Yuu's POV
Kanina pa ako tinatawagan ni April pero hindi ko sinasagot lahat ng calls and texts niya. Gusto ko muna mapag-isa.
3 days na ang lumipas matapos ang nangyari pambabastos ko kay Rain. Hindi ko sinasadya ang nangyari. Nagawa ko lang naman iyon dahil gusto kong si Rain na mismo lumayo sa akin.
Ayokong nakikita siyang umiiyak, nasasaktan ng dahil sakin. Inaamin ko, mahal ko na si Rain. Siguro matalag na pero ngayon ko lang narealize sa sarili ko. Ngayon ko lang natanggap kung kailan kami na ulit ni April.
3 days na din niya akong iniiwasan at kung makita man ako eh parang hindi niya ako kilala, minsan parang hangin lang ako sa harapan niya. Madalas ko siya makita kasama yung lalaking tumulong sa kanya noon. At kung mapatingin man siya sakin ay isang malamig na tingin lang ang ibibigay niya sa akin.
Masakit man para sa akin pero kailangan ko na din dapat masanay. Eto naman ang gusto ko diba? Ang lumayo sa akin si Rain, ang magalit siya sakin.
Mahalaga sa akin si April kaya hindi ko siya mahiwalayan. Mahalaga din naman sa akin si Rain, mahal ko yun eh pero alam kong matapang at matatag na tao si Rain hindi tulad ni April. Mas kailangan ako ni April, siguro.
Alam ko naman na makakaya ni Rain 'to. Matatag siyang babae, matapang. Naalala ko noong una ko siya nakilala. Napabilib na niya ako kaagad. Iba siya sa lahat kaya siguro natutunan ko siyang mahalin.
Kinuha ko ang phone ko na kanina pa ring ng ring.
[Thank God sinagot mo na. Kanina pa kita tinatawagan babe. Ano bang nangyayari? Kahit isang reply wala ka. May problema ba?]
Nag-aalalang tanong ni April sa kabilang linya.
"Nothing babe. I'm just.. tired. I'm sorry." Sagot ko.
[Nah. It's okay. You want me to go there?]
"No. I'm fine babe. I'm just tired."
[Okay babe. Just text or call me kung may kailangan ka.]
"I will babe."
[See you tomorrow babe. I love you.]
Huminga muna ako ng malalim.
"See you babe." Inend call ko na kaagad.
I'm sorry April. Pwede naman siguro maibalik yung dati diba? Pwede naman siguro.. Sana pwede pa.
Rain's POV
Nasa bahay ako ngayon kasama si Alex. Bored daw siya sa bahay kaya pinuntahan niya ako dito sa amin.
"SHIT! YES! RAAAAIIIINNN!! TIGNAN MO NEW SCORE KO SA FLAPPY BIRD!! WAAAAHHHH!! ANG SAYA KOOOO!!" Pagtingin ko sa phone niya.
"Wow! Congrats. Lumelevel up ka sa 15 na score mo." Sarcastic na sabi ko sa kanya.
Tama kayo. 15 ang highscore niya, masaya na siya jan. Akala mo nanalo ng lotto ang gago. Minsan talaga iniisip ko kung may kakambal ba 'tong si Alex. Minsan ang cool niya yung tipong matured kung umakto pero ngayon tignan mo parang bata kung magwala ng dahil lang sa 15 na highscore niya sa flappy bird.
"Nag-effort naman ako no! Nakailan try din ako para lang makuha tong score na 'to." Sabi niya at umirap pa. Tangina! Bakla ba 'to?
"Hindi ako bakla. Kayo lang ba may karapatan umirap?" Biglang sabi niya. Mind Reader? Bongga!
"Ang sagwang tignan Lex. HAHAHAHAHAHAHA!" Pang-aasar ko sa kanya. Nakita ko naman siya nagpout. Hindi naman masagwang tignan eh. Ang cute kaya niya tapos nagpout pa ang cute parang bata. Hahaha.
Napansin ko naman na nakangiti siya habang nakatitig sakin.
"Oh bakit? Nagagandahan kana naman ba sakin ah?" Tanong ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran niya.
"Maganda ka naman talaga at lalong gumaganda kapag nguminiti ka." Sabi nito habang nakatitig sakin.
Namula naman ako bigla sa sinabi niya. Ang seryoso niya kasi habang sinasabi 'yon.
"Ang tagal ko din hinintay na tumawa ka ng ganyan. Ang sarap kasi sa tenga ng tawa mo eh." Sabi niya at ngumiti.
Nakatingin lang ako sa kanya. Ano bang pinagsasabi nito? Ang weird ah.
"Alam kong naweweirduhan kana sakin ngayon pero hindi ko mapigilan sarili ko eh. Hahaha." Tawa nito.
"Alam mo ba Rain magmula ng nakilala kita gusto ko lagi kitang nakikita, gusto ko lagi ko nakikita yang mga ngiti mo. Ang sarap mo kasing pagmasdan." Nakangiting sabi nito.
Nabigla naman ako ng bigla niya akong yakapin.
"A-Alex.." Nauutal na sabi ko.
"Kaya gagawin ko lahat mapasaya ka lang Rain, kahit ano para lang sayo."
VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
Fiksi UmumHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...