SM 3
" WEDDING "
Mahal ko si Yuki pero hindi ako ang kailangan niya. Handa naman akong akuin ang anak niya pero hindi ko deserve 'yon sabi niya. Hindi pa rin ako ang kailangan niya. She said, she loves me too. Pero hindi siya at kami ang para sa isa't isa. Naniniwala ako na minahal niya 'ko, hindi lang katulad ng kay Claude. Sabi nga, kaya mo naman magmahal ng sabay hindi lang magkasing-timbang.
Masakit na masakit ang pakiramdam ko –Yuki means a lot to me. I wanna spend the rest of my life with her. I wanna see her smile everytime. Hindi ko akalain na gugustuhin ko siya nang ganito. Hindi ko naman alam na mamahalin ko siya ng sobra. Pinaasa lang ako ng pag-asa 'ko, dahil binawi rin siya sa 'kin dahil may nabuo na sila ni Claude.
My whole world shattered into pieces. It hurts –sobra. Pakiramdam ko nanghihina ako, ayoko ng magising kinabukasan at magpanggap na ayos lang ako. Ayokong maapektuhan sila sa nararamdaman ko dahil magkakaibigan kami. Pero hindi ko rin naman pala kakayanin dahil sinabi ko rin kay Ruki.
Again, I cried so hard infront of him. Like my old self, sa kanya rin ako nagsabi noon dahil 'di siya nagsasalita gaano. Dahil alam niya na hindi ko kailangan ng payo, kailangan ko lang ng kasama.
Hindi ko gustong maapektuhan si Yuki kaya nagpakita lang ako ng mga ngiti sa kanya. Mahirap magpanggap na maayos ako, kahit gustong-gusto ko siyang piliting manatili sa tabi ko. Pero ayokong mahirapan siya, ayoko na marami pa siyang isipin lalo pa't nagdadalang-tao siya. Kinakaya ko na lang. Hanggang dumating si Adam.
Sabi niya, kanya ako at siya lang ang nagmamay-ari sa 'kin. Si Yuki ang unang nakapagbukas sa kanya at isinasama na niya 'ko. Pagbalik niya kailangan ko ng sumama kundi may binabalak siyang masama kay Yuki. Adam is my walking nightmare. Siguro iyon ang mabuti, ang malayo ako kay Yuki lalo pa't pupunta na rin siya sa ibang bansa at doon na isisilang ang mga anak nila ni Claude.
Sumama ako kay Adam at sa sasakyan hindi ako kumikibo. Iba na ang cologne niya at naaamoy ko lang hindi ko inoobserbahan siya. Ibang-iba na rin ang aura niya, mukha nang may pinatunguhan ang basag-ulo niyang buhay noon. Iyon lang mas masama na siya ngayon.
"Saan mo ba 'ko dadalhin?" tanong ko sa kanya pero 'di ko siya nililingon at nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan.
" In our house," sabi niya kaya nilingon ko na siya. Magkadikit lang ang kilay niya magdrive. Pinilit niya lang naman ako sumama sa kanya.
"Why do you need to hurt me this way?" sabi niya kaya 'yung dapat lilingon ako sa bintana uli ay nabaling sa kanya. Kumabog ang dibdib ko, he sounded so hurt. " You know how much I love you, lumayo ako sa 'yo para mawala ang trauma mo sa 'kin pero ilang babae ang dumaan sa 'yo at pareho ka nilang nasaktan!" pagalit niyang wika sabay hampas sa manibela kaya napatungo lang ako.
" Hindi tayo p'wede, na confused lang tayo noon. Siguro hindi lang dumarating 'yung para sa 'yo kaya akala mo ako pa rin, kasi ako –" nabitin ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.
" 'Wag mo na ituloy," matigas na wika niya. " After three days, we will marry," dugtong niya kaya nagulat ako.
" Seryoso ka ba?" kung noon baka natuwa ako pero ngayon hindi. Si Yuki ang mahal ko, at hindi ko na matanggap na siya ang magiging asawa ko. Gusto ko na nang maayos na buhay at iyong hinihintay ng magulang ka na bubuo ako ng sarili kong pamilya. " Adam, I don't love you no more," tahasan kong wika sa mababang tono. Pero hindi siya kumibo.
BINABASA MO ANG
GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)
General FictionBlue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, para ipalit ang puso nito sa puso niyang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi niya 'to mapap...