SM 5: Why?

2.5K 119 21
                                    

50 votes next chapter!

SM

CHAPTER 5

WHY?



BLUE

Kung aalalahanin ko ang unang gabi namin na dalawang linggo na ang nakalilipas, parang ayoko na siyang makita noong unang linggo. Pakiramdam ko nawasak ako –literal. Akala ko ikamamatay ko 'yon, p'wede ko na bang tawaging hazing 'yon? Masakit talaga. Hindi man lang siya nakaramdam ng awa. Hanggang ngayon hindi pa rin 'yon nauulit at sana hindi na talaga. Nagkasakit ako sa ginawa niya, hindi pa ba siya makokonsensiya no'n?

Isang linggo bago ako nakalabas ng kuwarto. Tapos makikita ko pang ngingiti-ngiti siya? Gusto ko ring wasakin ang mukha niya. Akala ba niya natutuwa akong makita siya? Kung makayakap rin akala mo close kami, feeling lang naman siya.

Sa loob nang dalawang linggo ilang beses din kaming nagpalit ng kasambahay. Hindi ko alam kung anong "trip" ang mayroon siya. Kahit nga 'yung Adamons niya pinapalitan niya. Kaunti na nga lang talaga ako na rin ang maglilinis ng Mall na bahay niya.

Nakikita ko rin na hindi close si Adam sa anak niya. Siguro iniisip ko lang 'yon. Parang wala man lang siyang sweetness sa katawan niya. Hindi rin ako nakakagamit ng cellphone kapag nandito siya kaya madalas na hindi na kami nakakapag-usap ni Yuki. Iniiwasan ko na mag-away kami –ayoko lang siyang kaaway dahil bayolente siya noon pa. Hindi lang ako kikibo na ikakainis niya; sa lahat ng ugali ko 'yon ang ayaw niya ang hindi ako magsasalita.

"Di, I'm done!" biglang sigaw ni Red kaya naputol na naman ang pagkatulala ko. Nangiti naman ako sa ginawa niyang design ng cookies niya. Kamukha ng tatay niya medyo creepy.

" Very Good! May kamukha 'yan," nangingiting sabi ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa katawan niya dahil baka mahulog siya at nakatungtong siya sa high stool na tilang tuwang-tuwa sa nagawa niyang itsura ng cookies niya na kasing monster ng tatay niya.

Tinignan niya 'ko nang nagtatanong.

" Kamukha ng papa mo," bulong ko, ewan ko kung narinig niya dahil bigla siyang tumawa.

"Mukhang nakakarecover ka na, magaling ka ng magbiro,"

Nawala 'yung ngiti ko nang marinig ko ang boses ni Adam. Ano naman kung narinig niya? Kamukha naman talaga niya.

"Hindi pa, hindi na 'ko makakarecover, " nilakipan ko ng sarkasmo lalo na nang pagsulyap ko sa kanya nakangisi pa siya. Lalo lang akong napikon sa itsura niya na akala mo model ng kumedor kung makapose.

Si Red nakangiti lang na kinakagat 'yung kamukha ng papa niya. Ito naman ang gusto ko sa batang 'to hindi alam ang nangyayari sa paligid niya. Ilang beses ko na rin hindi matiis na 'di sarkasmo ang isagot kay Adam kapag nasa harapan ni Red kaso nagagawa ko pa rin. Tumataas ang dugo ko kapag nasa paligid ko siya.


**

"Blue,"

Ipinikit ko nang mariin ang mata ko. May naririnig akong demonyong nagsasalita malapit sa tenga ko. Nagagambala ako nang mainit na paghinga niya malapit sa tainga ko. Mas lalo lang bumigat ang paghinga ko ng hapitin niya ang nakatagilid at nakatalikod kong katawan patungo sa katawan niya.

" I'm glad that you're here with me," bulong niya. Marahan akong nagmulat pero hindi ko siya nilingon. Alam ko naman at siguro nga totoong mahal pa niya 'ko. Pero hindi na talaga mapaghihilom ng pagmamahal niya ang naganap noon. Isa pa, hanggang ngayon si Yuki pa rin ang mahal ko.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon