STILL 3
" SOMETHING?"
"Jae," hindi ko alam kung bakit nagi-guilty ako. I'm in his house, nasa labas si Adam.
" Together again?" napailing siya, mukha rin siyang disappointed sa 'kin. Nasa kitchen kami, abala siya sa pag lilinis ng espresso machine niya. Pinupunasan niyang mabuti ng blue fiber cloth ang steaming wand to steaming nozzle ng machine niya. "May magagawa ba 'ko? Next time, magpaalam ka naman para hindi kita hinahanap, alam ko, hindi naman ako importante sa 'yo, atleast, bilang kaybigan mo, isipin mo na nag-aalala rin ako," hinarap niya 'ko at napatungo lang ako. " I'm always here for you," tinapik niya 'ko sa balikat at nakita ko sa mga mata niya ang pag guhit nang sakit. Hanggang sa lumabas ako at sumakay sa sasakyan ni Adam, tinignan ko siya pero hindi niya 'ko tinignan kaya dumiretso na lang ako nang tingin.
" You're mine," hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nangiti ako, akala mo palagi na lang talagang may aagaw sa 'kin. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa palad ko. Kahit ang pabango nang sasakyan, nasapawan nang pabango niya, his scent na sa kanya ko lang naamoy.
PHILIPPINES
Sa hotel kami tumuloy ni Adam. Kinabukasan, 6:00 am nagkita-kita kami sa isang mall. Kasama ko sila Claude, bale 10 lang kaming nandito dahil may nauna na, isa na si Jae doon dahil mas nauna siyang umuwi ng Pilipinas. Parang iniiwasan naman talaga niya 'ko, at alam ko rin na hindi good mood si Adam para sa pagsama naming dito, atleast he's trying.
"Jeep?" sabay-sabay na tanong nila sa sinabi ni Yvo, nangiti lang ako. Kahit naman anong sakyan, wala naman akong pakialam. Pero nang tignan ko si Adam, talagang nakita ko ang pagkainis sa kanya kaya kinalabit ko siya. 'Yung simangot niyang mukha nang tumingin sa 'kin ngiting-ngiti na.
"Siguro, bumili na lang muna tayo nang snacks, and anything nice, 'yung iba naman mauna na. Nandiyan na 'yung jeep natin, kailangan maiba naman ang sinasakyan natin. Isa pa, mas maganda ang road trip sa jeep, believe me," kumbinsi pa ni Yvo kaya ngumiti lang ako.
"Ako na lang, mauna ka na, " ani Adam kaya tumango ako. Nag-alisan na silang lahat kaya sumunod na lang ako. Wala naman akong dala maliban sa backpack, nandoon ang pulbos ko, kailangan ko 'yon kapag mainit, sabi nga ni Adam mag mo-model na 'ko nang pulbos ng Johnson White dahil hindi 'yon nawawala sa grocery item namin at isa 'yon sa pinakamabilis maubos dahil pinapaligo ko sa katawan ko 'yon.
"Takumi!" sigaw nang isang babae, tinignan lang naman ni Takumi na hinahabol si Claude at wala siyang pakialam. Ako naman napatingin dahil hindi siya pinapansin nang mga lalaki, na nakakapagtaka, she's pretty. Mukha nga siyang artista. 'Yung heels niya, parang kapag inihampas niya sa ulo mo, mabubutas talaga sa tulis. Patungo rin siya sa jeep at nakita ko ang pag ngiwi niya.
" 'Wag ka nang sumama, tumuloy ka na do'n!" ani Takumi doon sa babaeng nilapitan na nito. Nasa labas lang ako dahil nasa labas lang din naman sila. Tinitignan ko 'yung buong one piece crew na disenyo ng jeep, nag picture nga ako doon.
"I wanna be with you! Kahit diyan sa sasakyan na 'yan na walang aircon!" sagot nang babae, nakakatuwa, bagay sila.
"Vanessa, ang kulit-kulit mo!" galit na sigaw dito ni Takumi, hindi nga nakikialam 'yung iba, tingin ko kilala na naman nila 'tong babae. Imposible na hindi sila magpakitang gilas dito. Tinext ko na lang si Adam, ang tagal naman no'n mamaya hinihipuan na 'yon ng mga tao sa department store.
BINABASA MO ANG
GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)
General FictionBlue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, para ipalit ang puso nito sa puso niyang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi niya 'to mapap...