STILL 4: Dreams (X)
- Add him on facebook : Asul Yamashita (Aoi Blue ) P'wede n'yo siyang kulitin at kausapin hahaha! <3
" Bakit ba nagagalit si Claude sa 'kin? Bigla-bigla niya 'kong sinusungitan," sabi ko kay Takumi habang nililinisan niya 'yung mga sugpo. Nasa kusina kami at ako naman naiiyak sa pagbabalat ng sibuyas sa tabi niya. Hindi talaga 'ko makapagbalat nito nang hindi naluluha.
" Mas malala naman 'yung kay Adam! Kaninang almusal tila pinagulong sa asin ang hotdog na ibinigay sa 'kin, pinilit ko na lang kainin. Dapat yata hindi nila tayo nakikitang magkasama," ani Takumi kaya naman bumuntong hininga na lang ako. " Nandiyan si Adam, nakatingin, 'wag ka nang umusap," dagdag pa niya kaya nilingon ko naman ang bukana ng kitchen at nakita ko si Adam na nakasuot ng fitted white sando at ipinagmamalaki na naman 'yung bato-bato niyang muscles at 'yang walking short niyang tila lagi na lang may gustong lumabas!
" Siya na pagawain mo lahat niyan, "nilapitan niya ako at basta na lang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko ko at iniyapos ang braso niya sa katawan ko. Para naman siyang ahas na pumulupot sa 'kin.
"Oo nga, nakaka-alibadbad 'yang ginagawa n'yo dito," ani Takumi na pailing-iling. Isa pa 'tong palaging nagpapakita nang mga muscles! Nakiki-sando rin at short.
"Let's go, " kinagat niya 'yung tenga 'ko kaya siniko ko siya. Kinikilabutan ako sa ginagawa niya! " Sa kuwarto tayo, gusto ko pang matulog," bulong niya kaya pinamulahan ako. Ayan na naman siya! Sino bang p'wede kong hingian nang tulong dito?
"May ginagawa pa kami, 'wag kang magulo Adam! " inilalayo ko siya sa 'kin, ayoko nang mainitan. Iba ang init na naramdaman ko no'n, basta 'di ko maipaliwanag bakit nasa loob siya ng katawan ko. Uminom na 'ko ng malamig na tubig pero kapag napapatingin ako kay Adam at ngingisi siya parang lalo lang sinisilaban ang katawan ko. Siguro may lahi 'tong mambabarang?
Naghugas na 'ko ng kamay at sumama sa kanya. Mag-iingay lang 'to, palagi naman silang nag-aaway ni Takumi.
"Ruki!" kinawayan ko si Ruki na pababa nang hagdanan. Tipid niya lang akong nginitian at tinanguan. Ang tahimik niya talaga.
"Gusto ko palaging nasa tabi kita, " ani Adam. Nahiga siya sa hita ko samantalang may mga unan naman para sa kanya. Nasa kama kami at manonood na lang ako. Pero ginugulo niya 'ko dahil pinipisil niya ang pisngi ko. "Ang cute mo talaga," sabi niya bago tumayo at hawakan ako sa baba at pinagkatitigan kaya namula na naman ako.
" Magpakasal na tayo," sabi niya kaya natigagal ako. " Para talagang wala nang makakakuha sa 'yo sa 'kin," hinalikan niya ang noo ko pababa sa pisngi ko at ga-hiblang pagitan ng labi namin ang nagpahirap sa paghinga ko. " Ikaw lang ang kinabaliwan ko nang ganito, masisiraan ako ng ulo kapag nawala ka sa 'kin. Lahat ng gusto mo ibibigay ko, 'wag ka lang aalis sa tabi ko," seryosong-seryoso siya, ako naman nangingilid ang luha.
" I love you, " idinikit ko ang noo ko sa noo niya. " Wala nga akong kailangan, maliban sa 'yo. Palagi ka lang nasa tabi ko, 'wag kang makikipag-away gaano kasi naman natatakot ako sa 'yo kapag nagagalit ka. Sasabihin ko rin 'to sa mga magulang ko, hindi naman p'wedeng habang buhay natin itago 'di ba? Mahal kita kaya naman hindi kita itatago, promise, " nginitian ko siya bago ko hinalikan ang pisngi niya.
" I love you," aniya bago tinawid ang pagitan ng labi namin. Totoo naman na mahal ko siya. At sa puntong ito, hindi ko na rin yata kakayanin na wala si Adam. Isa pa, hindi na rin siya basag-ulo. Hindi na siya katulad noon na palaging may sugat, bibihira rin naman siyang umalis noon bago kami maghiwalay. Alam ko na nagbago na siya –maliban na lang sa pagiging seloso niya. Iyon naman talaga siya, akala mo lahat nang tao nanakawin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)
General FictionBlue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, para ipalit ang puso nito sa puso niyang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi niya 'to mapap...