Chapter 24

2.3K 44 2
                                    

Mag UD na lang ako. Huhu. Hindipa rin maka get over si Author sa Induction Night kasi naman may mga pictures na sila naiinggit tuloy ako. :'( Hindi man lang ako naalala ng bestfriend ko. Nakakatampo ano po? HAHAHAHA. :(

ENJOY READING! MAG VOTE DIN PO. SALAMAT! ^_^





---

Chapter 24

April's POV


Hay! Hindi ko macontact si Yuu kagabi pa magmula ng umalis ako sa condo nya. Iniwan ko na sya nun kasi sabi nya masama daw pakiramdam nya, pumunta ako kanina bago ako dumiretso dito sa school pero parang wala naman sya tapos hindi ko pa sya macontact. Nagaalala na ako.



Nasa parking pa rin ako hinihintay si Yuu. Maaga pa naman kay hihintayin ko na lang sya. Alam ko naman kotse nya.



Di naman nagtagal nakita ko na din Yung kotse nya. Nagpark sya sa tabi ng akin. Bumaba ito kasabay nun yung pagbaba ni Rain.



Teka bakit magkasama sila? So sila pala magkasama kaya hindi ko macontact si Yuu kasi kasama nya si Rain. Halos mamatay na ako sa pagaalala magkasama lang pala sila.


Hindi ko muna sya tinawag halata naman na hindi nila ako napansin eh.



Ang saya ni Yuu. I mean iba yung ngiti nya kapag kasama nya si Rain yung ngiting yan, yan yung ngiting nakikita ko nung kami pa nung una ko siyang nakilala.



Hindi. Mali sana 'tong iniisip ko. Hindi pwede. Akin lang si yuu hindi sya pwedeng maagwa ng kahit sino lalong lalo na si Rain.



Oo. Nagseselos ako kay Rain. Alam kong mali kasi kaibigan ko si Rain kaso kasi hindi ko maiwasan lalo na't lagi sila magkasama dati tapos ang sweet pa nila.



"Babe!" Sigaw ko.

"A-april?" Halatang gulat na sabi niya.

Ikinawit ko yung kamay ko sa braso ni Yuu.


"Kanina pa kita hinihintay dito ah. Ni hindi mo nga ako napansin na kanina pa ako nakatayo jan oh." Turo ko sa kabilang sasakyan.

"I'm sorry babe. Eto kasing si Rain ang kulit." Sabay gulo sa buhok ni Rain.

Nakatingin lang samin si Rain.


"Babe bakit magkasama kayo ni Rain?" Di ko mapigilan hindi sya tanungin. Wala naman siguro masama diba?

"A-ah ano k-kasi.." Papalit-palit ang tingin nya samin ni Rain.

"Nakita nya kasi ako naglalakad kaya ayun pinasabay na nya ako." Biglang sabi ni Rain?


O Talaga? Hindi ba nagsisinungaling si Rain? Mayaman naman siya diba? May sasakyan naman sya ah.


"Wala ka bang sasakyan? Hindi ba mayaman naman kayo? Yung motor mo? Ba--" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi biglang sumigaw si Yuu.

"APRIL!!" Bulyaw ni Yuu. So kinakampihan nya pa si Rain? Masama bang magtanong?! May karapatan naman ako diba?! Sinisigawan na nya ako?! What the F?!


"What?! Masama bang magtanong?" Sabi ko.

"Okay lang Yuu. Hayaan mo sya. Sira yung motor ko. Yung kotse ko naman ginamit ni Kuya kasi colo coding yung kanya hindi ako pwede magpahatid sa driver namin kasi wala sya pinapalinis yung sasakyan namin. Satisfied?" Cold na sabi ni Rain. "Sige mauna na ako."


Tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad. Ang harsh ko ba? Ganun ba ako ka-obvious na pinagseselosan ko si Rain? Hay nako! Hindi ko na naman napigilan sarili ko. Kasi naman..


Narinig kong bumuntong hininga si Yuu. "Tara na." Sabi na lang nya at hinila ako.

Habang naglalakad kami papunta sa room ko tahimik lang sya. Hindi ko din alam kung paano ako magsosorry. Hay!

"I'm sorry babe. Hin--"

"Kay Rain ka magosrry wag sakin." Cold na sabi nya. "Magkita na lang tayo mamaya." Sabi nyatapos umalis na. Iniwan na nya ako sa tapat ng room ko.

Naiiyak ako. Bakit ba ganun si Yuu? Bakit ganito sya? Hindi naman sya ganyan sakin dati ah. Kahit na may  pinagseselosan akong iba dati hindi naman nya ako tratratuhin ng ganito. Lalambingin pa nga nya ako eh pero ngayon iba na. Ng dahil lang kay Rain! Ganun ba kahalaga sa buhay nya si Rain?! Mahal na ba nya si Rain?!!



Halos lutang utak ko buong klase. Hindi ko nga din maintindihan mga dinidiscuss ng prof ko. Tinext ko si Rain. Sabi ko magkita kami sa may garden pagkatapos ng klase. Kailangan ko siya makausap ng kaming dalawa lang.




"Class dismissed!" Pagkasabi na pagkasabi ng prof ko nun agad naman akong lumabas at pumunta ng garden dito sa school.


Umupo ako sa bench para dun hintayin si Rain.

Kailangan ko sya makausap about kay Yuu. Sana lang mali tong hinala ko sakanya. Kaibigan ko si Rain at ayokong ng masira yun ng dahil lang sa lalaki pero mahal ko si Yuu. Alam ko pangalawang beses ko na 'to tatanungin sakanya pero hindi pa rin ako mapakali. Paano na lang kung nagsinungaling pala sya dati sakin diba?










---

HAPPY 700 READS SA OSL!! ANG BABAW NG KALIGAYAHAN NI AUTHOR. HAHAHAHA. SHARE NYO SA IBA PARA MABASA DIN NILA. :)



VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon