Chapter 30

3.1K 39 1
                                    

Hello guys! Sorry ngayon lang nakapag UD. Medyo naging busy.

---

Chapter 30


Steven's POV

Mga kalahating oras lang eh nakarating na kami ng mall. Pumunta kami sa boutique ng Auntie ko para mapalitan yung suot namin, pinaayos ko na din si Rain. Si Rain na din pumili ng damit niya.

Simple lang suot ko. Nakawhite na longsleeve na polo ako tapos sa loob nun may suot akong sando na color grey. Nakabukas yung tatlong botones ng polo ko tapos itinaas ko ito hanggang sa ibaba ng braso ko. Casual lang suot ko.

Medyo inayos ko din buhok ko para maging gwapo ako sa paningin ni Rain. Gwapo naman ako pero syempre date 'to kaya dapat MAS maging gwapo ako ngayon.

Matapos ang ilang minuto natapos na din si Rain.

Ibang klase talaga pumorma 'tong kababata ko. May pagka-astig eh pero bagay sakanya.

Naka polo siya na medyo maluwang sa kanya na color blue tapos tinernuhan niya palda na floral tsaka ito nag belt ng manipis na kulay brown. Inilugay na lang nya yung buhok niya.

(Nasa side yung picture na suot ni Rain)

"Oh, tara na bebs!" Sabay hawak sa braso ko.

"Okay. Ganda mo talaga bebs." Masiglang sabi ko. Maganda naman talaga si Rain kahit hindi ito nakaayos.

"Ikaw din ang gwapo mo." Sabay kurot sa pisngi ko.

Tapos lumabas na kami ng boutique. Nagpunta kami ng Quantum alam ko dun gusto pumunta ni Rain ngayon.

"Tara bebs paramihan ng score sa basketball." Hamon niya sakin.

"Sige ba! Pero kailangan may deal muna tayo."

"Ano naman yun?" Tanong ni Rain.

Magaling din kasi si Rain sa sports na basketball kahit babae yan magaling sa basketball yan. Hahaha.

"Kapag natalo ako susundin ko lahat ng gusto mo tapos kapag nanalo ako susundin mo lahat ng gusto ko for today. Kuha?" Sabi ko.

"Okay! Lets gooooo!!"

Actually ayos lang kahit manalo o matalo man ako jan ang gusto ko lang mapasaya ko si Rain. Mahal na mahal ko yang si Rain.

After 1 hour...

"Yes! Panalo ako bebs!" Sabi ni Rain.

Magaling talaga maglaro si Rain pagod na din ako kaya nagpatalo na. Hahaha.

"Kaso ang daya parang nagpatalo ka talaga eh." Sabi niya at nagpout pa. Ang cute talaga niya.

"Hahaha. Hindi no. Magaling ka lang talaga." Sabi ko.

"Hmp! At dahil nanalo ako ililibre mko ng madami ngayon, nakakapagod kaya maglaro." Sabi niya.

"Hahaha. Halata nga eh. Kita mo pinagpawisan ka na."

"Halika nga dito." Sabay higit ko sakanya. Hinawakan ko baba niya at pinunasan yung pawis sa may noo niya. "Ang baho mo na niyan bebs. Haha." Pagbibiro ko sakanya.

"Hmp! Hindi naman eh!" Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Napatitig naman ako bigla sakanya. Ngayon ko lang narealize napaka lapit pala ng mukha namin sa isa't isa. Ang ganda talaga ni Rain.

"Hon, ang sweet nila no?"

"OMG!! Ang sweet naman nung boy sa gf niya."

"Ang gwapo pa kamo. Nakakakilig!"

"Nakita mo ba sila kanina? Grabe! Sana ganyan din kami ng bf ko."

"Ang galing ka nila magbasketball eh tapos ang sweet pa."


Napatingin naman kaming pareho ni Rain. Medyo madami pala nakatingin samin.

"Hayaan mo na lang sila."

