Chapter 44
Rain's POV
Matapos ang nangyari sa canteen hinabol ako ni Steven para humingi ng sorry. Tinanggap ko naman kasi alam kong hindi naman sadya 'yon. Aksidente lang naman ang nangyari kaya wala naman dapat akong ikagalit. Medyo nailang lang naman akong kaunti kay Steven dahil sa nangyari pero ang sabi niya kasi kalimutan na lang namin 'yon kaya naman nawala na din yung ilang ko sa kanya.
Si Yuu naman hindi ko pa nakikita magmula kahapon. Naging busy din kasi ako actually lahat kami dahil malapit na din ang Midterms at sunod-sunod na quiz at mga reports ang ginagawa namin kaya hindi ko din sila nakikita at nakakasabay.
Hindi ko pa din natatanong si Yuu about dun sa nangyari sa canteen. Hindi ko pa siya natatanong kung bakit ganoon na lamang ang ikinilos niya noon. Ayoko naman siya tawagan baka kasi si April na naman ang sumagot. Nung tinawagan ko kasi siya, si April ang sumagot. Nagkunwari na lang akong may napindot sa phone ko kaya bigla na lang 'to nagcall pero ang totoo naman niyan gusto ko talaga makausap si Yuu sinabi ko lang yun para hindi naman maghinala sakin si April. Para naman hindi na ulit siya magselos sakin. Alam niyo naman diba? Laki pa rin ata ng selos sakin ni April.
Nasa may likod ako ng school, nakaupo sa may damuhan kung saan nasisilungan ako dahil sa malaking puno. Walang tao dito kaya tahimik at magandang mag-relax. Medyo napa-aga ako kaya tambay muna ako dito. Wala din naman akong alam na puntahan tsaka sigurado naman ako na mamaya pa dadating si Jazz. Si Steven naman, ewan ko ba kung nasan na yung lalaki na yun. Lagi na lan siya busy.
"Zup?" Naramdaman kong may umupo sa may tabi ko at ang pamilyar na boses na sobrang namiss ko.
"Yuu.." Sabi ko. Ngumiti lang ito sakin. God! Sobrang namiss ko siya kahit kahapon lang kami hindi nagkita. Namiss ko siya ng sobra.
Namula naman ako ng nakita kong muli na naman siya ngumiti sa kin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"A-ah. Buti ang aga mo hindi mo ba susunduin si April?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Nagpapasundo siya kaso sabi ko may iba pa akong gagawin kaya hindi ko siya masusundo." Sabi niya.
Eh? Kung may gagawin pala siya bakit siya nandito?
"Natapos mo na ba yun?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman talaga akong gagawin eh. Gusto ko lang muna mapag-isa." Sabi niya. Humiga siya sa may lap ko.
"Pahiga muna ah? Iidlip lang." Sabi niya. Hindi naman ako makaangal kasi baka sabihin niya ang arte ko.
Tinignan kong mabuti yung mukha niya. Hindi naman niya alam kasi nakapikit siya. Pinagmasdan kong mabuti yung mukha niya. Yung mukha niyang napaka-amo. Hindi ko namalayan napahawak na pala ako sa buhok niya. Hinahaplos haplos ko ito. Yung buhok niya parang buhok ng babae, ang lambot.
Unti-unting napunta ang mata ko sa mukha niya. Hinawakan ko yung kilay niya papunta sa mata niya. Ang haba naman ng pilik-mata niya parang pilik-mata ng babae.
Kasunod no'n ang ilong niya. Napakatangos at talagang napakaganda ng pagkakatangos nito. Parang perpekto at bagay na bagay sa kanya.
Napatingin naman ako sa labi niya. Yung labi niya na ang pula, na parang may lipstick pero wala naman. Yung labi niyang napakalambot at ang sarap ha-- Hays! Naalala ko na naman nung hinalikan niya ako sa elevator tsaka noong nasa amin siya. Namula naman ako noong naalala ko yun.
Pinagmamasdan ko parin siya. Tulog naman eh kaya ayos lang. Hahaha.
Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi.
Teka nga.. Gising ba 'to? Akala ko ba tulog siya. Ugh! Nakakahiya!
Nagmulat naman yung mata niya at iniwas ko bigla yung tingin ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi. Umupo siya pero nakaharap pa rin siya sakin samantalang ako nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Ang cute mo kapag nagbblush ka." At tumawa ito ng mahina.
Napahawak naman ako sa mukha ko. Feeling ko sobrang pula ng pisngi ko.
"Rain look at me." Sabi nito pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Nahihiya kasi ako.
Hinawakan niya yung chin ko at iniharap sa mukha niya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa at parang hahalikan ako napapikit na lang ako dahil hindi ko din alam ang gagawin ko.
Naramdaman ko na lang ang kanyang labi na dumampi sa may noo ko. "I miss you. Don't leave me, please." Sabi ni Yuu.
Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Ano daw? Wag ko daw siya iwan? Bakit? Saan ba ako pupunta?
Chena lang! Hahahaha. Gets ko naman sinabi niya actually kinikilig na naman ako. Hay! Paasa101.
"Tara na? Hatid na kita sa room nyo." Sabi ni Yuu pagkatapos tumayo na siya. Inilahad nya ang kamay nya para tulungan din ako makatayo.
Iniabot ko naman ang kamay ko sa kanya. "Salamat." Maikling sabi ko.
Ano na naman kaya gimik nitong lalaking 'to at inihatid ako sa room ko tapos may pahalik-halik pa sa noo bat di na lang sa lips. Etchos lang! Pero dapat sa lips na lang diba? Hahaha joke.
---
Ayan lang nakayanan ng utak ko. Pasensya na at NAPAKATAGAL ko magupdate. Busy sa pag-aarala ang lola nyo. Hahaha.
VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
Ficção GeralHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...
