OFFICIALLY 1: Falling

3.7K 205 35
                                    


Kaya ba? 35 votes next chapter? *u* 43 naman active voter sa ibang part. Pero titignan lang natin hihi kung kakayanin pag hindi gora pa rin tayo! *u* #AALOVE


**


OFFICIALLY

CHAPTER 1

FALLING



" Seryoso namimigay ka ng yosi?" ani Micheal kay Adam ng ibaba nito ang kaha ng sigarilyo na may mamahaling tatak.

" Uwi na 'ko, hindi p'wede sa kanya 'yan, inuubo agad pag naaamoy," ani Adam na tumayo na kasunod ng paglakagok ng beer nito sa baso. Kung ibang pagkakataon, magpapausok lang siya ng magpapausok hanggang antukin.

"Baliw na baliw talaga si Adam doon sa batang kasama niya," wika ni Micheal kay Ana na kasama niya. Ewan ba nila bakit 'yung kanina pa darating na si Xander hindi na nakadating-dating. Kung alam lang nila na kanina pa dumating si Xander, nakita lang nito si Claude na naroon malapit sa table nila Adam.

" Cute naman kasi talaga, hindi lang naman siya ang lalaking may gusto doon kay Little Prince. 'Yun lang, hindi ko naman alam na kababaliwan niya ng ganyan, " – Micheal



**

ADAM

After ko siya inihatid sinabihan ko pa siya ng kung anu-ano dahil sa pagkainis ko. Hindi naman siya kumikibo nakatingin lang siya sa baba habang nakaupo sa sofa. Asar! Hindi ko naman siya makakaaway ng gano'n, ako lang mapipikon dahil hindi siya sumasagot! Pero magkasalubong ang kilay niya, tumitigas na kasi 'yung ulo niya ngayon! Nilayasan ko nga, hindi rin naman ako pinigilan. Sht! Ngayon lang ako nabaliw ng ganito! Wala na yata ko sa katinuan, lahat pinag-iinitan ko ng ulo, ayokong kinakausap siya ng iba naiirita 'ko! Lalo na sa Jae na 'yon, sarap na talagang paglamayan.

Isang oras lang akong nawala then babalik na agad ako. Anong oras na, gabing-gabi na, mamaya may kumidnap pa sa kanya lalo na 'kong matuluyan sa pagkabaliw. Nakakaadik na siyang mahalin, para na 'kong bangag sa takot na may kukuha sa kanya. Sht. He's mine, alone.

Pumasok ako sa kuwarto namin agad, nandoon naman siya nakahiga. Nakatagilid sa kabilang direksyon. Tulog na siya, nakokonsensya naman ako kapag nagagalit at nasisigawan ko siya. Pero bakit kasi ganoon, he knows from the very fist start that I hated that Jae! Pero hindi niya nilalayuan, ako lang ba talaga 'yung may gusto sa kanya? Hindi man lang niya 'ko naisip? O baka naman kasi imahinasyon ko lang na sa 'kin siya?! Fck, I'm gettin' insane!

Kesa mawala siya mag-iinom na lang ako mag-isa sa bahay. Bwisit! I can't afford to lose him!

Nabigla ako ng lumingon siya. Sht! Tinignan niya 'ko ng masama tapos tinalikuran ulit ako? Umusog pa siya sa dulo ng pwesto niya sa kama, right side.

" Ayos, " iritableng sabi 'ko. Nahiga na lang ako sa left side. Hindi na siya umiimik, ang tahimik nito! Sana nakikipagsigawan na lang siya, hindi 'yung sisimangot siya tapos titingin ng masama. Pnyeta, kinakabahan ako pag ganito siya!

Pero ang tagal ko nang nakatingin sa taas wala na hindi na siya kumibo. Tulog ng tulog kaya lumalaki 'yung pisngi. Umusog ako palapit sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likuran. "Sorry, goodnight, " bulong ko kahit hindi na niya maririnig kasi nananaginip na siya.

Bakit lahat na lang sinasabi na hindi totoo 'yung nararamdaman ko sa kanya? Thrill, excitement, kaya naiba naman daw ang gusto ko. Kahit daw gaano siya ka-cute, hindi dahilan para magustuhan ko siya to the point na hindi ko na siya gustong pakawalan. Pareho kaming lalaki, mga gag* pala sila, pinakikialamanan ko ba buhay nila?!

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon