Chapter 45

2.8K 36 1
                                        

Chapter 45


Rain's POV


After 5 hours natapos din klase namin. Paglabas ko ng room nakita ko kaagad si Jazz, magkatabi lang naman kasi yung room namin tsaka halos magkasabay lang kami natatapos ng klase. Sinundo pala siya ni Chad. Ang sweet talaga ng dalawang 'to.

"Hi Bessy! Tara na sa canteen?" Sabi ni Jazz sakin.

"Mauna na kayo bessy, magc-CR lang ako." Sabi ko. Naiihi na din ako kanina pa.

"Okay. Sunod ka na lang bes ah?" Sabi ni Jazz, tumango lang ako.


Bumaba muna ako sa 2nd floor, sarado kasi yung CR sa 3rd floor kaya sa 2nd floor na lang tsaka walang masyadong tao dito.


Paglabas na paglabas ko sa cubicle nakita ko si April na nakaupo sa may lababo.


"Oh April hindi kapa ba pupunta dun? Tara sabay na tayo." Sabi ko sa kanya pero hindi siya sumagot, nakatingin lang ito sakin.


"April? Ayos ka lang ba? Hey!" Sabi ko. Bumaba siya at sumandal sa may lababo.

"Gusto mo ba talagang malaman kung ayos lang ako?" Sabi sakin ni April.

"Oo naman. Ano kaba kaibigan mo din ako. Anong problema mo? Makikinig ako." Sabi ko sa kanya. Lalapitan ko sana siya kaso bigla siyang sumigaw.

"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO!!" Sigaw niya sakin.

"H-huh? A-ako? Bakit ako?" Tanong ko sa kanya. Nabigla ako sa pagsigaw ni April at hindi ko din siya maintindihan.

"Huwag kang mag-maangmaangan na parang hindi mo alam ang nangyayari satin Rain!" Lumapit siya sakin.

"Sabihin mo nga sakin! Bakit ang landi landi mo?! Bakit nilalandi mo si Yuu!! Akala ko ba kaibigan kita?! Malandi ka!!" Sigaw sakin ni April.

"April hindi ko nilalandi si Yuu!! Hindi ako malandi!!" Sigaw ko din sa kanya. Hindi ko naman siya nilalandi eh!

"Anong hindi! Nakita ko kayo kaninang umaga sabi niya may gagawin siya kaya hindi niya ako sinundo pero mali pala ako. Hindi naman magkakaganon si Yuu kung hindi mo siya nilandi, hindi naman siya maguguluhan kung hindi mo siya nilandi! Aminin mo na kasi na NILA--- *PAAAKK!!*" Hindi na tinapos yung pagsasalita niya.

Sino siya para husgahan ako?! Sino siya para sabihan ako na malandi!! Wala siya karapatan para pagsabihan niya ako ng ganyan! Oo, mahal ko si Yuu pero hindi ako ganun kadesperada para mang-agaw!


"WALANGYA KA! ANONG KARAPATAN MO PARA SAMPALIN AKO!!" Sabay sabunot sakin ni April.


"Aray! Tama na April. Nasasaktan akoo!!!" Sigaw ko sakanya pero parang wala parin siya naririnig.


"Wala akong pakealam kung nasasaktan ka! You bitch! Malandi ka!!" Sigaw niya sakin.


Kinuha ko ang buhok niya at hinila para mawalan siya kahit konting lakas para maitulak ko siya. Itinulak ko siya ng napakalakas at tumama ang likod niya sa may likod ng lababo. Hindi ko sinasadya na patamaan siya don ang gusto ko lang makawala sa sabunot niya.


"RAIN!!" Narinig kong sigaw ni Yuu. Dali-dali niyang pinuntahan si April. Galit na nakatingin sakin si Yuu. Teka lang hindi ako ang nauna!


"Yuu.. babe please tulungan mo ako, si Rain.. si Rain.. sinaktan ako, inaway niya ako. Ang sabi niya mag-uusap lang kami pero bigla na lang niya ako sinaktan." Umiiyak na sabi ni April.


WTF?! Siya ang nauna, oo ako ng nauna sa pagsampal sakanya pero nadala lang ako dahil sa sinabi niya sakin.


"T-teka lang April! Yuu nagkakamali ka, mageexplain ako." Sabi ko kay Yuu sabay hawak sa may braso niya kaso itinulak niya lang ako kaya napaupo ako sa sahig.


"Huwag mo akong hahawakan! Hindi ko inaakalang magagawa mo 'to Rain! Buong akala ko iba ka sa lahat pero katulad ka din pala ng iba na desperada din! Nakakadiri ka!! Nagawa mong saktan pati si 'Girlfriend' ko." Talang inemphasize nya pa yung salitang GIRLFRIEND. Wow!



"Subukan mong saktan o kahit lapitan man lang si April ako ang makakalaban mo!" Sigaw sakin ni Yuu.


Binuhat niya si April pero bago pa sila umalis may sinabi ulit si Yuu. "Hindi porket mahalaga kana sakin may karapatan ka ng gawin ito sakanya tandaan mo Girlfriend ko parin si April. Pinagsisihan kong nagtiwala pa ako sayo."


At iniwan ako sa CR na umiiyak. Napansin kong may mga tao na din palang nanunuod samin. Wala akong magawa kundi umiyak habang sila nagbubulungan. Siguro iniisip nila na malandi ako, desperada!


Hindi ko inaakala na si Yuu pa ang magsasabi sakin ng mga ganoon na bagay. Ang sakit! Sobrang sakit! Bakit hindi niya ako hinayaang magpaliwanag. Bakit hindi niya ako pinakinggan!


Ang tanga-tanga mo Rain! Hindi ka mahal ni Yuu at kahit kailan hindi ka niya kayang mahalin. Pinaasa ka lang niya! Pinaasa niya lang ba ako o ako itong umaasa at masyadong assuming.


"BESSY!!" Narinig kong sigaw ni Jasmine.


"Hoy! Magsi-alis na nga kayo! Tapos na yung show. Chupi na! CHUUUPPPIIII!!!" Narinig kong pagtataboy ni Jazz sa mga tao.


"Bebs!! Okay ka lang ba?" Pati si Steven dumating na. Hindi ako makasagot basta umiiyak lang ako. Sobrang sakit kasi.


Iyak lang ako ng iyak. Ang sakit kasi. Ang sakit na masabihan ng mga ganung salita sa mismong taong mahal mo. Para akong sinasakan ng isang milyong karayom sa puso. May mali ba akong nagawa? Oo na mali ng umasa pero hindi ko naman siya inagaw kay April ah. Ah oo nga pala para ko na din inakit ang boyfriend ng kaibigan. Ang sama ko pa lang babae. Tama lang na mangyari sakin 'to. Karma ang tawag jan Rain.


"Tama na Bessy." Rinig kong sabi ni Jazz.

"Gusto ko ng umuwi." Sabi ko sa kanila. Saktong pagtayo ko.

"Rain/Bessy!" Sabay na sabi nila Steven at Jazz. Then everything went balck.





VOTE AND COMMENT!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon