SPIN 10: Last warning

3.8K 158 26
                                    

Bibilis na 'yung k'wento. 'yung mahahalaga na lang para mabilis makarating sa kasalukuyan. Thank you! :) Pwede kayo mag suggest, para mas mapaganda 'yung story. First ko kasi sa BxB salamat! :) <3



SPIN 10 

LAST WARNING 


"  Kamusta na? "

"Jae! Good morning," masiglang bati ni Blue kay Jae na bigla na lamang nagpakita sa kanya sa harapan. Naroon sila sa theatre para mag practice. "Bagay talaga kayo ni Alejandra, " tukoy niya sa gaganap na Snow white ng play.

" Mas bagay tayo, " sabi ni Jae dahilan para suntukin niya 'to ng mahina sa balikat. Kapag narinig 'to ni Adam, literal na mang gi-giyera ito. " Seryoso ko, " natatawang sabi nito.

"Nakikisali ka pa sa mga praning, " simangot niya kay Jae. Simula ng maging isa siya sa theatre group at siya ang naging tagapagsalita ng mga ito sa bawat course/ rooms sa magaganap na sponsored play nila nagkaroon siya ng iba't ibang admirers na lalaki at babae at hindi naman siya marunong man-reject kaya tinatanggap niya at kay Jae niya ipinadadala dahil bawal na bawal dalhin sa bahay nila ni Adam, kaya nagpapasalamat siya na sa theatre madalas dumarating ang mga letters and gifts ng mga ito. Hindi lang naman siya ang naliligawang lalaki ng kapwa niya, even Claude, kaso literal naman man-reject si Claude kahit nga sa babae. Napakasungit nito.

" Kasalanan ko ba na unisex ang appeal mo, sobrang cute mo kasi," sabi ni Jae na ikinangiti niya. Sa babaw ng kaligayahan niya kahit joke nangingiti siya. " Hindi ko nga alam paano ka nagtatagal kasama si Adam, kung sa 'kin ka, for sure napaka-understanding ko, " anito pa.

" Loko ka," natatawang hinampas niya 'to ng manipis na folder ng script. " Practice na, may klase pa tayo, " doon nila kaklase ni Jae si Adam pero hindi naman sila naglalapit ni Adam dahil may groupings sila doon at whole group palagi ang magkakasama. Hindi man sila magkasama pakiramdam naman niya palagi itong nakabantay sa kanya, mahirap ng may magnakaw sa kanya.

" Piggy!" anito sabay kurot sa pisngi niya kaya napasimangot si Blu. Ma-pink daw siya lalo kapag naiinitan, hindi naman siya mataba, pero hindi rin naman siya payat, kaso piggy tawag nito sa kanya dahil sa kulay niya. Tss

Relationship? Wala naman sila no'n ni Adam. Sa totoo lang naguguluhan siya, tama na bang sabihin niyang mahal niya 'to? Wala pa nga siyang experience, o hindi pa niya alam kung kailan ba masasabing mahal mo na ang isang tao. Pero masaya siyang kasama si Adam, medyo mahirap , komplikado dahil nga seloso 'to na akala mo lahat ng tao sa mundo nagugustuhan siya. Pero sa sweetness, mananalo naman 'to, caring at palaging sumusuko sa kanya kapag naiinis na siya. Pero pagkatapos naman nito mag sorry, hayan na naman ito sa pagiging tamang-hinala. Kaya nga hangga't maari hindi na siya gaanong nakikipag-usap ng matagal sa pare-parehong tao dahil kung ano-anong nararating ng imahinasyon nito.

Pagdating naman sa kaliwa't kanan na babae ni Adam noon, iba na ngayon, wala siyang nakikitang ibang kasama nito. Wala na rin itong nilalandi, parang buong panahon nga nito nakatutok sa kanya. At hindi na rin bago sa kanya ang chismiss na mayroon silang relasyon. Lahat ng negatibong komento ng ibang tao sa kanila, hindi niya pinaglalaanan ng panahon na problemahin. Mas gusto niyang mabuhay ng walang kinasasamaan ng loob.

" Let's go," aya ni Jae sa kanya ng matapos sila sa play. " Umuulan, ako kakausap diyan," hila nito sa kanya. Paano hindi nga niya 'to sinasabayan, kasi naman paniguradong away na naman 'yon.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon