Habang tumatagal natanggap ko na rin na wala kami ni Yuki. Pero may pagkakataon na nagkakaroon kami ng communication. At ang communication na 'to ang nagpabatid sa 'kin na magkasama sila ni Takumi. Three months ago ng huli kong makita si Takumi –namatay si Cassie na pinsan ni Claude at nagtungo siya sa ibang bansa –hindi niya ipinaalam kung saang bansa kaya naman wala kaming alam. Bakit niya inilihim na kasama niya si Yuki?
Sa tinagal rin, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kay Adam. Pero alam ko naman na natanggap ko na rin na kami ang magkasama –hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ko. Iyon na rin ang isa sa pumipigil bakit ako nagkakaganito, nahuhulog sa malalim na isipin.
"Dad, have you seen my charcoal pencil?" tanong ni Red sa 'kin. Sinipat ko siya ng tingin at he's wearing white short and white printed shirt. Pakiramdam ko nakita ko na talaga ang ganoong labi katulad ng sa kanya. "Dad?" untag niya sa 'kin.
"Ha? Oo, inilagay ko malapit sa lamp shade mo sa kuwarto," tumayo ako sa sofa at inakbayan ko siya para alalayan sa pagtaas.
"Hindi ba tayo lalabas dad? " tiningala niya 'ko at nakasimangot na agad siya kaya nangiti ako ang cute niya talaga.
" Sabihin mo sa papa mo, alam mo naman na kapag ako ang nagsasabi hindi tayo pinapayagan," sabi ko na lalo siyang nginitian. Ewan diyan kay Adam, babae o lalaki pinagseselosan niya. Mga bodyguards niya nga ilang beses niyang tinanggal kapag nakakausap ko. Kaya ngayon maraming iwas kahit tignan ako, seloso talaga siya to the point na pakiramdam ko siya na lang talaga ang gumagalit sa sarili niya.
Nagtungo kami sa kuwarto niya at doon ko na lang siya binantayan habang gumuguhit siya sa sketch pad niya. Pareho kaming nakasalampak sa carpet. Hindi nawawala sa isipin ko na kung sakaling lumaki-laki na si Red matatanggap pa rin kaya niya 'ko?
Hindi na rin ako ganoon kailap kay Adam. Nagtatawanan na rin kami pero madalas naman na pinipikon niya 'ko. Isa lang naman ang kulang sa 'min, 'yung sagutin ko ang mga sinasabi niyang pagmamahal niya sa 'kin. Hindi ko pa talaga maramdaman, at umaasa pa rin ako na maitama namin ang relasyon na 'to. Kahit alam ko naman sa sarili ko na may kurot sa 'kin sakaling maisipan niya nga na babae ang gustuhin. Pero iyon ang tama sa mata ng tao at maging sa mata ng Diyos. Siguro, dahil natuto na rin ako at dumanas na ng maraming sakit sa damdamin magmula sa kanya hanggang kay Yuki kaya natitiis ko na ang ganitong pakiramdam. Hindi na 'to bago sa 'kin katulad noong kami ni Adam na una pa lang nagkakilala, unang beses kong magmahal kaya naman bawat problema na kinakaharap namin dinaramdam ko noon. Ngayon, masasabi ko na kaya ko pa sakaling mawawala siya.
Hindi pa rin ako nakakalabas depende kung isasama niya 'ko sa GIANTS na noong una 'kong makita ay nabigla talaga 'ko –malaki siya at pagpasok pa lamang sa loob siguradong kakabahan ka na ng husto dahil pati-aircon makikisabay sa kabang nararamdaman mo. Maraming nagtatangkang pasukin ang GIANTS dahil malaki at mabilis ang pagkilala sa mga artista/singer/dancers na nagiging hawak ng mga ito. Pero hindi mga batikang artista/ mananayaw/ manganganta ang kinukuha ng GIANTS kundi mga baguhan.
Hindi namin ipinapakilala ang isa't isa ni Adam bilang mag-asawa. Sumangayon naman siya, hindi ko na iniisip kung ikinakahiya niya 'ko, ako naman ang nagdesisyon no'n. Umaasa pa rin ako na magkakahiwalay kaming dalawa at hindi na namin kailangang isali pa ang ibang tao sa relasyon namin. Sapat na illan na lang rin ang may-alam. Hindi ko nga rin siya kinokompronta kapag nakakabasa ako sa newspaper o kaya sa telebisyon na may girlfriend siya. Inilalagay ko sa isip ko na magkaibigan lang naman kami –p'wede niyang gawin ang gusto niya. Hindi na kami magkakabalikan tulad noon, malaki ang nagawa niya sa nakaraan at nawawalan pa rin ako ng gana sa kanya kapag naalala ko si Jae. Pumapasok pa rin sa isip ko na nagpapanggap lang si Adam na mabuti, kung tutuusin sa 'kin lang naman siya mabait talaga. Iba pa rin siya magalit na ilang beses kong nasaksihan sa pagiging mag-asawa namin.
BINABASA MO ANG
GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)
General FictionBlue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, para ipalit ang puso nito sa puso niyang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi niya 'to mapap...