SPIN 8: Its killing me too.

3.9K 181 22
                                    


SPIN 8: Its killing me too.

"Blue!"

Nagulantang si Blue sa boses na sumigaw mula sa pintuan ng library. Nahiya siya kaya agad niang kinuha ang librong binabasa at ibinalik sa shelf nito bago humingi ng paumanhin sa librarian at lumabas na.

" Look what did he do to me!" Matinis ang boses ni Paloma ang kaklase niya sa isang subject. Kulot ito at may kung anu-anong kulay ang buhok na tila mula sa water color, hanggang damit nito ay marami rin.

" I'm sorry," kinuha niya naman ang panyo niya para punasan ang buhok nito. Sino pa ba ang gagawa niyon? Si ADAM. Si Adam na isang buwan pa lang sa eskuwelahan ay kilala ng Bully at napakarami na agad followers na tila isang buong gang na. Palagi silang magkasama at sa totoo lang sa kanya nagsusumbong ang mga nabubully nito araw-araw.

" He said this is the first stage and there's a lot more! Please, stop him or else I'll quit studying!" anito pa kaya tumango-tango siya.

" Okay. Just a question, did you do somethin' to make him mad?" tanong niya kay Paloma.

" Blue, I'm hungry, " si Adam na dumating na. Saktong nasa likuran ito ni Paloma na tila nanginig na pagkarinig pa lang ng boses nito. " Sino 'yang kulot-salot na 'yan?" Natatawa pang tanong nito kahit kilala naman niya kung sino iyon.

" I'll talk to you later, change your clothes okay? " Nginitian ni Blue si Paloma na tila kinilig naman at halos magkanda-tali-talisod para lang makatakbo palayo kay Adam.

Sinamaan niya lang ng tingin si Adam. Pag siya ang kasama nito wala itong kasamang kahit sinong followers nito. Naglakad na siya palayo dito. Ilang beses na bang may nagsusumbong sa kanya na may ginawang kalokohan sa mga ito si Adam? Madami na ngang nagtataka paano sila nagkakasundo ni Adam at hindi rin niya maipaliwanag.

" Hey, ano na namang problema natin?" Anito na mabilis siyang nasabayan.

" Nagbago na ang isip ko, hindi na 'ko titirang kasama ka. " Pahayag niya dahilan para magtiim-bagang si Adam at hilahin siya pasandal sa isang wall na ikinabigla niya.

" Bakit? Saan ka titira?! Doon sa Jae na 'yon?! Para kasama mo siya?!" Galit na galit ito bagama't hindi malakas ang boses ay naroon ang pagkagigil.

" Hindi lang naman siya ang nando'n, si Claude, si Kumi, si Ruki!" ganting bulyaw niya dito. Hindi naman talaga siya lalaban dito, itsura pa lang ng katawan nito wala na siyang laban. Pero kawawa naman ang napagtitripan nito. Wala naman sigurong dahilan para bigla na lang ito man trip ng ibang tao!

" Should I be happy with that?!"

" Umalis ka nga," tinulak niya' to dahil napipikon na rin siya.

"Kinakausap kita," hinawakan siya nito sa braso kaya nasaktan siya pero hindi niya pinahalata ng harapin si Adam.

"Kausapin mo 'ko kapag naayos mo na ang mga nagawa mo sa mga taong nasa paligid ko! " Asar na tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. " Kung ganyan lang ng ganyan ang gagawin mo lilipat na 'ko ng eskuwelahan! Paano ko mag-aaral kung palagi na lang iniisip ko 'yung mga sinasabi nila at wala man lang ako magawa dahil hindi ka naman nakikinig! " Iniwan niya 'to. Sa loob ng isang buwan, ngayon lang siya nagalit rito ng husto, hindi naman mismong kay Adam kundi sa ugali nito.

"Sorry na, " hinabol naman siya nito at hinawakan sa braso pero nagpatuloy lang siya paglalakad.

" Hindi ka sa'kin may kasalanan, sa iba doon ka mag sorry, " malamig na tugon ni Blue.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon