Chapter 33
Rain's POV
Nagdrive na si Steven papunta kila Yuu sinabihan ko na din si Yuu na kasama ko si Steven at pumayag naman siya.
Ilang oras din at nakarating din kami kila Yuu. Dito kasi gaganapin yun date/proposal ni Yuu kay April.
Huminga muna ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. "Kaya mo yan. Nandito lang ako. :)" Sabay hawak sa kamay ko ni Steven. Nagsmile naman ako sakanya.
"Kaya ko 'to! :)" Daig ko pa ang magaaudition. Psh!
"Buti naman nakarating nakayo. Tamang tama susunduin ko na si April. Sige alis na ako ha? Hintayin niyo na lang ako. " Sabi ni Yuu. Pero halata naman sakanya na kinakabahan siya.
"Yuu.." Tawag ko sakanya.
"Bakit?" Tanong niya. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Kaya mo yan. Wag kang kabahan." Mahinang sabi ko sakanya. Kumalas na ako sa pagkakayakap. "Alis na!" Masayang sabi ko sakanya.
"Salamat Rain." Nakangiting sabi niya at umalis na.
"Tara na sa may pool area." Sabi ko kay Steven.
Pumunta kami dun sa may likod. May nakaharang kasi doon na tela na kulay red.
Umupo muna ako kasi may upuan naman doon.
"Rain pwede bang pagkatapos nito kalimutan mo na si Yuu?" Biglang sabi ni Steven. Napaharap naman ako sakanya.
"Hindi ko alam kung kaya ko Steven." Sabi ko.
"Kaya mo yan." Sabi niya.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan eh. Ilang beses kong pigilan 'tong nararamdaman ko para sakanya pero in the end hindi ko din napigilan."
"So mamahalin mo pa rin siya? Aasa ka parin sakanya?"
"Hindi naman ako umaasa eh!" Hindi nga ba?
"Eh anong tawag mo jan? Ayokong nakikita kang ganyan Rain. Buong buhay ko ngayon lang kitang nakitang naging malungkot ng dahil lang sa isang lalaki."
Tama si Steven. Ngayon lang nga ako naging ganito. Ngayon lang ako umibig sa isang lalaking hindi naman ako ang gusto.
"Alam mo ba dati naiinis ako kapag kay Jazz nun kasi hinahabol niya si Chad. Habol pa rin siya ng habol pero etong si Chad wala naman pakealam sakanya in the end iiyak na naman siya lagi na lang ganun si Jazz. Paulit ulit na lang paulit ulit ko na lang din siya binibigyan ng advice. Lagi ko din sinasabi sakanya na maghanap na lang siya ng iba pero ayaw niya kesyo hindi ko daw siya naiintindihan. Hahaha. Pero ngayon, ngayon na nararanasan ko na. Ngayon ko naintindihan si Jasmine. Ngayon ko naintindihan kung bakit hindi niya magawang kalimutan si Chad, kasi kapag pala sobrang mahal mo na ang isang tao kahit anong pilit mong gawin na kalimutan siya hindi mo magawa. Kahit sabihin pa ng iba na magmove-on kana. Kalimutan mo na siya. Hindi ko magawa. Hindi pala ganun kadali yun no?"
Napangiti naman ako ng mapait sakanya. Nakatingin lang siya sakin habang nakukwento ako.
"Oo inaamin ko. May times na umaasa pa rin ako. Umaasa na sana mahalin niya din ako, na sana ako na lang at hindi na si April pero hanggang 'SANA' lang ako. Hahaha. Hindi ko kasi mapigilan umasa kahit alam kong wala na akong pag-aasa. Ang hirap pala ng ganito Steven.."
Sa mga oras na 'to. Gusto ko na maiyak pero pinipigilan ko.
"Magiging okay din ang lahat. Hindi lang siguro sa ngayon pero soon magiging okay kana din. Basta tatandaan mo nandito lang ako, kami ni Jazz para sayo." Niyakap niya ako. "Umiyak ka kung gusto mo. Nakakagaan ng loob."
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
General FictionHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...