Chapter 18

2.4K 44 1
                                    

Chapter 18



Rain's POV


"Kaya pala.. Inlove ka nga." Sabi ni Yuu.

T-teka kanina pba sya dito? Narinig ba nya lahat?

"T-teka.. Kanina kapa ba dito Yuu?" Tanong ko. Sana hindi nya narinig lahat. Please!

So.. Hindi nya narinig lahat? Jusko! Salamat naman.

"Hindi naman sakto lang na marinig ko na mahal siya ng taong mahal mo?" sabay lapit sakin ni Yuu. "Rain, sabihin mo nga sakin." Sabay tingin sakin ng seryoso.

Jusko! Nakakahalata na ba sya. Wag naman sana. Please!

"Si Steven ba yun? Si Steven ba yung taong gusto mo?" Sabi nya.

Akala ko pa naman.. God!

Umupo ako sa couch. "Hindi sya Yuu. Ibang taong yung tinutukoy ko." Sabi ko.

Tumabi naman sya sakin. "Ohh.. Akala ko si Steven kasi.. Nevermind. Kung hindi si Steven, sino?"

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita ulit. "Isang taong napaka importante sakin. Parang kapatid na nga turingan namin eh. Nung una akala ko hindi ako maiinlove sakanya kaso habang tumatagal nakikilala ko siya ng lubusan, habang tumatagal narerealize ko na siya pala gusto ko makasama habang buhay.." Nakatitig na sabi ko sakanya.





Yuu's POV

Nakatitig lang sakin si Rain. T-teka.. Ako ba tinutukoy nya? Hays! Wag ka ngang assuming jan Yuu.

"Alam mo ba ang lambing nun. Sobra! Ang bait pa kahit na may sapi minsan yun mahal ko parin sya. Akala ko nga nung una pareho kami ng nararamdaman sa isa't-isa kaso nagkamali pala ako. Alam mo ba pinigilan ko yung nararamdaman ko para sa kanya kasi alam ko sa huli ako lang naman yung masasaktan."

Naawa ako ka Rain. Hindi sya yung Rain na nakilala kong masiyahin. Kakaibang Rain yung kasama ko ngayon.

"May iba pala siyang mahal at alam mo ba kung sino yung mahal nya?" Tanong nya sakin. "Kaibigan ko yung babaeng mahal na mahal nya."

"Pero sabi ko sa sarili ko, okay lang yan at least masaya na siya kaya dapat maging masaya na din ako kaso di ko magawang maging masaya para sakanila. Nasasaktan pa ako." Nakikita ko sa mga mata niya yung sakit na nararamdaman nya. Napakalungkot ng boses niya.

"Ang tanga ko ba? Kasi ako yung naging daan para maging okay sila nung babaeng mahal nya." Yinakap ko siya. Oh God! Ayokong nakikitang ganito si Rain. Nasasaktan din ako para sakanya.

"Yuu bakit ang sakit *huk* ang sakit sakit *huk* sobrang sakit! *huk*" Hinigpitan ko pa yakap ko sakanya.

"Ngayon na nga lang ako nagmahal *huk ng ganito tapos *huk* masasaktan pa *huk* ako ng sobra *huk*" Hinahayaan ko lang siyang magsalita, gusto ko ilabas nya lahat ng sakit na nararamdaman nya.

"Pesteng puso 'to! Magmamahal na nga lang sa taong may mahal ng iba!"

"Shh.. Okay lang yan Rain. Hindi ka tanga okay? Nagmahal ka lang. Tama na."

"Ang unfair naman kasi eh. Tanga din ni Cupid titira na lang sablay pa. Bwisit!" Hahaha. Sisisihin ba talaga si Cupid. Ibang klase din tong si Rain.

"Hahaha! Nagagawa mo pang magbiro." Humiwalay ako sa yakap tapos hinawakan ko yung pisngi nya. "Tama na okay? Wag ka ng iiyak hindi kana gwapo nyan." Pagbibiro ko.

"Yuu naman eh!" nagpout pa. bat ang cute magpout ng babaeng to.

