Lubos akong nagpapasalamat na tumaas na naman ng 51 ang votes nito! Yieee! <3 Sana magpatuloy pa hanggang sa matapos 'to. Thank youuuu! :)
SHOTGUN MARRIAGE
CHAPTER 8
CAPTION
ADAM
It's been a year, tiniis ko si Yuki na pagitnaan kami kahit parang mababaliw na ang pakiramdam ko sa araw-araw. Iniisip ko na lang na hindi naman sila nagkikita para matagalan ko pa ang presensiya ng babaeng 'yon sa relasyon namin. But still it hurts the hell out of me.
There's a chance na maayos naman kaming dalawa pero kapag hindi napa-paranoid ako. Pakiramdam ko pinagtataksilan niya ko –baka lumalabas naman talaga siya at may isa sa mga taga-bantay ko sa kanila ang kakampi niya. Kaya may pagkakataon na pinapanood ko sa loob ng buong araw lahat ng record ng CCTV. Mawawala rin ang pangambang 'yon kapag nakikita ko naman siya sa buong lugar na naroon lang.
I don't know how to explain my love for him, this love made me insane. Alam ko na kinukulong ko siya sa bahay namin, ito lang 'yung paraan para hindi siya mawala sa 'kin. Paano kung tumakas siya? Hindi na magpakita sa 'kin? Ibang-iba na siya sa dati, mas matigas na ang ulo niya at mahilig na rn siyang makipaglaban ng sagutan sa 'kin na minsan ako talaga ang unang napipikon. Pero kahit anong away naming dalawa, naghahanda pa rin siya ng almusal ko, at hindi nga niya 'ko inaaway kung nasa paligid si Red. Siya lang ang tanging ginusto ni Red –hindi naman tanga 'yung anak ko para 'di malaman na pareho kaming lalaki ni Blue. Bago ko kunin si Blue, kilala na siya ni Red dahil puro pictures namin ang nakikita niya noon. Sinabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa magiging relasyon namin ni Blue at wala naman siyang ibang naging reaksyon kundi ang matuwa.
Kapag nakikita ko si Blue na maayos, masigla nagiging masaya 'ko. Once in my life, I thought I was losing him at handa na rin akong magpakamatay para di ko na maramdaman 'yung sakit na wala siya. Sa bawat araw na nakikita ko siyang nanghihina at dumadaing sa sakit at pinaaalis niya 'ko para tawagin ko ang tita niya dahil 'di niya gustong naroon ako kapag nahihirapan siya. Alam ko na gusto niya lang na 'di ko maalala pagdating na wala na siya ang mga naging paghihirap niya noon.
Nang malaman ko ang tungkol sa pagtungo ni Lyndon –kakambal ni Jae, parang inatake ako ng depression. Ipapaalala ba ng mukha niya ang nakaraang tinatakasan ko? Lumabas ako para mag long drive, kailangan kong magnilay. Lyndon, is a part of our group, he suggested himself. Such a long story to be told.
Nagtext si Blue nang pauwi na 'ko kaya naman nawla rin bigla lahat ng pangamba ko. Nangangamba ako na hindi magtuloy ang maayos na pakikitungo ni Blue sa 'kin oras na bumalik na naman ang mga alaala ni Jae.
Hindi ko naman siya pinatay. He was shot by someone else that night, pero ako ang iniligtas niya. Bago siya bawian ng buhay ako ang kasama niya at sinabi niya na akuin ko ang kasalanan ng pagpatay sa kanya. Fck! Kapalit ng puso niya inako ko ang pagkamatay niya. Sinabi niya na Blue deserve someone else na mabibigyan 'to ng pamilya at babae ang tinutukoy niya. I am not right for Blue, hindi ang tulad ko ang para sa kanya iyon ang sabi niya. Ginawa kong akuin 'yon, pero ang ibigay si Blue sa iba, sinubukan ko naman. Pero hindi ko kinaya, he's my everything. Siya ang pinagmulan ng mga pangarap ko, sa kanya ko nakatagpo ng direksyon. At 'yung nangyari noon,mananatiling lihim ko. Kung iyon ang gusto ni Jae, I remain criminal by what happened seven years ago. Umabot pa siya sa hospital, I don't know if his parents already know na hindi ako ang bumaril sa kanya –hindi ako nakatanggap na kahit na anong kaso mula sa pamilya niya. Pero lumabas na pinaandar ng pamilya ko ang koneksyon para mapanatili akong walang sala, which is not true dahil pilit kong itinago sa pamilya ko ang relasyon namin ni Blue. Hangga't 'di ko pa sila kayang pantayan, hindi ko isasapalaran ang buhay ni Blue.
BINABASA MO ANG
GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)
General FictionBlue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, para ipalit ang puso nito sa puso niyang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi niya 'to mapap...