STILL 7
HAPPINESS KO!
**
"Who you?" sabi ko. Umaasa na naman ako na si Adam siya.Tama na, masakit na masyado, pero sana si Adam siya. (^/\^)
Hindi na siya nagreply hanggang tatlong araw at nang makatanggap ako ng tawag sinagot ko agad kasi baka siya na 'yon lalo pa at Philippine #.
"Blue," sa kabilang linya. Nangunot ang noo ko, 'di ko siya makilala. Hindi siya si Adam. " Xander," sabi niya nang 'di pa 'ko nagtatanong.
"Kasama mo ba si Adam?" iyon agad ang naitanong ko. Napatayo pa 'ko sa kama.
" Ano bang problema mo sa buhay mo? Bakit ba kayo naghiwalay ni Adam?" galit agad siya kaya nabigla ako.
"Hindi –"
" Masaya ka na ba ha? He's so miserable right now, mas malala pa siya sa dati nang makilala ka niya! Hindi ko magawang masaktan sa paghihiwalay namin ni Ana dahil mas abala akong bantayan siya! Hindi ko alam anong dahilan niya bakit kayo pumunta ng Japan at umuwi siya rito para maging gag* lang uli! " sabi niya at natahimik lang ako, sumisigaw siya at natatakot naman talaga 'ko pag sinisigawan ako. Parang bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Nasaan ba si Adam?" pinilit kong maging maayos ang pagsasalita ko. Pero pinatayan niya 'ko, sinubukan ko siyang kontakin uli pero hindi ko na siya ma contact kaya si Claude ang tinawagan ko.
"Nasaan ang kapatid mo?" tanong ko. Si Adam ang nagsabi na kapatid siya ni Claude.
"Kuya ko? Kilala mo? Wala naman akong ibang kapatid maliban kay Xander, siya ba? Seryoso ka?"
"Oo, " wala akong balak magpaliwanag.
"Hmm, alam ko nasa davao siya ngayon. Dahil sabi ni dad nandoon siya sa Paradiso at kung uuwi raw ako," sabi niya.
"Salamat," pinatay ko na rin agad.
Nagdesisyon ako na umalis ng Japan ng walang nakakaalam. Three days simula ng tumawag si Xander bago ako nakaalis. Wala akong bitbit na kahit ano maliban sa sarili ko at sa cellphone ko at gamot ko. Alam ko na may nasabi sila kay Adam kaya siya umalis at pumunta ng Pilipinas. Nakadarama ako nang pagtatampo sa mga magulang ko, pero hindi ko naman sila kayang pagsabihan, sino ba naman ako? Anak lang nila ako, at alam ko naman na para rin sa 'kin 'to. Pero sana malaman nila na hindi naman kami naglalaro ni Adam, masaya ako sa kanya, at simula nang mawala siya kulang na kulang ang pakiramdam ko. Ngayon pa na nagkakagulo ang isip ko na baka bumalik na naman siya sa mga kaibigan niyang mahilig makipagbugbugan.
Hindi ko na inisip ang pagod ko dahil saglit lang rin ako sa hotel sa manila at kumuha rin agad ako ng ticket patungong Davao. Hindi ko makontak si Adam kahit ang kuya ni Claude. Kung alam ko lang na magkakaganito siya, sana umpisa pa lang pinuntahan ko na siya. Naalala ko si Micheal, naalala ko na tinext siya rito ni Adam kaya may # siya rito sa inbox ko. Bago ako sumakay ng eroplano tinawagan ko siya at sumagot naman siya.
" Blue, " tila nasorpresa pa siya. Sabagay hindi ko naman close ang mga kaibigan ni Adam.
" Alam mo ba saan sa Davao ko makikita si Adam?" alam ko ang Paradiso, pero kung maaari na dumiretso naman ako kay Adam, 'wag na kay Xander. Sa totoo niyan lahat naman sila nakakatakot tumingin, para silang maraming kaugali ni Adam. Sobra lang talaga si Adam.
Sa pag-uusap namin nalaman ko rin kung nasaan siya. Pero dahil napapagod na rin ako, at hindi naman talaga 'ko sanay sa biyahe ng eroplano, umuwi rin ako sa 'min sa Rainbow village. Pinuntahan ko agad si Damdam at niyakap ko.
BINABASA MO ANG
GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)
General FictionBlue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, para ipalit ang puso nito sa puso niyang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi niya 'to mapap...