SM 22: Stay or Leave?

1.8K 107 20
                                    


Sobrang nakakatuwa 'yung votes and comments! hihi thank you! <3

60 votes next chapter lovelove!



SHOTGUN MARRIAGE 22

" STAY OR LEAVE?"


" Mom, you may leave. I'll stay here for an hour, " ani Gabriel nang makita na tila tensiyon ang namamagitan sa panig ng ina at ni Blue. Alam niya ang tungkol sa kapatid niya, and Red confirmed it. " Ililipat mo pa siya hindi ba? Asikasuhin n'yo na 'yung paglilipat mom, dad, " dugtong ni Gabriel. Ang mga magulang niya wala namang alam sa industriya ng musika kahit mga artista hindi kilala. Ang binabasa lang sa diyaryo ng mga magulang niya ay tungkol sa business.

Si Blue naman nag-iwas ng tingin sa ina ni Adam. Masama ang tingin nito sa kanya pero hindi niya pinigilan si Red na hawakan siya at tila maging ito ay naguguluhan.

BLUE *

Nag-iwas ako ng tingin sa mga magulang ni Adam. Masama ang tingin ng ina niya, wari'y may kung anong laman ang isip. Si Red, tahimik lang siyang nakatingala sa 'kin. Hindi naman 'to nagsalita na marahil kahit paano nauunawaan ang sitwasyon. Noon pa man, sinabi na namin sa kanya ang kaibahan namin bilang mga magulang niya. Tumungo ako bilang pagbibigay galang, wala ring lumalabas na salita mula sa bibig ko kaya hindi ko na ipinilit.

Lumabas na muna ako kasama si Red at tinungo ko siya nang muling magsara ang pintuan. "Red, ang bilis mo naman lumaki," nangingilid ang luha ko ng hawakan ko siya sa magkabilang pisngi. Pumatak rin ang mga luha niya.

"Daddy!" niyakap niya 'ko kaya wala ring patid ang pagluha ko. Walang araw na 'di ko naiisip kung maayos ba siya, kung naalala pa ba niya 'ko? Kung yayakapin pa ba niya 'ko tulad noon? O' pangingilagan na dahil estranghero na 'ko para sa kanya. Pero ngayon, ngayon na yakap-yakap ko siya parang ayoko na siyang muling mahiwalay sa 'kin.

Akala ko maayos na 'ko, may makirot pa ring bahagi dahil alam ko na malaki ang parte ni Adam sa puso ko. 'Yung parte na 'yon hindi ko magawang tanggalin dahil hindi tulad noon, wala akong galit sa kanya. Tinanggap ko, pero ngayon na nasa malapit na naman siya, kakayanin ko pa ba?

Si Kai, gusto ko siya. Hindi ko alam kung pag-ibig ba 'to, ang alam ko masaya 'ko sa kanya at hindi ko rin siya gustong mawala sa 'kin. Pinasaya niya 'ko, siya ang naging gamot sa sakit na nararamdaman ko. Tinanggap ko na siya sa buhay ko, relasyon na lang ang wala kami pero nakapokus na ang puso ko sa kanya. Pero nagugulo na naman ako dahil ayoko man maramdaman, pero may kasiyahan akong naramdaman ng malaman ko na kasal pa rin kami. Pero napapawi rin ang sayang 'yon kapag naiisip ko na may Kai na sa buhay ko. Iba na ang sitwasyon.

"Balikan mo na kami, daddy. Hindi ba mahal na mahal mo naman si papa, sabi mo maghihintay ka sa kanya. Daddy, kailangan ka namin, p'wede pa naman maayos 'to 'di ba po?"

" Red, sa ngayon ang isipin muna natin 'yung maging maayos si papa mo. Sino bang nag-aalaga sa 'yo, si mama mo ba?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ng panyo ang luha niya. Pinigil ko pansamantala ang pagragasa ng emosyon ko.

Umiling siya. Ibig sabihin hindi. " Sinabi ko lang naman na gusto ko si mama dahil wala siyang pakialam sa 'kin, tapos iniwan mo kami dahil sa kanya, hindi ko naman 'yon sinasadyang sabihin kay papa, " muli siyang umiyak.

Parang ako 'yung nasaktan para kay Adam.

"Red, " hinawakan ko ang pisngi niya. Ayaw nang tumigil ng luha ko. " Hindi ba alam mo naman na ganoon si papa mo? Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na kahit hindi ka niya gaanong tinatanong sa mga gusto mo, inaalam niya 'yon sa 'kin? Kahit na hindi mo siya madalas makasama, mahal ka niya. Ikaw 'yung katuparan sa pangarap namin noon pa, kaya imposibleng wala siyang pakialam sa 'yo. May nagawa akong kasalanan kaya ako umalis, " pakiramdam ko tinakasan ko lahat dahil sa pag-alis ko. Kung alam ko lang na sa loob ng walong buwan ganito ang naging takbo ng buhay nila.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon