* Thank you for voting! Every 50+ votes ako mag update.EXO CHANYEOL -- ALL OF ME
STAY AWAY FROM MY FRIENDS -- PIERCE THE VEIL
* Mga kantang ginamit! ^_^
SHOTGUN MARRIAGE
TODAY
" Kakanta ka pa rin ba talaga bukas?" tanong ni Claude kay Blue nang nasa Gazebo silang dalawa. It's been two weeks, simula ng i-announce ng C & C na kasama 'to sa solo performer para sa Anniversary niyon. Dahil wala si Takumi at Ruki kaya magiging solo silang dalawa, and it doesn't matter they will be forever united as one –GZ. Isa pa, baka sa araw na 'yon bumalik rin ang dalawa.
" Oo naman, saka 'ko aalis, " nginitian ni Blue si Claude na parang wala lang. Kahit na halata pa rin sa mga mata nito ang kalungkutan, ilang araw na rin simula ng magkulong 'to sa kuwarto at magdesisyon ng lumabas. " May mga umaasa rin na darating ako do'n, " iyon na lang rin ang iniisip niya pati ang mga huling mensahe ng kanta niya para kay Adam.
" Kinaya mo noon, kakayanin mo pa rin ngayon, " ani Claude. Kung sa pagpapayo hindi talaga 'to maaasahan, sa totoo lang mas marami pang kayang sabihin si Takumi dito kaya bibihira talaga na magpayo 'to kaya nginitian 'to ni Blue.
" Kakayanin.. "
" Sa panahon na kinaya mo, 'wag mo na siyang babalikan pa baka kasi ako na 'yung pumatay sa 'yo ng tuluyan, " nangingiting sabi ni Claude kaya natawa si Blue.
" Kakayanin ko ring 'di siya balikan sa panahon na 'yon, kung darating pa ang panahon na malilimot ko siya, " ani Blue na nasa malayo na ang tingin. Kasing dilim man ng gabi ang mundo niya ngayon, tulad ng maliliit na bituin, kahit paano may mga tao pa rin na nagbibigay pag-asa sa kanya.
" At siya lang ang nagpagalit kay Yuki nang sobra-sobra, "
Natawa sila pareho. Totoo naman na si Yuki ang galit na galit kay Adam.
" Adam, nasaktan si Jude hayaan na lang muna natin siya, " ani Nick sa 'kin, tumango lang ako. Pinipilit kong maging matigas sa mga panahon na 'to. Ganito naman talaga 'ko, natatabunan lang ang ugali ko kapag masaya ko lalo kapag nasa piling ko si Blue. Pero wala na siya at hindi ko na siguro nanaising bumalik siya. Everything reached it's limitation, hindi ko na kayang isipin pang magiging maayos kami. Palaging paghihinala na sa damdamin niya para sa 'kin ang pumapasok sa isipan ko.
" Kamusta si Red?" tanong ni Micheal sa 'kin habang nasa glass wall siya at tinatanaw ang buong metro kung naaabot man ng paningin niya, dala niya ang tsa'a niya na siyang hilig niya.
"He's doing good, " sagot ko. Kumpara noong nasa bahay pa si Blue at itinatago ko lang sa 10th floor, mas hinahanap pa niya 'to. Ngayon hindi na niya hinahanap si Blue at mas lalong hindi kami nagkakausap, hindi ko alam kung ano bang dapat kong itanong sa kanya, hanggang simple lang at kung sumagot rin naman siya, kung ano lang ang tanong ko, wala ng iba pa.
" Hindi niya hinahanap si Blue?" tanong naman ni Nick na nasa couch habang nasa desk naman ako at pinipilit ignorahin ang paulit-ulit nilang pagbanggit sa pangalan ni Blue na tila patalim sa 'king pandinig na kung maaari sabihin ko sa kanilang 'wag na nilang banggitin. Pero ayokong isipin nila na apektado ako.
" Hindi,"
" Lalaking katulad mo si Red, pinalalaki mo rin siya katulad ng pamilyang kinagisnan mo," ani Micheal kaya natigilan ako sa pagbabasa ng papeles. " Kung papipiliin 'yung anak mo kung sino ang gusto niyang samahan, tingin mo pipiliin ka niya?" tinignan niya 'ko at ramdam ko 'yon pero hindi ako nagbalik ng tingin. Kung tatanungin ko siya, ako ba ang pipiliin niya?
BINABASA MO ANG
GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)
General FictionBlue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, para ipalit ang puso nito sa puso niyang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi niya 'to mapap...