"Hahaha. Ayos lang, nakakatuwa nga eh." Sabi niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Wala naman natutuwa lang ako. Ay teka.." May kinuha siyang panyo sa may bag niya.

"Ikaw din pinagpawisan. Mabaho ka na din nyan bebs. Hahaha." Sabi ni Rain habang pinupunasan yung pawis ko.

"Ayan. tara na bebs? Gutom na talaga ako eh." Sabi niya.

"Oo na po boss." Ikinawit na ni Rain yung kamay niya sa braso ko.


Kumain na lang kami sa Mcdo. Dito kasi kami madalas kumain ni Bebs.

Ginawa kong extra large yung fries niya matakaw sa fries si Rain. Hahaha.

"O ayan. Sayo yang extra large baka kasi kulang sayo yung large eh." Pagbibiro ko.

"Hoy bebs! Hindi naman ako ganun katakaw ah?!" Tinawanan ko na lang siya.

"Bebs gusto ko nyan oh." Sabay turo sa blueberry icecream ko.

"Hoy bebs wag kang gahaman. Naubos mo na nga yung sayo eh." Takaw talaga ng babaeng to.

"Sige na kasi!" Sabi niya.

"Mag fries kana lang." Sabi ko sabay subo dun sa icecream. Niloloko ko lang siya actually.

"Ang damot mo! Penge na kasi ako." Sabi niya. Hilig magpout nito.

"Oo na, oo na." Sinusubuan ko siya ng icecream tapos minsan siya naman sinusubuan niya ako ng fries.

Para nga kaming magsyota nitong si Rain eh. Sana hindi na matapos 'tong araw na 'to.


Rain's POV

"Ay teka.." Sabi ni Steven sabay punas sa may malapit sa labi ko gamit ang thumbs niya. "Ang baboy mo talaga kumain Rain. Hahaha."

"Tse! Bigyan mo pa ako ng Icecream. Dali!" Utos ko sakanya.

Ngayon ko na lang nakasama ng ganito si Steven namiss ko din siya. Naging mas maalaga siya ngayon at sweet din. Daig pa namin ang magjowa pero okay lang nagdadate naman kami kaya wala naman siguro masama dun diba?

Habang nagtatawanan kami ni Steven bigla naman kami napatigil ng biglang may nagsalita sa may tabi namin.

"Rain? Steven?" Kahit hindi ako lumingon alam ko naman kung sino yun.



"Yuu.." Mahinang sabi ko.

"Pre nandito ka pala. Kasama mo ba si April?" Tanong naman ni Steven.

Ang saya ko na eh bakit bigla pa siya nagpakita.

"Hindi eh. Teka, anong ginagawa niyo dito?" Tanong.

"Malamang kumakaen." Sabat ko.

"Actually nagdadate na kami ni Rain." Biglang sabi naman ni Steven.

"Ah.. T-talaga? Ka-kailan pa?" Tanong niya.

"Kanina lang. Hmm. Bebs tara na diba may pupuntahan pa tayo?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Good thing at hindi slow tong si Steven.

"Osige pare kita nalang tayo bukas sa school ah." Tumayo na kami ni Steven at inakbayan na nya ako.

Bigla naman ako hinawakan ni Yuu sa kamay dahilan para mapatigil kami at mapatingin kay Yuu.

"May kailangan kapa ba kay Rain?" Tanong ni Steven.

"A-ah. Wala. Sorry." Agad naman niya ako binitiwan.

Kanina habang tinitignan ko siya parang sinasabi niya na wag ko syang iwan. Parang sinasabi niya na wag akong sumama kay Steven. Bakit ganito si Yuu ngayon?

Baka wala lang yun. Hays! Ayoko na mag-isip pa. Kailangan ko mag-enjpy ngayon alam ko naman na nageffort din si Bebs para lang mapasaya ako tsaka nangako ako na wala munang Yuu.











VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon