Closing Chapter

3.4K 100 13
                                    


" Ano?! Hibang ka ba?!" iyon agad ang reaksiyon ng mama ni Adam nang sabihin ni Adam ang tungkol sa 'min, hawak niya lang ang kamay ko sa ilalim ng mahabang mesa. Hindi ako makapagsalita dahil nakakatakot talaga 'yung mama niya, parang kakainin ako ng buhay, nandidilat pa 'yung mata. Mabuti na lang at napapayag ko si Adam na 'wag muna isama si Red.

Wala namang reaksiyon ang mga taong naninilbihan sa 'min na higit lima ang bilang. Para silang mga mannequin na ang gawain lang ay maglagay ng mga kinakailangan sa mesa, at pag-aasikaso sa 'min. Sa dalawang kapatid ni Adam ang isa ay tila wala lang pakialam sa narinig at patuloy sa pagkain ng marahan, ang bunso nilang si Gabriel. Habang ang ama't ina ni Adam ay tila naman anumang oras ay bubuga ng apoy.

" Pareho kayong –"

"Lalaki, alam namin 'yon hindi na kailangang ulit-ulitin pa," matigas ang ekspresyon ni Adam, tila anumang oras ay may matinding sagutang magaganap. Ginagap ko ang palad ni Adam at marahang pinisil, nangako siya sa 'kin na 'di siya magtataas gaano ng boses " Gaano " pero nag-uumpisa pa lang tila tumataas na agad ang presyon niya.

" Kung malalaman 'to ng mga kakilala natin, nakakahiya ka!" galit na sigaw ng mama ni Adam, nakatungo lang ako, hindi ko alam anong sasabihin ko.

" Huminahon nga kayo," ang lolo ni Adam 'yon na nagpaangat sa 'kin, mahinahon siyang magsalita, napatigil rin ang lahat maging ang pagkain ni Gabriel para itutok ang atensiyon sa matanda.

" Nagpunta lang kami para magpaalam, pero hindi kasama sa pagpunta namin dito ang magpahimasok ako sa buhay namin. Sinasabi ko lang habang maaga para hindi na kayo mabigla sa public announcement namin, about sa relasyon namin," si Adam na nagtatagis na ang bagang. Wala bang water break muna? Nate-tense na 'ko, gusto kong uminom ng tubig pero baka 'di ako makainom ng ayos kapag tinignan nila 'ko.

"Adam, it's been a year simula ng umuwi ka rito, and you're telling this family, about your relationship with that boy? Tingin mo ba matatanggap namin agad 'yon?!" ang papa ni Adam.

"Sinabing magsitigil kayo! Nasa harapan pa man din kayo ng hapagkainan!" ang lolo ni Adam na tila nalagot na ang pagtitimpi.

" It's his choice, let him, " bulong ni Uriel sa lolo ni Adam pero sinamaan 'to nang tingin ng mommy nito kaya nangiti lang 'to at napailing.

" Hindi tama 'to, kailangan maghiwalay kayo! Por Dios, por santo!" ang ina na naman ni Adam, kaunti na lang para na siyang sasaniban.

" Itong si Adam wala talaga sa wisyo, siguro alam mo naman ang tama sa mali hindi ba?" baling sa 'kin ng papa ni Adam kaya tumango ako. Alam ko naman, nanlisik ang mata ni Adam sa 'kin.

"Pero hindi ko siya hihiwalayan ho, mahal ko si Adam at pasensiya na kung 'di n'yo ko matanggap," wika ko. Totoo 'yon, hindi ko na isusuko si Adam, kinakabahan ako at 'di ako sanay sa puro sigawan kaya natutuliro ako. Pero mahal ko si Adam, aalis na kami, magiging bukas na ang relasyon namin at higit sa lahat gusto na namin simulan ng maayos ang relasyon namin.

" Aalis na kami," si Adam na tumayo na. " I don't care whatever your reaction might be, hindi ko kailangan ng pamana n'yo I have my own wealth. Lolo wants me to be here, at sabihin ang relasyon namin ni Blue. Ngayon na alam n'yo na, hindi nangangahulugan 'yon na tatanggapin ko ang suhestiyon n'yo. We are on the same gender, we both know that, no need to shout those words. Judgment? For petesake, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba! Nagmamahalan kami, gusto naming mag-asawa, magkapamilya at hindi na namin problema kung ano ang tingin n'yo sa 'min, nasa mapanghusgang mata n'yo na 'yon, hindi kami maghihiwalayan, magkakamatayan kapag nasaktan siya." may babala sa boses ni Adam.

"Adam!"

"Adam!"

Hindi na pinansin ni Adam ang tawag ng magulang niya at pareho na kaming lumabas, hawak niya ang kamay ko, mabilis din ang lakad ko dahil nagmamadali nga siya. Alam ko naman na 'di magiging madali, lalo na ang ipatanggap 'to pero natutuwa ako –natutuwa ako na mahal ako ni Adam nang ganito, mas gusto niya pang makasama ko kesa isipin ang maaaring maging puna ng iba sa kanya. Ganoon din ako, mahal ko si Adam at ayoko ng magpaapekto, gusto kong sumama at umalis kasama sila para naman makakuha na kami ng maayos na buhay. Ipinapangako ko na rin sa sarili ko na hinding-hindi na 'ko susuko, sinakripisyo ko na ang pagiging ama ko para sa kanila. Wala naman akong ibang pagpipilian, hindi ko rin maaaring kunin ang bata dahil hindi ko naman ideya na maging donor ako, nakakalungkot na hindi ko siya masisilayan. Pero ito na ang pinili ko, maaring pulaan ako ng iba, pero si Adam ang pinili ko. Sa kanya ko mas magiging masaya, at naniniwala naman ako na makikita ko rin ang anak ko. Time wound heal, hindi ba?

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon