STILL 5: Missing You

2.3K 137 20
                                    


Dedicated to Blu Maxine! :) Hahaha. O' diba? Kasi masyado na po siyang nababaliw kay Adam at Blue. Pinaglalaban niya ang forever ng dalawa! Hahaha



STILL 5: MISSING YOU!



"My, I'm okay," nginitian ko si mama nang puntahan niya 'ko sa isang hotel kung saan ako pansamantalang nagpapahinga. Hindi ko gusto sa hospital, kaya naman dito ko pinapunta si my. Wala si Adam dahil alam niyang darating si mama sa oras na 'to.

" Hinihintay ka na ni Daddy mo sa Japan, halika na doon ha? Pansamantala, doon ka na muna sa 'tin, kailangan mong mag-ingat. " Puno nang pag-aalalang hinaplos ni mama ang buhok ko at niyakap ako. Napansin ko lang na umiiyak siya kaya natahimik ako. Hindi ko rin naman siya makontra. Nakakalungkot na kailangan ko nang iwanan si Adam.

"My, am I dying?" tanong ko sa kanya nang ayusin niya ang kumot ko nang makahiga ako sa kama. Bakit sobrang kalungkutan ang nararamdaman ko ngayon? Bakit iba 'to noon? Paano si Adam? Pakiramdam ko hirap na hirap siyang tanggapin na may sakit ako sa puso. Hindi siya makatulog, paikot-ikot siya at panay ang sigarilyo sa sala. Pakiramdam ko stressed siya sa nalaman niya. Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi naman daw siguro 'to ganoon kalala, sinasabi ko na hindi. Pero ang totoo, kailangan ko na nang Heart transplant. Noon siguro kinaya pang hindi –pero iba na ngayon. Matagal ko na rin naman nararamdaman na naninikip ang dibdib ko, nagng trigger lang ang espresso para malaman nila na may sakit ako. At ngayon na marami nang nakakaalam nakakadama ako nang panghihina. 'Yung damang-dama ko na ngayon 'yung bawat pagkirot nang puso ko. Pinipilit ko lang ngitian si Adam kapag nakikita kong nahihirapan siya, it's been three days simula ng mangyari 'yong insidente.

" No, you're not, baby. My and Dy will do everything to find you a proper donor, okay?" sabi ni mommy pero pumapatak 'yung luha niya at alam ko na pinipigil niya lang humagulgol kaa nginitian ko siya.

"Kahit makahanap ka nang donor, 'di ba hindi naman sure kung tatanggapin ng katawan ko 'yon?" nangingilid na 'yung luha ko. Hindi ko mailabas ang mga luhang 'to noong kasama ko si Adam. Ayoko siyang mag-alala, sila mommy, sanay na sila na may ganito akong karamdaman. Pero si Adam, hindi – ngayon pa nga lang nahihirapan na siyang tanggapin na sa lahat nang tao sa mundo isa ako sa may sakit sa puso.

" Don't say that. Makakahanap tayo, kaya nga nandito kami 'di ba? Baby, 'wag kang susuko. Nag-iisa ka naming anak," hindi na rin napigilan ni mommy na umiyak. Tahimik lang akong lumuha habang nakatungo siya sa palad kong hawak niya habang umiiyak siya. Iinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Aasa ba 'ko na makakaligtas ako? Aasa ba 'ko na p'wede ko pang malampasan 'tong sakit na 'to?

" Kaya mo pa naman mag-anak my," lalo lang siyang umiyak sa sinabi ko.

" Kakayanin mo 'yan, lalabanan mo 'yan. Hindi mo kami iiwanan, nabuo tayo dahil sa'yo, hindi pa tayo ganoon katagal nagkakasama, " lumalakas lang 'yung pag-iyak niya, tama hindi pa kami matagal nagkakasama. Nabuhay ako nang hindi sila kasama noon, na kay tita lang ako. Rejected—iyon naman talaga 'ko. Kaya nga nasanay na 'kong ngumiti kahit nasasaktan ako. Sa maliit na bagay tumatawa ako dahil nabuhay lang naman ako nang malungkot. Masyadong bata si mommy nang mabuntis, ipinanganak lang niya 'ko at iniwan. Hindi nga alam ni daddy na may nag-eexist na "Blue " sa mundo. Pakiramdam ko nga pati ang pangalan ko, ibinagay sa 'kin. Nakakulong lang ako dahil nga nagkaroon din ako nang behavioural disorder, ayoko sa kulay puti, natatakot ako sa wall paint na puti na kinalaban ko para maging isang doctor 'din ako na akala ko mangyayari na, dahil nakalabas na 'ko nang apat na sulok ng bahay namin.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon