SPIN 9: First

3.5K 168 24
                                    


SPIN 9

" FIRST " 



" ADAM! Gising na, male-late ka na!" Niyugyog ko nga si Adam. Mantika matulog! Kaya lagging late. Two weeks na kaming nagsasama sa iisang bahay. Ito ang gusto niya, tututol pa ba 'ko? Ayokong nakikipag-away sa kanya dahil bugnutin 'to, ang dami pang idadamay na 'to para lang sabihing may dahilan ako.

Two weeks na rin akong gumigising at umuuwi ng maaga para sa breakfast nd dinner namin. Lunch, minsan hindi kami magkasabay dahil magkaiba kami ng club and most of the time nasa soccer team siya ng lunch time.

"Ang aga," reklamo niya.

"Aalis ako ng maaga, may practice ako, pinagluto na kita bumangon ka diyan baka ma-late ka ha?" sabi ko sa kanya bago ako patayo sa kama. Nakabihis na rin naman ako, neck tie na lang kulang.

"Practice?" Hinila niya 'ko kaya napaupo ulit ako sa kama at naupo naman siya. " 6:30 pa lang, ano bang practice 'yan? You mean, wala akong kasama mag breakfast?" asar na tanong niya.

" Wag ka nang magalit, kailangan kasi 'to, okay? It's for our play, 7 usapan at 6:30 na nga, male-late na 'ko, nakakahiya. " sabi ko sa kanya kaya tumango siya.

" Lunch, sabay tayo, " sabi niya.

"Oo sige, mag breakfast ka ha? " Walang alam lutuin si Adam, mainit na tubig nga kinaiinipan niyan. About sa 'min? Inamin ko na sa sarili ko na special siya, pero wala kaming relasyon. We lived in his house, same bed ang tinutulugan namin kasi malaki naman.

Inihanda ko na nga ang isusuot niya at literal na ako ang nagpa-plantsa dahil ng ginawa niya 'yon nasunog ang damit niya at talagang nabadtrip siya. Paano naman kasi, pati maid mapababae, mapalalaki pinagseselosan niya. Kaya nga sabi ko 'wag na kami magsama ng kahit sino sa bahay. Ewan ko ba kay Adam at nagmana ata ng labis na selos ng mundo.

Adam made me feel special. Kahit naman marami akong ginagawa sa bahay wala naman ako halos ginagastos, bibihira kapag bumili ako nang kusa kasi most of the time siya ang gumagastos at ayaw niyang gumagastos ako. Marami tuloy akong naiipon. Ako, kailangan kasama ko siya pag may lakad ako outside school pero siya hindi ako isasama, dahilan niya puro basagulero ang mga kasama niya at baka-makapatay siya pag may tumitig sa 'kin sa mga disciples niya, totoo man o hindi ayoko ng sumama.

Ayoko nga nang nagseselos siya. Mahirap paliwanagan, mahirap kausap at higit sa lahat kapag nasa bahay asahan ng nasa kanya ang phone ko. Kaya nga sinasabi ko sa mga classmates ko, clubmates na pag may itetext i direct to the point na, or hintayin na lang ang bukas. Si Adam kasi, nagagalit pag may tumatawag at talagang sisigawan niya. Badboy!

Nagmadali ako, iniwan ko si Adam pero wala pa pala sila. Ang galing, pero naghintay naman ako siguro after thirty minutes bago may dumating na isa pa. Plaza ang tawag dito ng mga taga-dito sa loob ng school pero mas malapit siya sa soccer field.

"Sorry, I'm late!" Hinihingal na wika ng isang kadarating lang,she's Jessica.

"It's okay, " sabi ko sa kanya sabay ngiti kaya nangiti na rin siya.

" Gracias!" ( Thank you ) Naupo siya sa tabi ko. " Ellos van tarde, ( Late na sila ) maya-maya sabi niya.

"No podemos comenzar con los dos de nosotros" ( Hindi naman tayo p'wedeng magsimula ng tayong dalawa lang) natatawang sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya. Siguro after fifteen minutes may isa pang dumating at nakita ko pa si Adam na kapapasok lang at patungo agad sa field. Hindi niya 'ko napansin hmp! 

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon