SM 15: Letter

1.5K 111 44
                                    

Waaah! Natuwa naman ako sa Votes and Comments! Sinipag ako nang makita ko, hahaha! Yieee Thank youuuuuu so much! Pag ganyan talaga sinisipag ako, hahaha ipagpatuloy n'yo ha? Iloveyou. <3 #Misa


SM 15

LETTER


YUKI

" Ang laki-laki ng katawan niya para saktan si Aoi!" sigaw ko habang kausap ko sa balkonahe sa cellphone si Ruki. " Tapos ayaw pang aminin na sinasaktan siya ni Adam! Nakakainis! " naiiyak na 'ko, subukan niyang makipagbalikan pa sa baby ko, ako na papatay sa impaktong Adam na 'yan! Ang laki-laki ng katawan niya, tapos nananakit siya, ang kapal ng mukha!

" Yuki, 'wag ka ngang sumigaw, " ang asawa ko na nilagyan ako ng jacket, kaya nangiti ako. Ang sweet talaga nito MINSAN. Capital, para damang-dama na minsan lang siya tamaan ng sweetness.

" Manang-mana 'yang si Adam kay Claude! Pag-untugin ko silang pareho!" iyak tawa ko, nakakainis. " Papuntahin ko si Aoi saan? " tanong ko pa kay Ruki, galit na galit na rin siya. Sasabihin ko pa kay Takumi para madaming magalit sa demonyong Adam na 'yan! Nanggigigil ako sa kanya, guwapo nga pero ang sama talaga tumingin no'n parang papatay lagi. Pinagsamantalahan na nga niya ang inosenteng Aoi namin, tapos ganito pa gagawin niya, T^T.

" 'Wag kang malakas magsalita baka marinig ka niya, babe. Pinipilit nga niyang ipagtanggol na hindi sinadya 'yung pasa niya sa braso at 'yung sa mukha niya na mawawala na, mahal niya pa rin 'yon manang-mana kaya sa 'yo 'yon," natatawang bulong ni Claude, nakatatlo na malandi pa 'yan magsalita! Palibhasa virgin na virgin ako nang makuha niya.

" Oo, magkatulad kami na nagmamahal ng demonyo, " bulong ko kaya kinagat ako ni Claude sa balikat. Waaah! Parang ang init, kanina malamig. *u*

" Kausapin mo na nang kausapin si Aoi, noong iniwan dati ni Adam 'yon halos nakatulala lang 'yon. " ani Claude kaya naman nagpaalam na 'ko agad kay Ruki.

" Baby," hindi pa rin siya nagbabago. Siya lang sa GZ ang hindi naglo-locked ng pintuan at inosente talaga ang baby ko. Sa lahat ng miyembro siya 'yung malakas ang appeal sa kabataan dahil nga ang cute-cute niya at laging nakangiti. Kahit pagod na sila sa concert nagagawa pa rin niyang makipag-usap sa fans, at kapag talagang may humaharang para magpa-autograph sa kanya hindi niya hinihindian. Marunong din siyang sumagot sa mga comments sa kanya, hindi ko man inaasahan na may nakaraan pala siya sa isa ring lalaki tinanggap ko 'yon kahit na nalulungkot ako dahil baka mahusgahan siya. Pero nang mag-usap kami sa Paradiso tungkol sa nakaraan namin, 'yung relasyon namin halos na 'di natuloy dahil nalaman kong buntis na 'ko kay Claude ay binigyang closure na namin inamin niya rin na mahal niya nga 'yong demonyo. Nakikita ko nga na masaya siya, isa pa may anak naman si Adam kaya buong pamilya sila.

Pero ang sakit lang isipin na akala ko magiging masaya na talaga siya pero hindi pa rin pala. Noong saktan siya ni Vanessa, galit na galit rin ako pero sasaktan ko rin pala siya. Hanggang ngayon ba? Mabait naman siya, nasa kanya na nga lahat! Bakit sa mga pinipili niyang mahalin, palagi lang sakit ang nararamdaman niya?

Umiiyak na agad ako, hindi pa man nagtatagpo ang mga mata namin. Bakit kailangan bumalik ng Adam na 'yon para bawiin 'yung pagmamahal ni Aoi kung sasaktan niya uli! Ano 'yon noong nakamoveon sa kanya saka niya naisipan bawiin, ngayon na mahal na naman siya sinaktan na naman niya? Sht kang Adam ka!

" Sabi ni Ruki doon ka muna sa pinsan niya, para –" nawala ang sasabihin ko ng makita ko siyang tinitignan ang palad niyang may higit sampung piraso ng tableta ng sleeping pills. "Baby!" mabilis ko siyang nilapitan at kinuha ko sa palad niya 'yung mga sleeping pills, sa dami nito baka 'di na siya magising! " Ano ba! Walang kuwentang tao 'yon para ganyanin mo ang sarili mo!" umiiyak na wika ko sa kanya. Tumalikod ako para hanapin ang bote niyon pero tumungo siya sa balikat ko mula sa likuran kaya hindi na 'ko nakagalaw. Ang halaga niya sa 'kin kaya ang sakit na nagkakaganito siya ngayon!

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon