Chapter 7

3.4K 76 1
                                    

Chapter 7


Rain's POV


After 30 mins. nakarating din kami. Sakit ng pwet ko dun ah. Haaayyy!!


"Tara!" Sabay higit sakin ni Yuu.


"Ang ganda.." Para siyang bundok. Malamig ang simoy ng hangin at napakaganda ng view. Mula rito matatanaw mo yung mga nagliliwanagang mga gusali and at the same time pati na rin yung mga sasakyan.


"Alam mo ba, madalas ako dito, Nakakarelax kasi." Sabi niya habang pinagmamasadan din yung view. "Rain, nainlove kna ba?" Ganito din yung tanong sakin ni Steven dati ah.


Napatingin naman ako sakanya. Yung maganda niyang mata parang napakalungkot hindi tulad ng dati para bang.. nasasaktan ba siya?


Iniwas ko yung tingin ko sakanya. "Hindi ko alam pero feeling ko malapit na Yuu." Hindi pa ako sigurado eh. "Ikaw ba nainlove kna ba?" Tanong ko sakanya sabay tingin sakanya.





Ilang minuto bago siya ulit nagsalita.


"Tara, uwi na tayo? 9PM na din eh baka hanapin kana din sainyo."


"Ah okay." Hay! Hayaan ko na nga lang.




Tahimik lang din kami buong byahe, minsan sinusulyapan ko siya ng tingin. Yuu, ano bang nangyayari sayo? Gusto ko sana siyang tanungin kaso bakit parang umuurong bigla yung dila ko? Naku naman oh.


Nasa tapat na pla kami ng bahay namin.


"Sige bukas na lang ulit. Salamat Yuu."


Baba na sana ako kaso bigla niyang hinawakan kamay ko.




LUBDUB.. LUBDUB..





T-teka.. bakit ganito? Hindi naman ako ganito dati ah? May sakit na ata ako.


"Rain.." Tawag niya. Napatingin naman ako sakanya ng diretso. "Salamat ha?" Sabay halik sa noo ko. "Goodnight."






LUBDUB.. LUBDUB.. LUBDUB..





T-teka.. Hinalikan niya ako sa noo? Bakit ganun lalo bumibilis tibok ng puso ko? Feeling ko tuloy ang pula ng mukha ko. Hindi naman ako ganito ah kapag hinahalikan ako sa noo ni Steven. Haayyysss!!



"Ehem!!"


"Ay gago ka!" Grabe naman kasi maka-EHEM si kuya. May TB ata? "Kuya naman kasi. Ginulat mko."


"Gago pala ah? Pasok sa loob. Mag-uusap tayo. Maypahalik-halik pa sa noo ha! Hala sige, PASOK!" Sigaw nito.


Mygolliness!! So nakita pala ni Kuya lahat? O-M-G!!!!


"So Tiffany Rain Silverio.." So  kailangan fullname? Psh! "Explain mo nga sakin yung kanina? Sinong yung lalaking 'yon?" Hotseat ang peg kuya?


"Kaibigan ko po. Shinji Yuu ang pangalan."


"Pang-showbiz masyado yang sagot mo bunso. Sino yung lalaking yun?! Boyfriend mo ba?!" Ang kulit naman!


"Anak ka ng nanay natin! Naman oh! Kaibigan ko nga lang eh."


"E bat may pahalik-halik pa sa noo?"


"E bakit si Steven din naman ginagawa sakin yan ah Kuya. Buti nga hindi sa lips eh. Hmp!"


"Weh?" Sapakin ko kaya tong kapatid ko na to.


"Oo nga! Kulit!"


"Sayang akala ko pa man din BF mo na. Hay! Akala ko pa man din dalaga na yung bu-- ARAY naman!"

Walangyang lalaking to. Akala ko pa naman seryoso siya. May pasigaw-sigaw pang nalalaman. Hampasin ko kaya ng truck to. Bwisit!

"Letse! Ewan ko sayo kuya! Makatulog na nga lang!" Sabay akyat sa kwarto ko. "Nakakainis ka kuya!"


"Uyyy! Bunso. Bagay kayo nung Yuu na yun. Hahahahahaha!" Sigaw ni kuya.


"Bwisit!" Sabay higa sa kama. "Haaaaaaaaayyyyy!!" Mukhang hindi ako patutulugin ng halik na yun ah. Nakakainis naman!!


"Waaaahhh!! Ano ba Rain. Halik lang yun sa noo parang di ginagawa sayo ni Steven yun!" Sabay batok sa sarili ko. Argh! Para akong tanga dito. Ano ba yan!













---
Hello!! Support lang support sa story ko. Hahaha! Maraming salamat sa mga silent reader ko. Bwahahaha! (Tamang parinig lang si author.)




VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon