Nagpapasalamat ako sa comments and votes! Grabeeee! 47? More than I expected. Hahaha! So every 45up votes, update tayo. Sa sobrang sipag n'yo marami na 'tong chapters at take note ito lang ang 3x a week ko inuupdate! :3
OFFICIALLY 8
" LETTER "
Months passed nang malaman ko na hindi papasa si Adam. I actually talked to the Professor, he's my professor too in other subject. Hindi ko siya napakiusapan pa nang sabihin ko sa kanya na kahit anong consequences pipilitin kong gawin ni Adam , isa lang ang sinabi niya –aalisin niya ko sa ranking bilang top. Hindi na 'ko nag-isip pa nang sabihin ko na hindi naman 'yon mahalaga, totoo naman hindi 'yon mahalaga. Kailangan at dapat na sabay kaming gumraduate.
Sinabi pa ng Professor na 'yon na hindi pumapasok si Adam. Saan siya nagpupunta? Hindi naman niya sinasabi sa 'kin. Minsan pakiramdam ko ako lang ang bukas sa kanya pero siya hindi ko naman siya ganoon kakilala, parang hindi niya gustong pinag-uusapan ang sarili niya. Sa tagal naming magkasama, hindi ko nalaman ang pangalan ng magulang niya. Pero ayokong magtanong, gusto ko siya ang magbukas ng sarili niya sa 'kin, ayokong mainis siya dahil inuusisa ko siya. Doon na lang ako sa parteng masaya kami, nagkakaunawaan at hindi na lumikha pa nang gap dahil lang sa maling pasok ko nang tanong.
Pero lahat 'yon nalaman ni Adam. Nagalit siya nang husto at sa unang pagkakataon nasaktan niya 'ko sa mga salitang binitiwan niya. Pinakikialamanan ko siya. Bakit hindi ko na lang daw atupagin ang sarili kong buhay? I thought we are one? Siya ang may sabi no'n. Dahil daw ba sa mas matalino ako sa kanya, nagyayabang na 'ko? So this is it, 'yung sinabi ni Claude na I only created the beast in Adam. Pinaliwanagan ko siya pero hindi siya umuwi ng isang buong araw, naghintay ako para sa kanya at hindi ko magawang mag-aral kahit exam bukas, nababalisa ako. Last two weeks na, examination na namin at lalabas na ang ranking, pwede ko pang bawiin ang desisyon ko pero ayoko. I eally wanna be with him, together we will graduate.
"Adam, kausapin mo na 'ko, " sa ikatlong araw na hindi niya 'ko tinatabihan pag tulog dahil nasa kabilang kuwarto siya at naglocked siya nang pintuan. Nakita ko lang siya na kapapasok lang, hindi naman kami civilian day ngayon pero nakacivillian siya ibig sabihin lang hindi naman siya pumasok.
"Anong pag-uusapan natin? 'Yung kagalingan mo ba?" Sarkastiko siya napailing bago ako nilampasan at pumunta sa kitchen. Nilapitan niya 'yung ref at kumuha nang ice cold coffee sa bottle na binili namin last week –last week noong maayos pa kami.
"Adam, kung hindi mo 'ko kakausapin hindi naman tayo magkakaintindihan," pinilit kong hind gumaralgal ang boses ko. I'm emotionally weak, depression kills me.
" Ano ngang pag-uusapan natin?" Galit at madiing tanong niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko, nag-iinit ang mga mata ko. Hindi naman ako naghihinala sa kanya pero bakit nasasaktan ako? Nasasaktan ako na totoong may babae siya kagaya nang sinabi sa 'kin ni Carlo. Nakita niya si Adam sa Bar, may kasamang babae, 'yung pangalan ng bar iyon ang pinuntahan namin noon –'yung babaeng sinasabi niya iyon 'yung maiksing buhok na nakilala ko sa labas ng bar. Sabi ko kaibigan lang, pero iba natawa pa nga si Carlo, sabi niya " Nagloloko na siya, puntahan mo nang makita mo mismo saka mo sabihin sa 'kin na magkaybigan lang sila, " sabi niya. Hindi ko pinakitang apektado ako pero sa totoo apektadong-apektado ako at naiinis ako sa sarili ko na pinaghihinalaan ko si Adam.
BINABASA MO ANG
GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)
General FictionBlue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, para ipalit ang puso nito sa puso niyang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi niya 'to mapap...