SPIN 6
"ADAM?"
SPAIN
MADRID UNIVERSITY
Dito na magsisimula ang bagong buhay ko. Malayo sa Pilipinas, malayo kay Adam. Sana naman makalabas na siya kaagad, hindi ako makatulog kapag naiisip ko na nahihirapan siya sa loob sa kasalanang ako ang gumawa.
Unang linggo ko pa lang marami nang lumalapit sa 'kin, mga kaklase at nginingitian ko naman sila at kinakausap. Pero wala yung samahan na araw-araw ko silang kasama, hindi ako sanay, ayoko rin. Ayokong magtiwala kagaya ng tiwala ko kay Adam. Pero si Adam, tinatawagan ko araw-araw hindi ko na siya macontact. Two weeks past, gusto ko na agad bumalik ng Pilipinas pero baka narealize niya na nasayang ang oras niya sa kulungan sa kasalanan ko. Ayokong ma 'reject' sa kanya mismo.
Nakita ko ulit sila Claude, nakakatuwa dahil may kakilala na 'ko at iisa ang kursong kinukuha namin. BS Biology. Madalas siyang matulog pero nakakasama ko na siya minsan, I mean hindi lang siya dahil palagi niyang kasama si Takumi kahit na iba ang course nito. Nasa Dance Crew si Takumi, si Claude naman dahil lang sa requirements kasama siya sa Theater group kahit hindi siya active sobrang dami nang nagkakagusto sa kanya kahit pa ang sungit niya sa babae.
Kasama din ako sa Theater Club pero dahil nga masyadong dumami ang kabilang sa theatre club hinati siya. Si Claude nasa part siya ng sing and act, nasa sing and dance naman ako dahil mas mahirap kumanta at hindi ako confident. Siguro dahil bago ang mga tao, napakisamahan ko sila ng maayos at natuto na rin akong makipag-usap sa iba.
Madalas pa rin akong trip ni Claude pag talagang hindi siya matulog nilalapitan niya 'ko para kurutin. Nanggigigil daw siya sa 'kin araw-araw nga akong may pasa! Nakakasama ko sila minsan, pero si Claude kapag iba na pupuntahan nila sasabihin niya 'wag na 'ko sumama kasi bata pa raw ako, kaedad ko nga lang sila, buwan lang naman ata tanda nila sa 'kin!
After two monthsna nasa Spain ako nakilala ko na si Jaeson. Polsci ang kinukuha niya pero nakilala ko siya sa library.
" Mag-isa ka lang?" Tanong niya nang nagbabasa ako, advance study lang dahil wala naman akong gagawin sa dorm. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatayo siya sa harapan ko, matangkad, maganda ang pangangatawan at nakangiti parang mabait tignan.
" Madalas," ngumiti ako bago ko siya inalok na maupo.
" Salamat, puno kasi lagi dito, " aniya sabay upo sa tapat ko. May inilapag siyang libro na kulay itim at medyo luma na pero halata naman na maayos pa.
" Paano mo nalaman na nagsasalita ako ng tagalong?" Tanong ko sa kanya. Madalas kasi na hindi ako napagkakamalang Pilipino ng mga tulad ko, dahil sa English pa nila ako kinakausap.
" Narinig kitang may kausap sa phone last day, and you're speaking tagalog fluently kaya naman nilapitan na kita. Hindi naman ako bago dito, but it's nice to have someone to talk to using my native language," sabi niya kaya ngumiti ako. Ang confident niya magsalita, hindi mayabang pero parang pang pangulo ng paaralan haha. " By the way, Jaeson ... Jae na lang, " aniya na nilahad ang kamay na tinanggap ko naman.
" Blue, " matipid na pagpapakilala ko. Naiilang ako pag tinititigan ako kaya naman hindi ko na sinalubong ang tingin niya at tumingin na lang ako sa libro.
"Naiinitan ka ba?" Natatawang tanong niya maya-maya kaya pinunasan ko ang pawis ko sa noo. Malakas ang aircon, ewan ko kapag pakiramdam ko tinititigan ako at nararamdaman ko na pinag-aaralan niya ako na tila ginagalugad ang kaluluwa ko kinakabahan ako kaya pinagpapawisan ako tss!
BINABASA MO ANG
GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)
General FictionBlue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, para ipalit ang puso nito sa puso niyang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi niya 'to mapap...