SM 20: 8MOS

1.6K 102 25
                                    


NEXT:

**

DECEMBER 29

" What are you doin' here? Hindi ka welcome dito, " madiing wika ni Yuki kay Adam. Humalukipkip siya at pinagtaasan ang kilay niya. Ito pala ang maka-doorbell akala mo may emergency na nagaganap.

" Where's Blue? "tanong ni Adam na nasa labas lang naman ng gate.

"Wow, hinahanap mo na? O' bakit may naiwan ka ba? O' may nabitbit siya? Wala 'yung dalang kahit na ano, " ani Yuki na bumabalik na naman ang galit kay Adam.

" Just tell me where he is! " galit na wika ni Adam. Wait lang, wala si Claude ngayon dahil kasama nito si Heaven na magpacheck up at sa labis na kalikutan ng anak nila ay nahulog sa hagdanan. Wala siyang back up!

" Ano ngang gusto mo at hinahanap mo?!"

" May sakit si Red –" anito sa pagsukong boses.

"O' hospital ba siya? Doctor ba siya? 'Di ba ikaw 'yun?" ani Yuki na nag-aalala kay Red pero iba talaga ang buwisit na nararamdaman niya kay Adam. Kahit pa ang guwapo nito at yummy na yummy * pero mas yummy ang asawa niya * wala siyang pakialam dito. Pero kapag nalaman ni Blue na hinahanap 'to ni Red o' may sakit si Red baka bumalik na naman 'to.

" I just need his fcking number!"

" Kapag naghihingalo ka na saka ko ibibigay sa 'yo!" malakas niyang sinara ang gate. Nakakainis talaga si Adam, pero sana walang masamang mangyari kay Red. Hindi pa rin tama na multuhin na naman ng demonyong Adam na 'yon si Blue.

**

JAPAN

Christmas, New Year, Valentines si Kai ang kasama ko. We doesn't have any relationship, no need to rush. Nasabi ko na rin na ikinasal na 'ko pero pinapirma na 'ko ng divorce ni Adam and maybe we are no longer married.

Pumunta kami ng Japan, second week of August. My family received another blessing from God, mom is pregnant, hindi na nila ineexpect 'yon pero dumating. Kinuwento ko na lahat sa kanila maliban sa sinaktan ako ni Adam, pinili ko rin ang mga salita ko dahil ayoko naman mag-isip si mommy.

" Birthday ni Red –" bulong ko sa sarili ko ng makadaan ako sa isang instrument shop. Tatanggapin naman kaya ni Adam? Baka magalit pa 'yon sa 'kin hmp.

Ipapadala ko na lang sa kanya para may option siya kung ibibigay niya o' itatapon. Bibigyan ko na lang siya ng card –hallmark card kagaya noon. Kamusta na kaya ang pamilya niya? Nakakamiss naman si Adam pero mas okay na rin naman ako ngayon. Palilipasin ko lang ang taon na 'to, kung may pagtingin pa rin sa 'kin si Kai at kung pareho talaga kami ng nararamdaman siguro bibigyan pagkakataon ko rin ang sarili ko.

Nagbuntis si Georgia – seven months na siya ngayon. Nasa lugar siya ngayon ng mga Aihara at balak ko rin siyang dalawin kaso nga naging abala si Kai kaya 'di ko na muna isiningit ang sarili ko. After three months na nag workshop siya, pinapirma na siya ng contract para sa isang movie. At siyempre masaya ako para sa kanya, gusto ata no'n maging action star. Hahahaha

C & C ang company niya, under Claude's and Calvin. Mabuti nga 'di niya naisip na makiisa sa GIANTS dahil 'di ko siya mapupuntahan do'n. Basta hanggang ngayon, hindi ko gustong makita si Adam dahil 'di ko alam paano ko siya babatiin.

Bumili ako ng electric guitar for my son – RED. Basta anak ko 'yon walang makakapigil sa 'kin. Then hallmark card for him... Hindi alam ni Kai ang itsura ni Adam, hindi naman niya rin gusto makita baka raw bangungutin siya, bad boy!

" Mama, nandiyan na si Kai?" tanong ko kay mama ng nakasakay na 'ko sa sasakyan namin. Kasama ko kasi 'yung driver ni Kai.

" Wala pa, pero kanina tumawag siya kung nakauwi ka na, kung kayong dalawa ang nag-uusap no?" si mama kaya nangiti ako. Ang tampuhin ni Kai, gusto ko siya rin maunang tumawag pero talagang tinitiis niya ko. Paano naman Adam ng Adam, tapos siya mapipikon sa sarili niya kapag sinasakyan ko ang pang-aasar niya –seloso. Pero ganito naman kami madalas pero hindi 'to magtatagal dahil 'di naman ako tinitiis no'n –ayokong isipin pero para siyang si Adam kaya siguro gusto ko rin siya? At ayoko ng ganitong damdamin, kaya ilang buwan pa bago ko magdesisyon tungkol sa relasyon na gusto niya. Pero wala man kaming relasyon, parang ganoon na rin dahil may mga rules siya, tutuktukan ko minsan 'yon.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon