SHOTGUN MARRIAGE
CHAPTER 13
ADAM
" Sinabi niya nang mahal ka niya? Tangina, binitin mo patiwarik no?" ang gagong Jude na 'to palaging kontra.
" Bakit kaya hindi ka na lang humanap ng babaeng pagtutuunan mo ng pansin kesa lahat kinokontra mo?" si Nick na abala sa pagbabalat ng mansanas. Nandito na naman sila sa office room ko at nakikipagkuwentuhan na akala mo palaging chill lang ang buhay sa kompanya.
" Bakit 'di mo gawin? Kesa palagi kang nakadikit kay Micheal? " balik tanong ni Jude kay Nick na tumingin naman ng matiim pabalik kay Jude.
"I'm busy with GIANTS as well as my other business in Greece, so why will I waste my time to fuck around?" sabi pa ni Nick na halatang naiinis na.
" Good morning, "
Sabay-sabay kaming napatingin kay Lyndon, he's a good friend. We never talkED about what happened in the past, so it's good to have him around.
" Anong problema naman sa 'yo? Bakit mukhang 'di ka natulog? Adik ka na rin?" si Jude na ang unang nagtanong.
" May pinanood lang ako, by the way I'll be going back to Switzerland this coming weekend and be back next month –second week," aniya na naupo sa sofa na kinauupuan ko.
" Why?" tanong ni Micheal na ginagawa ng rabbit ang mansanas. Pinaghihirapan niya talaga ang pagka-cut pero kakainin din naman niya kaagad, kaya bakit kailangan pang pagurin ang sarili niya?
" May bibilhin akong property, pero titignan ko muna ng personal bago ko bilhin," nakangiting wika ni Lyndon na saglit akong nilingon. Tinanguan ko lang siya at kay Jude na 'ko napatingin dahil panay ang pindot niya ng cellphone niya. Parang kanina pa siya aburido sa buhay niya at pinipilit lang makisabay sa usapan.
"Batiin mo muna si Adam, finally sinabi na ni Blue uli na mahal siya. Kaya mamaya manonood tayo ng mga stripper sa club at magpa-party," ani Jude na ibinaba ang cellphone niya.
"Gago, hindi ako pupunta do'n, " dinampot ko ang newspaper at nagbasa-basa pero walang pumapasok sa isip ko dahil patuloy sila sa pagsasalita. Bwisit na.
" Really?" si Lyndon na nagpalingon sa 'kin sa kanya. Am I being too sensitive? Pero bakit parang sarkastiko siya sa salitang 'yon. Bahala nga sila, basta masaya ako dahil sasama si Blue sa 'kin sa Greece. " I'm going to my office, " tumayo na si Lyndon at nakangiting umalis ng kuwarto.
" Aalis na rin ako," paalam ni Jude na dinampot ang cellphone niya.
" Saan ka pupunta? " pahabol na tanong ni Micheal kaya napahinto si Jude.
" Magpaparaos, masyadong mayaman sa aircon dito ginaw na ginaw na 'ko, " aniya na ngumisi at kumindat pa ang loko bago nagmamadaling umalis.
" Masasabi ko na s'werte ang babaeng mamahalin niya, kung aalalahanin natin si Anna talagang ibinigay niya lahat. Kahit gaano siya kagago ginawa niya lahat para mapasaya si Anna, kahit nga noong naging si Anna at Xander hindi siya gumawa ng eksena kahit inamin niya sa 'tin na talagang mahal na mahal niya si Anna. That bitch, siya ang sumira noon kay Jude at ngayon na maayos na si Jude I think it's time for you, Adam na sabihin na sa kanya ang totoo. Kung sino ang mommy ni Red," ani Nick na nagpabalisa sa 'kin.
" No, hindi pa oras para malaman ni Jude na si Anna ang mommy ni Red, " masamang tingin ang pinukol sa 'kin ni Micheal.
" Sila lang ni Xander ang 'di nakakaalam, and it's really unfair na ilang taon na nating tinatago sa kanila ang tungkol kay Anna, " minsan lang 'di sumangayon si Nick kay Micheal.
BINABASA MO ANG
GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)
General FictionBlue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, para ipalit ang puso nito sa puso niyang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi niya 'to mapap...