50 VOTES next chapter! *u*
SM 17
WHAT IF?
" WELCOME TO OUR HACIENDA!" masiglang wika ni Kai. Nangiti lang ako dahil ayoko man pero naalala ko sa kanya si Adam, back when we're young. Kanina sinasabi niya na ang mga nadaanan naming lugar/ establisyemento at kung anu-ano pa ay mga ligtas na lugar sa nayon na 'to na hindi raw matatagpuan sa kahit na anong mapa. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon at hindi ko na rin napansin kung gaano kami katagal nagbiyahe dahil nakatulog ako ng makipagpalit siya sa pagda-drive. Pag gising ko naman may burger and fries na siyang binigay sa 'kin with bottled water. Sabi niya dito na kami kakain sa lugar nila.
" Sa iba't ibang bansa may base kami, at isa 'to. Nagkalat talaga ang lahi namin, para hindi kami maubos, " aniya na natatawa pa habang mabilis na pinatatakbo ang sasakyan na mukhang ligtas naman dahil walang katao-tao ngunit maliwanag naman ang paligid dahil sa kabilaang mga poste ng ilaw.
Nakarating kami sa malaking mansion na sinauna ang disenyo at hindi ko mapigil isipin na maypagkakahwig siya sa istruktura ng simbahan. Itinikom ko na lang ang bibig ko kahit namamangha ako, paano kung hindi maganda 'yon komento ko sa pandinig niya na parang simbahan ang malaking mansion nila?
Naalala ko na naman si Adam at Red, now I'm going to stay in a new home without them. Kailangan kong magpakatatag, and I'm still hoping that he came back to me. Pathethic, right? Pero mahal na mahal ko talaga si Adam.
" Inang, nandito na ang bisita natin!" sigaw ni Kai sa sumalubong na may edad n babaeng mukhan kastila.
" Hindi ba't si Butler –"
"Nasundo ko na siya, wala ng magagawa ang sasabihin mo inang, " ani Kai na tatawa-tawa.
"Jusko kang bata ka!"
"Hep, Inang may bisita tapos magtatalak ka, 'wag gano'n, " ani Kai na sinulyapan ako at ngiting-ngiti habang taas baba ang kilay niya.
"Magandang gabi ho, " bati ko sa matanda ng nakangiti. Nginitian niya rin naman ako at inakap.
" Inang! Baka mapipi si Marshmallow," ani Kai. Naiinis na 'ko sa marshmallow na 'yan, parang ang lambot-lambot ko sa kanya. Tss
" Puro ka bansag sa mga kakilala mo! Hala sige, magbihis ka at ang dumi-dumi mo hindi ka na nahiyang bata ka. Ako na ang bahala dito sa bisita, " wika pa ng babae. Noong nakaraan pa dumating ang mga gamit ko dito, nauna talaga sila sa 'kin.
"Ano bang gusto mo? Kumain muna o magpahinga?" tanong niya sa 'kin nang buong giliw.
"Kumain po, " nangiti ako sa isipin na kakain na 'ko.Nagugutom ako, gusto ko mang alamin kung ano ang nangyari kanina bakit may humahabol sa 'min, itinikom ko na lang ang bibig ko dahil bisita ako dito at hindi ko naman talaga sila mga kakilala.
" Pst, labas na tayo 'di ka ba naboboring?" ani Kai na kanina pa 'ko pinipilit lumabas. Hindi ko siya matignan dahil namamaga pa yata ang mata ko, iniisip ko pa rin sila. Hindi na ata ako makakamoveon.
" Boring? Parang bago lang ako magpapahinga simula ng dumating tayo," sagot ko na nagbukas ng bintana.
" Sige na, maganda sa pupuntahan natin. Sayang ang pinunta mo dito kung magkukulong ka lang sa kuwarto mo, ang boring siguro ng buhay mo," komento niya na biglang sumulpot sa harapan ko. At naiilang ako dahil baka nga namamaga 'yung mata ko.
" Dali na, hihintayin kita sa baba," aniya na nginitian ako. Siguro kung napansin man niya na namumula 'yung mata ko, inisip niya na dahil kagigising ko lang.
BINABASA MO ANG
GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)
General FictionBlue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, para ipalit ang puso nito sa puso niyang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi niya 'to mapap...