Chapter 34

2.4K 29 2
                                    

Chapter 34

April's POV

Napakasaya ko kasi kami na ulit ni Yuu at the same time naapprecite ko yung ginawa niyang effort para sa date namin.

Kinunchaba niya pa talaga si Rain para dito. Speaking of Rain. Kamusta na kaya siya? Okay lang kaya siya. I know hindi. Alam kong nasaktan ko siya.

Yeah. Alam kong mahal niya si Yuu kahit hindi niya sabihin sakin alam kong mahal niya si Yuu. Nakikita ko sa mga kilos niya. The way na titigan niya Yuu kakaiba. Babae ako at babae din si Rain kaya alam ko.

Alam ko nasaktan ko si Rain pero wala akong magagawa dahil mahal ko din naman si Yuu. Mahal namin ang isa't isa. Alam ko naman naiintindihan ni Rain 'yon.

Thankful din ako kay Rain kasi kahit alam niya may gusto siya kay Yuu mas pinili niya pa rin itago iyon sakanya. Mas pinili niya pa rin kasiyahan naming dalawa. Mas pinili niya pa rin yung pagkakaibigan nila ni Yuu.

Pero syempre naaawa pa rin ako sakanya. Alam kong masakit para sakanya  to. Sobrang sakit yung mga nakita niya.

Alam ko yung mga iyak na iyon ayb iyak dahil nasasaktan na siya ng sobra. Alam kong hindi siya naiiyak dahil masaya siya, naiiyak siya dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Magaling magtago ng nararamdaman si Rain. Kung hindi mo siya kilala ng lubusan hindi mo makikita na malungkot siya. Ang buong akala mo masaya talaga siya pero hindi naman talaga.

Kung pwede ko lang ibigay si Yuu kay Rain ginawa ko na pero hindi ko kayang gawin yun. Hindi kaya gawin yung ginagawa ni Rain. Mahal ko si Yuu, mahal na mahal. Sorry Rain alam kong makakahanap ka din ng mamahalin. Makakalimutan mo din si Yuu.




Yuu's POV

Matapos ang date namin kagabi ni April kaagad kong tinawagan si Rain pero hindi niya ito sinasagot.

Gusto ko siyang kumustahin. Gusto kong alamin kung okay lang ba siya. Alam ko kasi hindi siya okay. Ramdam ko yun kagabi.

Lalo na nung nakita ko siya umiyak. Kahit na sabihin niyang okay lang siya kahit na nakangiti siya samin ramdam ko at kitang kita ko sa mga mata niya na lalo na nung sinabi niya na..


"Wala yun. Basta maging masaya lang kayo."


Nung sinabi niya habang nakatitig sa akin. Naramdaman ko yung sakit sa boses niya. Hindi ko maintindihan. Medyo magulo pa.

Nung mga panahong umiiyak siya gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa. Hindi ko magawa! 

Gusto ko siya makausap. Gusto ko siya tanungin. Marami akong gustong malaman sakanya. Sana lang magsabi siya sa akin ng totoo para magkaalaman na.





Jasmine's POV


Oh God! What happened to my bestfriend?!

Nasa canteen kami ngayon. Pagkadating ko sa school kaagad ako kinaladkad dito ng babaeng 'to and guess what?

Parang wala ng bukas kung makakain etong si Rain.


"Ayaw mo talaga bessy?" Tanong niya sakin. Umiling lang ako bilang sagot. "Okay!" Masiglang sabi niya. Sabay suboy dun sa chocolate cake.

Take note panglimang order na niya ng chocolate cake na yan. Kaloka!

"Sarap mo talaga chocolate cake!" Pretend ka lang. Nakakainis!


Asan ba yang Yuu na yan at ng masapak ko! Kawawa naman si Bessy ko. Huhu! Nakwento na sakin ni Steven lahat-lahat.


Ang tagal naman kasi ni Steven kanina ko pa tinext yun eh!

"Jazz, sorry ngayon lang ako late ko na kasi nabasa yung text mo." Speaking of. Sa wakas at nandito na 'to.

"Buti naman at nandito ka na. Tignan mo yang Bebs mo kanina pa kain ng kain. Panglimang order na niya ng cake na yan!" Sabay turo kay Rain na wagas kung makalamon.

"Hi Bhebsh!" Bati naman ni Rain habang punong puno ng pagkain yung bibig niya. "Gushto mo?" Alok niya kay Steven. Umiling lang ito.

"Hayaan mo na muna. Buti nga kumakain pa siya di tulad ng iba na hindi kumakain dahil lang broken hearted." Sabi ni Steven.

"Pero.. Ayoko ng ganyan si Rain. Hindi na siya yung Rain na masiyahin. Hindi na siya si Bessy ko na walang pakealam sa love love na yan. Namimiss ko na yung dating ngiti ni Rain Steven." Sabi ko kay Steven

"Parehas lang tayo Jazz. Pero kailangan niya ng panahon at oras para makalimutan si Yuu. Higit sa lahat kailangan niya tayong dalawa. Kailangan niya ng kaibigan na masasandalan." Sabi ni Steven sakin.

Tumango na lang ako. Hay! Rain sana maging okay kana agad.

"Osige mauna na ako ah? Marami pa akong gagawin ikaw na bahala kay Rain kita na lang tayo mamaya." Sabi ni Steven.

"Bebs. Alis na ako ah? Hinay-hinay lang okay?" Tumango naman si Rain.


"Bessy hindi kapa ba busog?" Tanong ko.

"Actually.. Gutom pa ako." Anak ng tokwa naman oh! Gutom pa siya sa lagay na yan ah! "Pero after class na lang ulit ako kakain. Grabe! Bakit kaya ang lakas ko kumain ngayon?"

"Bessy magiging okay ka din agad diba?" Grabe! Naiiyak na ako. "Namimiss ko na yung ngiti mo, yung Rain na masiyahin. Yung Rain na sobrang strong. Diba strong ka?" Hindi ko na pigilan sarili ko.

Niyakap naman ako ni Rain. "Bessy tama na. Mas lalo ako malulungkot kapag ganyan ka. Magiging okay din ako pero di muna ngayon."

Kumalas ako sa yakap niya at pinahid yung luha ko sa mata. Ngumiti ako sakanya. Tama sila Steven at Rain.

"Ayan. Baka makita kapa ni Chad at sabihin niyang pinapaiyak kita. Hahaha." Pagbibiro niya.

"Tara na? Baka malate pa tayo." Sabi ko kay Rain. Tumayo na ito.

Nasa hallway na kami ng makita namin sina April at Yuu sa tapat ng room nila April. Hinalikan ni Yuu si April at pumasok na ito sa classroom.

Napatingin naman si Yuu sa amin. Nakita kong nakatingin siya kay Rain. Si Rain naman nakatingin lang kay Yuu. Hinawakan ko kamay niya. "Tara na Bessy." Sabi ko sakanya.

"Hello Yuu!" Masiglang sabi ni Rain. "Sige bye na, kitakits na lang mamaya." Dugtong pa nito.

Talaga bang nagpapakamatay 'tong babaeng to?!

"Teka lang Rain." Sabi ni Yuu.

"Bakit?" Tanong niya.

Nakatitig lang si Yuu kay Rain. May gusto itong sabihin pero di niya magawa.

"Ah wala sige mamaya na lang." Sabi ni Yuu.

"Sige. Bye!" Nakangiting sabi ntio.

Ang hilig mapretend ng babaeng to. Alam ko naman nasaktan siya sa nakita niya kanina. Kaloka! Nakakainis na!












VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon