Chapter 37

2.6K 45 2
                                        

At dahil Tweet Limit ako sa Twitter kaya nakapag UD ako. Hahaha. May pasok na bukas pero gising pa rin. Wag sana antukin sa klase. :(



--


Chapter 37

Rain's POV

Pagkatapos namin kumain ni Alex nagaya na akong umuwi. Ang dami kong nakain. Hindi ko alam kung dahil sa pagod o gutom lang talaga ako.


"Salamat nga pala ah?" Sabi ko kay Alex.

Naglalakad na kami pauwi.


"Wala yun. At least masaya kana ulit." Sabi nito.



Panandaliang saya lang yun pero alam kong hindi pa rin ako lubos na masaya.


"Oh bakit nakasimangot ka na naman? Iniisip mo na naman siya?" Tanong sakin ni Alex.

"Hindi ko maiwasan eh." Sabi ko.


Totoo naman eh. Hindi ko maiwasang isipin siya. Oras-oras lagi ko siya naalala.


"Hay! Pag-ibig nga naman." Sabi ni Alex.

"Sana kapag nagmahal ka automatic na mamahalin ka rin niya para wala ng nasasaktan pa." Sabi ko.

"Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo." Sabi naman sakin ni Alex.

"Alam ko naman yun eh. Akala ko madali lang magmove on pero hindi pala. Napakahirap pala."

"Acceptance."


Nakakunot noo naman akong napatingin sa kanya.


"Sabi nga nila. Acceptance is the key in moving on. Pagkatapos nun asahan mo parang wala man lang nangyari sayo."


Kahit hindi ko man nakwento kay Alex ang lahat parang alam niya yung nararamdaman ko.

"Nandito na pala tayo eh. Pasok kana sa loob." Sabi sakin ni Alex.

"Salamat ulit Alex, ingat sa pag-uwi." Sabi ko.





Agad akong pumasok sa kwarto ko. Eto na naman. Naiiyak na naman ako. Naalala ko na naman lahat ng masasakit na nangyari sakin.

Napahawak ako sa kwintas na bigay sakin ni Yuu.


"Bakit Yuu? Bakit ikaw pa?" Hindi ko namalayan may tumutulo na naman luha sa pisngi ko.

"Pesteng luha ka! Kailan ka ba mauubos?!"










KINABUKASAN...

Nakakainis! Puyat na naman at maga na naman ang mata ko. Hindi na nga ako sumabay kay Kuya sa breakfast kasi alam kong magtatanong yon kapag nakita niya yung mata kong namumugto.

Nakatulog ako sa sobrang kakaiyak ko kagabi. Ni hindi na nga nakapag palit ng damit eh. Hays!


"Oh buti nandito ka na bessy." Sabi sakin ni Jazz.

Napatingin naman ako sa kabilang upuan. Si April at Yuu. Masayang nag-uusap. Makikita mo sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Umupo na lang ako sa tabi ni Steven.

"Bebs okay ka lang? Namumugto yang mata mo ah." Sabi sakin ni Steven.

Dahilan naman para mapatingin sakin sina Yuu.

"Rain? Ayos ka lang ba ha?" May halong pag-aalalang sabi ni Yuu.

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon