Chapter 36

2.6K 38 1
                                    

Chapter 36


Yuu's POV


Matapos kong marinig yun. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Nakatingin lang ako sa kanya, ganun din siya.

"S-sorry Yuu. Hindi ko sinasadya, hindi ko talaga sinasadya na magkagusto sayo." Sabi nito.

Napayuko siya at naramdaman kong umiiyak na ito.


"Bakit? Bakit hindi mo pinigilan?" Tanong ko sa kanya.


Oh God! Ayokong nakikitang ganito si Rain. Mahal ko si April at ayoko din masaktan ng ganito si Rain.


"Pinilit ko Yuu. Pinilit kong wag magkagusto sayo. Pinipigilan ko sarili ko pero.. pero sadyang hindi ata talaga mapipigilan ang puso kapag nagmahal na ito." Sabi nito.


"Ang akala ko hindi ako magkakagusto sayo pero nagkamali ako. Higit pa pala sa gusto ang nangyari sakin kasi MAHAL na kita." -Rain


"S-sorry Rain, alam mo naman na.. na si A--"

"Si April ang mahal mo? Ano ka ba Yuu. Matagal ko ng alam yun. Hahaha." Sabi nito at ngumiti ng mapakla.


"Kaya nga pinipigilan ko dati kasi alam kong ako lang ang masasaktan sa huli. Alam ko naman kung gaano mo kamahal si April eh." Sabi nito.


Sorry Rain! Shit! Sa kanya pa man din ako nagpatulong para maging kami ulit ni April tapos.. tapos.. Shit talaga!


Nasasaktan ko na pala ng hindi ko man lang alam! Naiinis ako sa sarili ko!

"Dapat sinabi mo nung una palang Rain." Sabi ko sa kanya.

"Para saan pa? Kung aamin ba ako, mamahalin mo rin kaya ako?" Nakatitig na sabi nito sakin.


Shit! Ayoko ng ganito. Ayokong nagkakaganito si Rain. Kasalanan ko 'to!


"Rain.. I-i'm Sorry." Yun na lang ang tanging nasabi ko.

"Hahaha! Hayaan mo na nga lang. Magmomove on na din ako. Actually sinisimulan ko na ngayon kaya wag mo na akong alalahanin pa. Okay lang ako."


Bakit ganyan ka Rain? Bakit ang hilig mong sabihin okay ka lang kahit hindi naman? Bakit inuuna mo ang iba kesa sa sarili mong kaligayahan? Bakit sobrang bait mo Rain?!


"H-hindi ka na man iiwas diba Yuu?" Tanong niya sakin.


Yinakap ko lang siya. Hindi ko kayang iwasan ka Rain. Hinding hindi kita iiwasan. "Mahalaga ka sakin." Yun nalang nasabi ko.






Rain's POV


Kumalas na ako sa yakap niya. Oo mahalaga ako kay Yuu bilang kapatid. Kaibigan. Hanggang doon lang kaya ayoko ng paasahin pa sarili ko na someday magiging kami din.


"Alam ko." Sabi ko at ngumiti. Napakaplastik mo Rain!

"Sige mauna na ako Yuu. Magkita na lang tayo bukas." Sbai ko sabay tayo.


Gusto ko ng makaalis dito. Gusto kong mapag-isa.


"Hatid na kita Rain." Sabi ni Yuu.

"Wag na. Please?" Sabi ko. Tumango naman ito agad. Siguro naramdaman din niyang gusto kong mapag-isa.


Pagkasarado pa lang ng pinto hindi ko napigilan at umiyak na ako. Iyak lang ako ng iyak. Akala siguro ng mga tao nababaliw na ako.






Hindi ko namalayan nakarating pala ako sa park na malapit sa amin.


Umupo ako sa swing. Ayoko munang umuwi. Ayoko din naman makita ako ni Kuya na ganito siguradong mag-aalala yun.



"Oh" May nag-abot sa akin ng panyo. Napatingala naman ako kung sino yung nag-abot sa akin.

"A-Alex?" Garalgal na sabi ko.



Yumuko siya sakin at hinawakan ang baba ko. Pinunsanasan niya yung luha ko sa pisngi.



"Hindi bagay sayo ang umiiyak." Sabi nito.

"Ayan. Maganda kana ulit." Masayang sabi niya.



Hindi ko alam pero bigla ko siyang niyakap. "A-Alex *sob*"



Basta ang gusto ko lang ngayon eh umiyak ng umiyak. Wala akong pakealam kung maubusan man ako ng luha.

"Ssshhh! Magiging okay din ang lahat." Sabi niya.









Makalipas ang ilang oras tumigil na din ako sa kakaiyak. Mukhang naubusan na ako ng luha. Hahaha.


"Basang basa na ng luha yung damit ko may kasamang sipon pa ata." Pabirong sabi ni Alex.

"Tse! Ewan ko sayo Alex."

"Hahahaha! Ang cute mo!" Sabay kurot sa pisngi ko. "Pero mas cute pa rin ako magpout sayo." Dugtong pa niya.


Oo na mas cute na siya.


"Oo na. Bitawan mo na pishngi kow!" Sabi ko.




"Tungkol sa lovelife kaya ka umiiyak no?" Biglang sabi niya.

"Bakit alam mo?" Sabi ko.

"Halata ka masyado eh. Hahahaha." Pinalo ko ito sa balikat.

"Nakakainis ka!"

"Tara kain na lang tayo." Sabay hila niya sakin.







"Tiffany.. Let it hurts until hurts no more." Sabi nito. Nginitian ko lang siya. Kahit hindi man alam ni Alex ang lahat feeling ko nararamdaman niya yung sakit na nararamdaman ko.














----
"Let it hurts until hurts no more." -Naalala ko yung sinabi nyang yan sakin. Hahaha. Nakakainis nga kasi napaginipan ko pa sya. Lalo ko tuloy siya namimiss. Hahaha. :(




VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon