Chapter 48
Rain's POV
Habang naglalakad ako sa campus may mga matang nakatingin sa akin. Akala mo naman nakapatay ako kung makatingin sila. May nagbubulungan pa. Ugh! Bakit kasi hindi ako sumabay kay Jazz o kaya naman kay Steven.
Kasalanan ko naman kasi kung bakit pinagchichismisan ako sa school ngayon. Makipag-away ba naman sa Girlfriend ng hearttrob sa school namin malamang pag-uusapan ka talaga.
Pero hindi naman kasi ako yung may kasalanan eh! Hindi naman ako yung nauna pero ganun yung tingin nila sakin. Ang sama na ng tingin nila sakin.
"Aray!" Ang laki mong tanga Rain. Lumilipad kasi utak mo kaya ayan nadapa ka. Narinig ko naman pagtatawanan nila.
Naiiyak na ako. Naiiyak ako sa inis! Ang sakin pa ng tuhod ko! Hilahin ko yang mga dila niyo eh! Nakakainis!
"Halika na." May nag-abot ng kamay sakin. Tapatingala ako kung sino yung nagsalita.
"ALEX?!" Medyo napalakas ang pagkasabi ko nun. Anong ginagawa niya dito?
Ngumiti lang siya sakin tsaka ako tinulungan makatayo. Narinig ko na naman bulungan ng mga tao sa paligid namin.
"ANG LANDI TALAGA NIYA."
"SO SI ALEX NA NAMAN PUNTIRYA NIYA? TSK! SLUT!"
Hindi ko siya nilalandi! Kasalanan ko bang kaibigan ko siya?! Nakakaputang*na naman talaga oh!
"Thank you Alex." Mahinang sabi ko.
"Wait lang." Sabi niya. Hawak-hawak niya pa rin kamay ko pang suporta lang kasi malaki yung sugat sa paa ko at masakit 'to no!
"ALL OF YOU!" Sigaw ni Alex. Napatingin naman ang mga estudyante sa kanya. Ano na naman ba gagawin nito.
"HOW DARE YOU TO CALL HER SLUT?! DON'T JUDGE HER. DON'T CONCLUDE KUNG HINDI NIYO NAMAN ALAM ANG BUONG PANGYAYARI. SO WHAT KUNG KASAMA NIYA AKO?! AKO ANG LUMAPIT SA KANYA AND...
I LIKE HER." Sigaw ni Alex sa maraming tao.
Ngayon ko lang nakitang ganito si Alex. Yung aura niya parang iba. Medyo seryoso siya ngayon tsaka ano ulit sabi niya?
"I LIKE HER."
"I LIKE HER."
"I LIKE HER."
"I LIKE HER."
"I LIKE HER."
"I LIKE HER."
"I LIKE HER."
Putakte! Anong I like her na pinagsasabi nitong Alex na 'to!
"Tara na sa clinic?" Nakangiting sabi niya.
"Hoy Alex anong pinagsasabi mo kanina ah? Letse ka! Tsaka anong ginagawa mo dito?!" Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Totoo lahat ng sinabi ko. Ano bang ginagawa sa school?" Tanong niya sakin.
Aba! Siraulo talaga 'tong Alex na 'to! Tinignan ko lang siya ng masama.
"Hahaha! Ang cute mo talaga Tiffany!" Natatawang sabi niya.
"Isa! Babatukan na talaga kita!" Sabi ko sa kanya.
"Tss! Dito po kasi ako nag-aaral. Dito ko na itinuloy studies ko buti nga tinanggap pa nila ako kahit na patapos na klase." Ah kaya pala nandito 'tong mokong na 'to.
"Kailangan kapa pumapasok? Bakit hindi kita nakikita dito?" Sabi ko sakanya.
"Napakabusy mo kase! Madalas nga kita makita dito." Sabi niya.
"E bakit hindi moko nilalapitan?!" Sabi ko sa kanya.
"Nakakahiya naman kasi sa mga kasama mo. Tsaka wala din akong time minsan ngayon lang talaga ako nagkaroon ng chance na lapitan ka. Ikaw ba naman madapa. Hahahaha." Pang-asar na sabi niya.
"Sige lang! Tawanan mo pa ko. Alam ko naman na napaka-TANGA ko. Tsk!" Sabi ko sa kanya.
Ilang segundo pa wala ng nagsalita samin hanggang makarating kami ng clinic. Ginamot lang yung sugat ko Sugat lang naman kaso malaki lang talaga.
"Tara hatid na kita sa building mo." Sabi ni Alex.
"Wag na baka malate kapa sa klase mo." Sabi ko. Nakakahiya na din kasi.
"Tara na. Wag ng umangal." Inakbayan na niya ako kaya di na din ako nakaangal pa.
"Tiffany.." Tawag sakin ni Alex.
Tinignan ko lang siya at binigyan ng Bakit-Look.
"Be Strong." Sabi niya. Tinignan naman niya ako at ngumiti.
Ngumiti din ako sa kanya. Naiintindihan ko naman gustong iparating sakin ni Alex.
"Thank you Alex." Sabi ko.
"Dito na pala room ko." Sabi ko sakanya. "Salamat sa paghatid tsaka sa patulong mo sakin kanina. Maraming salamat." Sabi ko sa kanya.
"Wala yun. Sige alis na ako." Naglakad na siya palayo.
"See you around My Tiffany." Sabi ni Alex habang nagalalakad pa rin tapos kinakaway niya yung isang kamay niya tapos yung isa nasa bulsa niya.
Natawa naman ako. Siraulo talaga si Alex.
Papasok na sana ako pero nakita ko sa di kalayuan si Yuu na nakatayo at nakatingin lang sakin. Kanina paba siya nandito.
Blanko lang ang expression na nakikita ko sa mukha niya. Galit pa rin ba siya sakin? Nakita ko naman siya nagsmirk. Naglakad siya papunta sakin nung malapit na siya sakin akala ko titigil siya pero hindi. Nagtuloy-tuloy lang siya.
"Yuu!" Tawag ko sa kanya. Humarap ako sa kanya kasi nakatalikod ako sa kanya.
"P-Pwede kaba makausap mamaya? Please.." Pagmamakaawa ko.
Nakatalikod pa rin siya sakin pero nakita ko ang pagbuntong hininga niya. Gumalaw kasi yung shoulders niya.
"Parking. After class." Sabi niya at naglakad na ulit palayo sakin.
Napangiti naman ako.
VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
Ficção GeralHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...