone, kaya masagana na naman 'yung mga luha ko. I don't know how many hours I've stayed in this bed staring at the ceiling. Inaasahan ko naman 'to 'di ba? Na aalis siya sa buhay ko dahil narealize niya na hindi kami para sa isa't isa? Siguro masyado lang naging mabilis sa inaasahan ko.

Friday ngayon, walang pasok sa Saturday, Sunday and even Monday dahil holiday. Fourd days ko siyang hindi makikita. Ibubuhos ko na lahat ng luha ko sa loob ng apat na araw na 'yon at isang linggo na lang rin ang titiisin ko sa pananakit sa sarili ko na makita siya uli at mag semestral break na.

I'm not crying because of his infidelity. Kaya ko naman siyang patawarin, pero masakit talaga, sobrang sakit and I don't know how to ease this pain. Paano pa pag bumalik ako sa kanya? Baka ikamatay ko na talaga 'yon, ngayon pa nga lang gusto ko na lang matulog 'yung sana hindi na 'ko magising pa.

Ayoko naman siyang sumbatan. Promises are meant to be broken, sabi nga nakakapangako ka lang naman kapag sobrang saya mo at kapag nagmamahal ka pa ng sobra. Pero kapag nanlamig na, wala na rin lahat 'yon. Masyadong mabilis, masakit at higit sa lahat hindi ko inaasahan na 'yung ginawa ko, masakit 'yung igaganti niya.

Nananakit na 'yung mata ko, ang dami-dami namang luha! Hindi pa ba 'to maaampat? Kinuha ko 'yung phone ko, parang dumagundong lang 'yung puso ko nang sobrang lakas at bilis " 62 missed calls, 38 messages " from him. Nakagat ko 'yung ibabang labi ko, not now, ayokong makipag-usap. Pinatay ko na lang 'yung phone ko, nakakainis sana 'di ko na tinignan imbis na kikilos ako wala nagpakalungkot na naman ako magiging bed ridden ako nito –nakakapanghina pa lang masaktan.

Mahal na mahal ko na talaga siya. He made me feel safe and worthy to be love. Great! Hindi ko naman kayang magalit sa kanya pero 'yung nagawa niya, more than what I deserved –sabihin ko man na ayos lang na nagkaroon siya ng sexual sa contact while we are in a relationship, hindi rin tinatanggap ng buong sistema ko, parang sinikmuraan niya 'ko at ipinamukha niya na hindi ko 'yon maibibigay sa kanya and that was true.

Natiis kong hindi kumain hanggang pagabi na at pauwi na rin si Jae. Kumilos ako para naman hindi ako maging pabigat. Ipinagsaing ko siya, ipinagluto ng fried chicken. Hindi ako masarap magluto pag malungkot, promise.

Nakita ko sa bintanang nakasara na umuulan. Naalala ko noon, gustong-gusto kong maligo sa ulan pero hindi puwede, magagalit si mama. Matapos kong takpan ang iniluto ko lumabas ako at inihakbang ko ang mga paa ko palabas. Malamig na hangin agad ang humaplos sa balat ko, nagtayuan ang mga balahibo ko at nakayakap ko ang sarili ko. Pero itinuloy ko pa rin ang paglalakad hanggang sa labas ng gate.

Bakit gano'n? Sabi niya naman mahal na mahal niya 'ko, hindi niya ko sasaktan, kuntento na siya sa 'kin, ako ang pinakamahalaga at magandang nangyari sa kanya – kapag naalala ko kung paano siya nanlamig sa 'kin parang gumuho ang mundo ko. 'Yung mga araw na tila hindi niya ko gustong makita, sobrang sakit. Mahal ko siya, pero hindi ko na ata kayang bumalik kahit gustuhin ko pa, sobrang natatakot na 'kong masaktan. Gusto kong tawagan si mama, mag-aalala nga lang siya at ano naman ang sasabihin ko?

Siya 'yung nagpasaya sa 'kin ng sobra at siya rin pala 'yung mananakit sa 'kin ng sobra.

"Bakit ka nagpapakabasa?" si Jae na kabababa lang ng sasakyan niya. Hindi ko nga namalayan na dumating siya dahil pinapahid ko ang luha ko kahit naman nababasa pa rin ng ulan. Tinakpan niya 'yung ulo ko ng kamay niya at hinila ako ng marahan papasok sa gate hanggang pintuan at loob ng bahay. " Magkakasakit ka, " aniya na tinignan ako at hindi ko alam kung bakit parang pinunasan niya ng magkabilang kamay ang pisngi ko. Luha ko ba ang pinupunasan niya?

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon