Chapter 39
Rain's POV
"Ra-Rain?" Gulat na gulat na sabi ni Yuu.
Si Yuu at April. Sila yung nakita kong naghahalikan pero parang hindi lang naman kiss yung ginagawa nila eh kulang na lang jan na sila gumawa ng ano.. basta alam niyo na yun.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko.
"A-ano kasi.. A-ah. Pa-pasensya na. Na-nabigla lang ako. Hehe. Sige tuloy niyo na kunwari hindi ko kayo nakita. Bye!" Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Teka lang Rain." Sabi ni Yuu pero di ko siya pinansin.
Nagmadali akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar ito.
Kaya pala pinapunta niya ako dun para makita ko yung kababalaghan na ginagawa nila ni April.
Hindi pa ba sapat na araw-araw na niyang pinapamukha sakin na mahal niya si April at kaibigan lang ako sa kanya.
Bakit kailangan niya pang gawin sakin 'to?! Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nakita ko kanina.
Pagkatapos niya akong halikan sa elevator. Ang unfair niya! Napakaunfair niya!
Ang tanga ko naman kasi! Bakit ko ba binibigyan ng meaning yung halikna yun?! Wag kang tanga Rain wala lang sa kanya yung halik na yun. Walang meaning yun!
Pagkatapos ng ilang oras nakarating ako ng ligtas sa bahay.
Sa sobrang bilis ko magpatakbo kanina at halos inoover take ko mga sasakyan makauwi lang kaagad.
Mabilis akong umakyat ng kwarto at inilock iyon.
Dumapa ako sa kama ko. Umiiyak na naman ako. Bakit lagi na lang ganito. Bakit lagi na lang ako nasasaktan?
Gustong gusto ko na siya makalimutan pero hindi ko magawa. Ang hirap naman kasi eh. Bakit kasi masyado niyang ipinakita na mahalaga ako sa kanya. Bakit kasi ganun siya.
Ang tanga ko kasi mahal na mahal ko pa rin siya. Ang tanga ko kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako kahit na alam kong wala naman talaga akong pag-asa sa kanya.
"Rain?" Tawag sakin ni Kuya.
Paano nakapasok 'to?
"Bunso umiiyak ka ba?" Tanong sa akin ni Kuya tapos umupo sa kama ko.
"Ginamit ko yung spare key para buksan yung kwarto mo. Sorry ah? Ayoko na kasi yung nakikita ko sayo. Alam ko ngayong mga nakaraang araw may kakaibang nangyayari sayo kahit na palagi mong pinapakita na masaya ka sa paningin ko para lang hindi ako mag-aalala sayo alam kong may mali."
Humarap ako sa kanya at umupo din. "Kuya bakit ang hirap niyang kalimutan?" Umiiyak na sabi ko.
"Kuya gusto ko siyang makalimutan pero ayaw ng puso ko. Ang hirap kuya." Sabi ko sa kanya.
"Kuya ang hirap magmahal ng taong hindi ikaw ang mahal. Sobrang hirap."
"Ssshhh! Tama na. Don't worry tutulungan ka ni Kuya." Pagaalo sa akin ni Kuya.
"Kuya mahal na mahal ko si Yuu. Mahal na mahal ko siya." Iyak pa rin ako ng iyak.
Kinabukasan. Ang sakit ng mata ko grabe. Namamaga pa rin. Yih! Halatang umiyak lang eh.
"Rain may bisita ka." Tawag sa akin ni Kuya.
"Sino Kuya?" Tanong ko.
"Tignan mo na lang." Sabi niya.
Ang aga-aga naman ng bisita ko. Bumaba na lang ako.
"Yuu?" Teka anong ginagawa ng lalaking 'to dito? "Anong ginawa mo dito?" Mariin na sabi ko sa kanya.
"A-ano k-kasi.." Sabi niya. Oh anyare dito bakit di makatingin sakin ng diretso?
"Pwede bang u--" Hindi ko na naituloy yung sinabi ko kasi biglang nagsalita si Manag Lor.
"Jusmiyo! Rain hija. Pwede bang magpalit ka muna ng damit mo." Sabi sa akin ni Manang.
Napatingin naman ako sa suot ko. Nakaloose shirt ako at medyo kita yung bra ko na color pink, siguro kapag yumuko ako eh makikita mo na ang hindi dapat makita tapos ang liit lang ng short ko.
Napahawak naman ako sa dibdib ko. "Hoy Yuu!! Umalis kana masama pakiramdaman ko ngayon. Next time na lang tayo mag-usap." Sigaw ko ka Yuu.
Dali-dali ako umakyat at nagpunta ng kwarto. OMGGGG!!! Nakakahiya. Kaya pala hindi makapagsalita yung tao kasi.. kasi.. Arghh!!
Yuu's POV
"Kuya Nick please. Gusto ko talaga makausap si Rain ngayon." Pagmamakaawa ko kay Kuya Nick.
Gusto ko talaga siya makausap. Actually kahapon pa kung hindi lang ako pinigilan ni April.
FLASHBACK...
"Teka lang Rain!" Sigaw ko kay Rain. Akmang hahabulin ko na sana siya kaso nga lang nahawakan ako ni April.
"Yuu! Bakit pa siya kailangan puntahan?" Tanong sa akin ni April.
"Magpapaliwanag lang ako sa kanya." Sabi ko sabay higit sa kamay ko kaso hinarangan niya ulit ako.
"Bakit kailangan mong magpaliwanag sa kanya? Ano mo ba siya? May relasyon ba kayo ni Rain?!" Naiiritang sabi ni April.
"What the hell April! Anong relasyong pinagsasabi mo jan?! Kaibigan ko lang si Rain." Sabi ko.
"Bakit siya ba kaibigan ang turing niya sayo?" Tanong niya sa akin na ikinagulat ko. "Yuu, may gusto sayo si Rain. Naiintindihan mo ba ako? Mahal ka ni Rain hindi lang bilang kaibigan. Higit pa!"
Alam ko naman yun eh. Sinabi na niya sakin diba? Hay!
"Please Yuu. Umiwas kana kay Rain. Please! Natatakot akong agawin ka niya bigla sakin." Sabi sakin ni April.
"Hindi gagawin ni Rain satin yun April kilala ko siya." Sabi ko. Kilala ko si Rain hindi niya magagawa yung mga ganung bagay.
"Gaano mo ba siya kakilala? Kaya pala narinig ko sila ni Jasmine na nag-uusap na balak kang agawin sakin ni Rain. Kaya pala gumawa sila ng plano para lang magkasira tayo. Hindi ko siniraan si Rain sayo Yuu. Narinig ko silang nag-uusap sa CR nung isang araw. Please Yuu. Layuan mo na siya. Natatakot ako sa pwedeng gawin sa atin ni Rain." Nakikita ko ang takot sa mga mata ni April. Totoo ba? Hindi naman gagawin ni Rain yun. Kilala ko siya pero... "Hindi ko alam gagawin ko kapag nawala ka pa ulit sa akin Yuu."
"Okay pero hayaan mo muna akong makausap siya. Last na yun pagkatapos iiwas na ako sa kanya para sayo." Sabi ko.
Niyakap ako ni April at niyakap ko din siya. Bakit Rain? Kaya mo ba talagang gawin yun samin? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo?
END OF FLASHBACK.
VOTE AND COMMENT PLEASE!
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
General FictionHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...