"Hahaha. Biro lang." Pinupunasan ko yung luha nya gamit yung thumb ko. "Ayokong nakikitang nasasaktan o umiiyak ka. Nalulungkot din ako kapag ganun ka, nasasaktan din ako. Diba sabi mo sakin kapag masaya ka, masaya din ako. Ganun din ako. Kapag masaya ka masaya din ako kaya dapat magsmile kana."

"Makakalimutan mo din sya Rain, makakahanap ka din ng taong para sayo." Sabi ko. "Teka bakit di itry umamin sakanya."

"Duh! Ako? Aamin? Like DUH! Babae po ako." Sabi pa nya.

"Duh! Hindi porket babae ka eh wala ka ng karapatan magtapat sa isang lalaki. Hindi ka naman manliligaw eh aamin ka lang sa feelings mo para saknya."

"Ayoko nga! Baka iwasan pa ako nun. Mas lalong ayokong umiwas sya."

"Hindi iiwas yun." Sabi ko.

"O talaga? Kilala mo ba sya? Kung makasabi ka naman akala mo kilala mo sya."

Hindi ako sigurado pero sana wag.. Ayoko ng ganito. Si Rain lang mahihirapan, siya lang masasaktan sa huli.

"Bahala ka. Diba nga sabi mo malambing sya tapos mabait pa siguro naman hindi ka iiwasan nun, pero nasa sayo parin yun kung gusto mong gawin or hindi. Ikaw din baka mamaya gusto ka din pala nya di mo lang alam."

"E paano kung hindi naman pala niya ako gusto?" Ang daming tanong ng babaeng to.

"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan diba? Walang mawawala Rain. Hindi nakakamatay ang pag-amin."

"E kasi naman baka iwasan ako nun." Ang kulit din ng lahi nito.

"Ang kulit din ng lahi mo e no? Bahala nga jan."

"Oo na.. aamin na kaso hindi pa sa ngayon. Jusko! Hindi pa ready ang beauty ko no!"

Sumandal sya sa balikat ko. "Thank you Yuu ah."

"Wala yun. Basta nandito lang ako parati para sayo. Hinding hindi kita iiwan. Promise!"







Rain's POV

Ang weird ba? Humingi ako ng advice sa taong nagdudulot sakin ng sakit. Hahaha. Hindi ko din alam kung bakit nasabi ko lahat ng mga yun sa kanya. Dala na din siguro ng alak tsaka sa sobrang bigat na ng nararamdaman ko.

Aamin ba ako o hindi? Bahala na. Sa susunod na lang ayoko masira pagkakaibigan namin ni Yuu.

Nakasandal pa rin ako sa balikat nya tapos nakapikit. Nakakaramdam na din ako ng antok. Grabe! Uuwi pa ako pero di ko na talaga kaya. Antok na antok na ako.






Yuu's POV


"Rain?" Tawag ko sakanya pero walang sumasagot. Nakatulog na ata.

Tinignan ko sya. Tulog na nga. Hahaha! Medyo humihilik pa kaso mahina lang.

"Ikaw talaga babae ka. Para kang bata." Sabi ko sabay buhat sakanya. "Hays! Mukhang matutulog ako sa sofa nito."

Ibinaba ko na sya sa kama. "Tignan mo yang suot mo ang iksi." Para akong tanga kinakausap yung tulog.

Pinagmasdam ko siya mabuti. Namamaga parin yung mata nya kakaiyak. "Wag kana iiyak ulit ha?" Sabi ko.

Maganda si Rain kahit simple lang sya. Kahit simple lang sya magsuot makikita mo parin ganda nya. Hindi nga lang nya yun napapansin. Sa totoo nga lang ang daming nagkakagusto sa babaeng to. Ewan ko ba hindi ata nya napapansin.

Kinumutan ko na sya. Aalis na sana ako kaso narinig ko tinwag nya pangalan ko.

"Yuu.." Napatingin naman ako sakanya. Letse! Natutulog parin. Hahaha.

"Kita mo, napapaginipan mo pa ako. Ikaw talaga." Hinalikan ko na lang sya sa noo.

Mukhang dito ako sa kwarto matutulog. May sofa naman kaya ayos na to. Sakit ng likod ko nito bukas.







VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon