Chapter 56
Rain's POV
"Bebs! Kumusta na na? Miss na miss na kita." Masayang bati ko kay Steven. Ka-skype ko siya ngayon. Wala naman pasok kaya naisipan kong mag online sakto naman na naka-online din siya.
"Okay lang naman ako bebs. Miss na miss na din kita. Miss ko na yang kakulitan mo." Sabi nito pagkatapos ay humalakhak. "Ikaw, kumusta na kayo jan?"
"Ayos lang naman ako bebs. Sina Chad at Jazz naman. Ayun, sobrang inlove parin sa isa't-isa. Si Kuya Nick naman sobrang busy na din niya." Ako.
"Hindi naman ata marunong mag-away yung dalawang yun eh. Hahaha." Steven.
"Sinabi mo pa. Hahaha." Ako. Sasabihin ko na ba? Yung ano.. sa amin ni Yuu? "Ah bebs. May sasabihin nga pala ako sayo."
"Ano naman yun? Wag mong sabihin nag-asawa kana?!" Pabirong sabi nito.
"Siraulo! Hindi no! A-ano kasi... Uhmm... S-Si Yuu.. k-kasi..." Ay shet! Bakit ang hirap magsalita. Narinig ko naman na tumawa si Steven.
"Para kang tanga bebs." Natatawang sabi niya. Napanguso na lang ako.
"Masaya ka ba bebs?" Tanong niya sakin.
Masaya ba ako? Oo naman. Masaya ako ngayon. Tumango lang ako.
"Masaya din ako para sayo." Puno ng sinseridad na sabi nito pero hindi mo maikakaila na nasasaktan siya.
"Sorry." Sabi ko sa kanya. Nasasaktan ko yung bestfriend ko. Naiiyak tuloy ako.
"Okay lang yun. Nandito lang naman ako para sayo. Oy! Wag kang iiyak jan bebs baka sabihin ni Yuu pinapaiyak kita." Steven.
Bakit ba napakaswerte ko sa kaibigan. Si Steven na handang gawin ang lahat para lang maging masaya ako.
"Ikaw kasi eh! Bebs umuwi kana dito pls?! Namimiss kana namin lalo na kami ni Jasmine." Ako.
"Uuwi din ako kaso hindi ko sasabihin kung kailan. Hahaha." Steven.
"Ang daya naman!" Napanguso na lang ulit ako.
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
Genel KurguHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...
