Chapter 1

21.1K 207 6
                                    

Chapter 1

"Keep rockin' and keep knockin'

Whether you Louis Vuitton it up or Reebokin'

You see the hate that they're servin' on a platter

So what we gon' have, dessert or disaster?..."

Arghhh!! Ang ingay naman!! Langyang alarm clock yan.

"I never thought I'd be in love like this

When I look at you, my mind goes on a trip

Then you came in and knocked me on my face

Feels like I'm in a race, but I already won first place.."

Ano baaaaa?!! Bat ayaw tumigil yung letseng cellphone na yan. Inaantok pa ako eeeeehhh!!   Hanap sa cellphone habang nakapikit yung mata ko.

Nakng tokwa naman kasi eh. Inaantok pa ako. Puyat kasi.

Matutulog sana ako ulit nag biglang....

"Good morning Rai-- Anak ng butiki sa kalabaw naman oh! Hoy Rain bumangon kna jan!!! Kung ayaw mong malate sa klase mo!!"

Shet naman oh. Istorbo si Kuya.  

"5 minutes pa kuya, please!" Ang aga pa eh tsaka inaantok pa ako. Tsk!  

"Anong 5 minutes ka jan. Magtigil ka Rain ah. Babangon ka jan o mawawalan ka ng all---" Ayan na naman siya! Binablock mail na naman ako. Nako naman oh!  

"Oo na! Babangon na nga diba? Kailangan ba talagang mamblock mail?! Haysss!!" Sabay bangon sa kama. Kaasar naman si Kuya eh.

"Babangon ka din pla eh. Pinapahirapan mo pa si Kuya. Osya, baba kna pagkatapos mo jan. Wag mong subukan bumalik sa kama lagot ka sakin."

"Yeah.. Yeah.. Whatever kuya."      

Ay oo nga pala. Ako nga pala si Tiffany Rain Silverio. 18 years old. Tourism student. 2nd year college student sa Angels University.

Ako yung taong mahilig matulog, matulog at matulog. Hahaha. Hobby ko yan eh. Pagkatapos ko gawin lahat bumaba nako baka kasi malate na naman ako. Hay nako!

"Good morning po manang." Bati ko kay Manang Lor.

"Good morning din hija. Teka pagtitimpla kita ng kape."  

Mahilig kasi ako magkape kapag umaga. Ewan ko nga eh. Magmula ng nagcollege ako nahilig nako uminom ng kape na may maraming creamer. Hahaha.

"Hindi daw makakauwi sila mommy bukas. Naextend yung pagsstay nila sa London, baka 3 weeks pa sila doon." Sabi ni kuya.  

"Ah okay." Yan na lang sinabi ko. Sanay na kasi ako na wala parents ko sa bahay eh. Lagi silang busy. You know.. Business. "Nga pala kuya di ako sasabay sayo ah? Gagamitin ko motor ko."  

"Nako! Siguraduhin mo lang na magiingat ka sa pagddrive mo. May pagkakaskasera ka pa man din."  

"Oo na. Tss!"  

"Hay nako Rain. Para ka talaga lalaki. Minsan nga naiisip baka lalaki ka talaga nagpapanggap ka lang na babae. Kasi tignan mo ah, the way na kumilos ka minsan para kang la--- aray naman! Bat ka ba nambabatok ha?!" Ano ba yan pinagsasabi ni kuya. Tama bang pang hinalaan ako.  

"Ewan ko sayo kuya. BABAE AKO! Okay?" Bahala nga siya. Hindi naman kasi ako masyadong girly. Minsan lang ako magsuot na medyo girly kapag napagtripan lang.

"Osya kuya alis na ako, baka malate pa eh. Bye!" Sabay beso sakanya. "Bye manang."  

"Oh magingat ka Rain hija ah."  

"Opo. Sige na ho, mauna na ho ako."            

Sinuot ko na yung suit, gloves at helmet ko. Kailangan ko mag suit kung hindi liliparin tong palda ko. Makita pa nila ang hindi dapat makita. Hahaha.  

And thats it! After kong paliparin ng bongga ang motor ko eh agad naman ako nakarating sa school. Hinubad ko na helmet, suit at gloves ko.  

May naririnig pa nga ako na nagbubulungan na "ANG COOL TALAGA NI RAIN NO?" Argh! Grabe ayoko talaga ng ganito. Naiilang ako. Promise!    

Papunta na ako ngayon sa building namin. Iba-iba kasi building namin. Magkasama yung HRM & Tourisms student sa iisang building.      

"Bessssyyyy!!" Narinig kong tawag sakin ni Jazz. Bestfriend ko since high school. Tourism din siya. "Huhuhu! Bessy koooo!!" Sabay yakap sakin. Nako! Alam ko na problema ng bruhildang to.

"O anyare sayo? Kay Chad na naman ba? Nako bessy yan na nga ba sinasabi ko eh."

"E kasi naman bessy ehhh!!"

"E kasi ano? Kasi mahal mo sya kaya okay lang kahit masaktan ka? Naku bes, hindi na uso yan no!"

"Tse! Hindi mo kasi alam yung nararamdaman ko eeehhh!!" Anak ng tokwa naman oh. Paulit-ulit na lang kami ng babaeng to. "Maiintindihan mko pag naranasan mo na 'to bes."

Wow ha? Hindi naman ako ganun katanga tsaka wala akong panahon sa mga ganyan.

"Hay nko bes. Alam mo ang tanga mo. Tsk! Tara na nga. Marerealize mo din yang mga kagagahan mo. Hahahahaha!"

Bahala na nga siya. Ang hilig habul-habulin yung taong pilit siyang tinataboy. Hindi ko din maintindihan tong babaeng to.




VOTE & COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon