Chapter 25

2.6K 38 1
                                        

Chapter 25

April's POV


Walang pang kalahating oras dumating na man agad si Rain. Umupo sya sa tabi ko.

"Bakit mo nga pala ako gustong makausap?" Sabay sabi nito agad. Masaya pa rin siya na parang walang nangyari samin kanina.

"Gusto ko lang humingi ng sorry about sa nangyari kanina."

"Haha. Yun ba? Hayaan mo na yun naiintindihan ko naman kita."

Hayaan? Masyado syang mabait.

"Tsaka gusto ko din mag-usap tayo." Sabay tingin sakanya. "About kay Yuu."

Napantingin naman sya sakin ng puno ng pagtataka.

"Kay Yuu? Bakit? Anong meron kay Yuu?" Tanong nya.

"Alam mo naman siguro na mahal ko si Yuu diba Rain? At ayoko ng may kaagaw sakanya lalong lalo ng kung kaibigan ko." Sabi ko.

"Alam ko. Teka nga, bakit mo ba sinasabi sakin yan April?"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Tumingin ulit ako sakanya. "May gusto ka ba kay Yuu?"


Halatang nagulat siya sinabi ko. Alam ko naman na tinanong ko na sakanya to pero gusto ko lang ulit makasigurado. "Alam ko tinanong ko na sayo dati ito ka--"

"Wala. Hindi ko sya gusto." Mabilis na sabi nya sabay iwas ng tingin.

Nagsasabi ba sya totoo?


"Totoo? Nagsasabi ka ba ng totoo Rain?"

"Paano kung hindi? I mean paano kung may gusto nga ako kay Yuu. Anong gagawin mo April?" Diretsong sabi nya. Ano nga bang gagawin ko? Hindi ko alam isasagot ko. Kinakabahan din at the same time.

"Hinding hindi ko siya ibibigay sayo kung nagkataon man mangyari yun. Gagawin ko lahat mailayo ko lang sya sayo." Sabay tayo ko. "Sige mauna na ako." Akmang aalis na sana ako kaso nagsalita ulit sya.

"Kung magkakagusto man ako sakanya.." napahrap naman ulit ako sakanya.

"..wag kang mag-alala  hinding hindi ko siya aagawin sayo.."

"..dahil kaibigan kita, kaibigan ko kayong dalawa." Ngumiti sya ng mapait. "Tsaka kung saan kayo masaya doon din ako, kung saan masaya yung taong mahal ko doon din ako tsaka.."

Tumingin naman siya sakin ng diretso. "Dahil alam kong mas gugustuhin ka parin nyang makasama kaysa sakin dahil alam kong ikaw ang mahal niya at hindi ako."

"Sige mauna na ako." Ngumiti sya sakin at tumayo na tsaka umalis.


Kanina habang sinasabi nya mga yun habang nakatitig ako sa mga mata niya parang kakaiba yung nakita ko. The way na sabihin nya yun parang may pinanghuhugutan si Rain, parang totoo lahat ng sinabi nya. Yung mga mata niya napaka lungkot na para bang nasasaktan siya ng sobra. Konting konti na lang nga para na siya maiiyak eh.



Rain's POV

Lutang na naman utak ko. Kanina pa habang naglalakad ako wala akong ibang naiisip kundi yung pinagusapan namin kanina ni April. Nakakahalata na siguro siya pero sana naniwala sya sa mga sinabi ko. Wag ko na nga lang isipin yun.

"Haaaaaaaaayyyyy!!" Bumuntong hininga ako. Grabe talaga!

"BOOOO!" Sabay sapak dun sa walangyang nang gulat sakin.

"Ouch! Sakit naman nun bebs!" Singhal ni Steven habang hawak nya yung ulo nya.

Si Steven lang pala.

"Gago ka pala eh. Tama bang mang gulat. Bilis ng karma no? hahahaha."

"Sorry naman. Ang lalim kasi ng iniisip mo." Sabay upo sa tabi ko.


Nasa rooftop pala kami ngayon. Teka nga bakit nandito din tong mokong na 'to.

"Hoy Steven! Bakit nandito ka? Ha?!" Baka may ginagawang kung ano itong lalaking to. Nakuuu!!

"Kanina pa ako nandito. Dito ako madalas tumambay kapag inaantok ako. Ni hindi mo nga ako napansin kasi tulala ka. May problema ba?" Tanong nya. Naalala ko na naman. Ayoko na nga isipin eh. Nakakainis!

"Wala gutom lang ako. Hehehe." Tumayo ako. "Tara kain tayo bebs. Please?" Sabay pout ko.

"Hays! Oo na. Wag kana magpout jan." Hahahaha. Sabi na eh. Effective talaga kapag nagppout ako.

"Ang tagal mong hindi nagpakita sakin kaya kailangan i-date mko. Hahaha."

"Sus! Gusto mo lang magpalibre nyan. Oo na. Ako na taya." Sabay gulo sa buhok ko.

"Yehey! Kaya love na love kita eh." Ipinulupot ko na yung kamay ko sa braso nya tapos sabay kami bumaba.

Kanina pa habang pababa kami pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Well, hindi ko naman sila masisi eh napaka gwapo nga naman nitong kasama ko.

"Nakakainis! Lahat sila nakatingin sayo bebs. Ikaw na gwapo." Biro ko sakanya.

"Hahaha! Wala eh sadjang pinanganak akong gwapo. :)" Yabang nito. Inirapan ko nalang siya.


"ANG GWAPO TALAGA NI STEVEN NO?"

"BAGAY TALAGA SILA NI RAIN."

"DUH! MAY BAGAY KAYA SILA YUU AND RAIN!

Huh? Kami ni Yuu? Teka bakit may ganyang issue? -____-

"TSE! MAY APRIL NA SI YUU KAYA KAY STEVEN NALANG SI RAIN."

"HAYS! MAS BAGAY TALAGA SILA NI YUU."


"Don't mind them." bulong sakin ni Steven.

"Bakit may issue about samin ni Yuu?" Tanong ko kay Steven

"Well. Kung hindi mo napapansin these past few days mas madalas kayo magkasam ni Yuu, remember? Tapos niyakap mo pa siya nung nasa canteen tayo so.. nag conclude agad ang mga tao. Alam mo naman." paliwanag ni Steven.

Ay oo nga pala naalala ko na. Hay nako ang hilig sa tsismis ng mga tao. Nakakairita na lang.

"Hayaan mo na lang sila bebs." Sabi ni Steven.

"Ano pa nga ba. Tara na nga lang, ililibre mo pa ako eh. Hahaha."


Habang naglalakad kami nakasalubong namin sila Yuu and April sa hallway. Okay na kaya sila? Baka kasi nag-away sila kanina ng dahil sakin.

Ang sweet nila siguro hindi naman sila nagaway. Si Yuu pa? Kaya niya kayang tiisin si April? Malamang hindi no. Masyado nyang mahal yun.


"Smile. Wag mo silang titignan." Bulong sakin ni Steve.

"Okay lang ako." Tapos nagsmile ako sakanya. Buti na lang talaga nandito si Steven para sakin.

Bakit kaya hindi na lang ako kay Steven nagkagusto no? I mean magkababata kami kilala naman namin isa't-isa pero bakit hindi pa rin ako naiinlove sa mokong na 'to? Gwapo naman siya, mabait, gentleman. Boyfriend material ika nga. Oh well, sadyang kaibigan lang talaga turing ko sakanya at ganun din ang turing niya sakin. Masaya na ako dun no.








---

Haloha! Nag UD na ulit. Sorry yan lang nakayanan ng utak ko pero sana magustuhan niyo parin. Salamat!!!



VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon